00:00.
00:00Mainit na balita, may bagong low-pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:10Sabi po ng pag-asa, may medium chance niyang maging bagyo.
00:13Namataan po yan, 85 kilometers west-southwest ng Sinait Ilocos Sur.
00:18Kung magiging bagyo ito, tatawagin itong Bagyong Lani.
00:22Sa ngayon, nagpapaulan na ito sa Ilocos Region at Cordillera.
00:26Asahan ang malalakas na ulan sa mga susunod na oras sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at Benguet.
00:34Hanging habagat pa rin po ang nakaka-apekto sa iba pang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila at sa Western Visayas.
00:41Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, ngayong umaga pa lamang ay mataas na ang tsansa ng light to moderate rain sa NCR.
00:49Magpapatuloy yan hanggang mamayang hapon at gabi.
00:52Ganyan din po ang aasahang panahon bukas at sa linggo.
00:57Ulanin din ngayong umaga ang malaking bahagi ng Luzon kabilang ng inang bahagi ng Bicol Region at Palawan,
01:02gayon din ang Visayas at Sulu Islands.
01:05Halos buong bansa na ang ulanin sa bandang hapon at gabi.
01:08Pusibli ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
01:12Asahan din ang ganitong panahon ngayong weekend.
01:17Pabugso-bugsong pagulan ang naranasan sa ilang lugar sa Metro Manila kanina pong umaga.
01:22Sa Kaluokan, halos mag-zero visibility ang ilang kalsada na naging pahira para sa mga commuter na maagang bumiyahe.
01:30Ilang lugar din ang nakaranas ng pagbaha na agad din namang humupa.
01:35Walang tigil na ulan din ang naranasan sa Quezon City.
01:38Bahagya'y ang pinabagal ang trapiko sa ilang kalsada.
01:42Pahirap naman sa mga commuter ang pagulang naranasan sa Makati City.
01:47Pinangangambahan po ng ilang jeepney driver na maapektuhan ang kanilang pamamasada.
01:52Kahit umuulan, marami pa rin pong nagsimba sa unang biyernes ng September
01:56sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno sa Quiapo sa Maynila.
02:04Ayon sa pag-asa, local thunderstorm at hanging habagat
02:07ang nagdudulot ng pagulan sa ilang bahagi ng bansa.
02:12Na-aperwisyo rin ang masamang panahon ng ilang probinsya sa Northern Luzon.
02:18Nagmistulang kilog ang ilang kalsada sa Pasukin, Ilocos Norte
02:21dahil sa pagbahang dulot ng pagulan.
02:23Bumigay at nagkabutas naman ang Sipat Bridge sa Kawayan, Isabela
02:27dahil sa ragasan ng tubig.
02:30Sa alternatibong ruto mo na pinadaan ng mga motorista.
02:33Nasunda naman ang last night sa pagkahawalay na bahagi ng Pinokok Balbalan Road
02:37sa Kalinga.
02:39May paghuhon ng lupa kanina umaga sa Barangay Junction.
02:43Isinara muna ang bahagi ng kalsada sa mga motorista.
02:46Nitong Merkoles lang, nagkamadflow naman sa parte ng National Road
02:49sa Barangay, Taga.
02:51Nagkalanslay din sa bahagi ng Cervantes Road sa Mangkayan, Benguet.
02:56Natanggal na ang mga bumagsak na debris at nadaraanan na ang kalsada.
02:59Suspendido ang pasok mamayang hapon sa ilang lugar sa bansa
03:04dahil sa masamang panahon, dulot pa rin po ng habaga.
03:07Kabilang dyan, ang kinder hanggang grade 12, child development centers
03:11at alternative learning system sa mga pampublikong eskwelahan dito sa Quezon City.
03:16Nasa pamunuan na po raw ng mga pribadong eskwelahan kung magsususpindi rin ng klase ngayong araw.
03:23Wala namang face-to-face classes ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan
03:28sa San Antonio Zambales.
03:31Gayun din sa Baliwag, Bulacan at Maykawayan, Bulacan.
03:35Shift din muna sa alternative delivery mode ang kinder hanggang senior high school sa Hagonoy, Bulacan.
03:41Wala namang pasok ang lahat ng antas sa public at private schools sa Balagtas, Bukawi, Kalumpit at Norzagaray sa Bulacan.
03:49Gayun din sa Morong Bataan at Ternate sa Cavite.
03:53Sa Santa Maria, Bulacan, daycare hanggang grade 12 lamang ang walang pasok.
03:58Nauna nang nagsuspindi ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila at karatig lalawigan sa Luzon.
04:12Mainit na balita, guilty sa kasong administratibo ng DPWH ang nadismiss na dating Bulacan 1st District Engineer, Henry Alcantara.
04:20Dahil yan sa ghost project sa Baliwag at Bulacan-Bulacan,
04:23Ang mga kasong administratibo na kinakarap ni Alcantara ay disloyalty to the Republic of the Philippines and to the Filipino people,
04:31grave misconduct, gross neglect in the performance of duty at conduct prejudicial to the best interest of service.
04:38Ayon kay Secretary Vince Disson, magre-recommenda rin sila ng mga criminal charge laban kay Alcantara at iba pang sangkot dito.
04:45Wala pagbagong pahayag si Alcantara.
04:47Kahapon, matapos i-anunsyo ng Secretary Vince Disson na dismiss na siya sa servisyo,
04:51ang sabi ng Alcantara ay nirirespeto niya ang disisyon.
04:58Mainit na balita, may mga grupo muling nagkinos protesta sa labas ng compound ng Pamilya Diskaya sa Pasig.
05:05At may ulot on the spot si Chino Gaston.
05:08Chino?
05:08Tony, sumugo dito sa tapat ng St. Gerard Construction Building ang grupong Akbayan Party List, Youth Against Coracot at Allied Groups
05:20para iparating ang kanilang galit sa mga katiwalian umano na inuugnay sa kumpanyang na sangkot nga daw
05:26ang kontraktor ng mga kontrobersyal na flood control projects ng DPWH.
05:31Inilarawan bilang mga multo na mga ralihista ang mag-asawang Sara at Curly Diskaya,
05:37pati na ang may-ari ng Wawao Builders na si Mark Alan Arevalo sa kanilang kilos protesta.
05:42Ito na ang pangalawang sunod na araw na may nagkilos protesta sa labas ng nasabing gusali.
05:47Giyit ng grupo, dapat panagutin ang mga politiko, opisyal ng gobyerno at kontraktor
05:52sa mga ghost projects o mga proyekto ng DPWH na hindi naman natapos
05:56o hindi naman nagawa pero bayad ng pera ng taong bayan.
06:00Hindi lang daw pera ng taong bayan ang nawawala dito kundi maging ang pangarap at kinabukasan ng mga kabataan.
06:07Matapos ang higit isang oras, payapang natapos naman ang rally na binantayan ng mga polis pasig.
06:13Samantala si Nelyo Han ng Bureau of Customs ang labing dalawang luxury cars ng mga diskaya
06:18sa loob ng kanilang building habang gumugulong ang investigasyon sa Senado.
06:22Bukod sa selyo, hinarangan din ang BOC ng dalawang minibus ang mga sasakyan
06:26para hindi raw tamaan ng mga bato sakaling tangkaing batuhin ang mga sasakyan ng mga rallyista.
06:32Sinusubukan pa namin kuhanan ng pahayag ang abogado ng mga diskaya tungkol sa mga pangyayari
06:37ngayong umaga sa tapat ng kanilang gusali.
06:40Samantala, Connie, patuloy na magbabantay raw ang Bureau of Customs sa building
06:45para masecure ang mga sasakyan na nasa constructive posesyon na ng ahensya
06:49bagamat dito nananatili sa loob ng building ng mga diskaya.
06:54At yan ang latest mula rito sa Lunson ng Pasig. Balik sa inyo, Connie.
06:57Chino, ngayon nakikita natin mas peaceful na ang kanilang sinasagawa dyan na rally
07:03na ay mas-masa na ba ng kahit paano yung ilan sa mga nag-subway kahapon
07:09at nasa likod mo na nag-vandalize.
07:14Sabi daw ng pamilya diskaya, Chino, maghahabla sila.
07:18Ano ang reaksyon dyan ng ating mga rallyista?
07:24Well, handa naman daw ang mga rallyista na harapin itong kanilang mga ginawa.
07:29Pero yun ang malaking pagkakaiba dun sa pangyayari kahapon
07:35ay mas payapa ngayon dahil mas maraming polis na nagbabantay
07:38at medyo may panawagan din yung mga rallyista kanina sa kanilang mga kasamahan
07:42na medyo payapa lang ang gawing kilos protesta ngayong araw.
07:47Kaya nakita natin dun sa video, yung kanilang manifestation na talaga
07:50ng kanilang kilos protesta, yung pagdadrams at yung pagsasalarawan
07:54ng mga ghost na sangkot-umano dito sa mga umano'y tiwaling mga flood control projects.
08:03Maraming salamat, Chino Gaston.
08:0628 sasakyan na ng pamilya diskaya ang nasa kustodiyan ng Bureau of Customs.
08:11Bulontaryo ay sinuko ng pamilya ang 16 pa nilang luxury vehicles.
08:15Naisa ilalim na ang mga ito sa sealing at documentation.
08:18Sa search warrant ng BOC, 12 lang ang inilistang sasakyan
08:21na nauna nang napunta sa kustodiyan ng ahensya.
08:24I-imbestigahan namang ito kung tama ang binayarang buwis.
08:27Samantala, i-aapela ng pamilya diskaya ang pag-revoke
08:30sa lisensya ng siyam nilang kumpanya
08:32ng Philippine Contractors Accreditation Board.
08:35Ayon sa kanilang abugado, hindi sila nabigyan ng sapat na panahon
08:38para magpaliwanag.
08:40Kasunod ng pagkansila sa kanilang lisensya,
08:42makikipagungnayan daw ang ilu-ilu si TLGU sa DPWH
08:45dahil may mga proyekto rin sa lungsod ang nasabing contractor.
08:48Meron ding proyekto ang ilang kumpanya ng diskaya sa Maynila
08:52na ayon kay Manila Mayor Isco Moreno
08:54ay kabilang sa mga hindi nagbayad ng tamang buwis.
08:58Sinusubukat pa namin punan ng panig dito ang pamilya diskaya.
09:07Bip, bip, bip!
09:08Mga motorista, may posibleng taas presyo na naman
09:10sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
09:13Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy,
09:16batay sa 4-day trading, kumigit kumulang 1 peso
09:19and 40 centavos ang dagdag presyo
09:21sa kada litro ng diesel.
09:24Nasa 1 peso naman ang taas presyo
09:25sa kada litro ng gasolina,
09:27habang 80 centavos sa kerosene.
09:30Ayon sa DOE, isa sa mga nakakapekto riyan
09:32ang ipinatupad na sanksyon ng Amerika sa Iran
09:35at ang patuloy na gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
09:38Ito ang GMA Regional TV News.
09:46Mainit na balita mula sa Luzon,
09:47hatid ng GMA Regional TV.
09:50Nabanggan ang motorsiklo ang isang istudyante
09:52sa Tabaco City sa Albay.
09:54Chris, kamusta na ang biktima?
09:56Connie, nagpapagaling pa sa ospital ang istudyante.
10:02Sa kuha ng CCTV,
10:03tumatawid sa pedestrian lane ang biktima
10:05habang nagderederecho ang motorsiklo
10:08hanggang mabangga ang bata.
10:10Nakaladkad siya habang tumilapo naman ang rider.
10:13Ayon sa pulisya,
10:14nagkasundo ang parehong panig
10:15na sasagutin ng rider
10:16ang pagpapagamot sa biktima.
10:20Uli naman ang isang dalaking
10:21nagpanggap umanong PIDEA agent
10:23sa La Trinidad Benguet.
10:25Ayon sa PIDEA Cordillera Regional Director
10:28Derek Carrion,
10:29sila mismo at kanyang mga koopisina
10:32ang nakakita sa lalaki
10:33na nakasuot ng uniporme ng tanggapan.
10:36Nang sitahin,
10:37walang maipakitang ID ang dalaki.
10:39Doon na raw siya dinala sa presinto.
10:41Nalaman din gumagamit ang dalaki
10:43ng iba't ibang pangalan.
10:45Sinampana siya ng mga reklamo
10:46kabilang na ang usurpation of authority
10:48at illegal use of insignia.
10:51Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
10:53Babala naman ang otoridad,
10:55bawal ang hindi otorizadong pagsusuot
10:57o paggamit ng mga uniporme
10:59o anumang gamit na para lamang
11:01sa law enforcement agencies.
Comments