00:00Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa Proposed 928.52 billion pesos 2026 budget ng Department of Education,
00:13inilatag ni Depend-Secretary Sonny Angara ang mga problema sa sektor ng edukasyon,
00:19tabilang ang kakulangan ng 165,000 classrooms nationwide.
00:24Ayon kay Angara, inaasaang sa susunod na taon ay masisimula na ang pagtatayo ng mahigit isandaang libong bagong classrooms sa ilalim ng public-private partnerships.
00:38Ang konstruksyon ng mga silidaralan ay magkakaroon ng tatlong bahagi.
00:42Pero si 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM 2 co-chairperson, Rep. Roman Romulo, dudang mareresol ba ng PPPs ang kakulangan ng classrooms?
00:54Even if we go through PPPs, there will still be a bidding procedure.
01:00Even if you say that you will give it to the local governments, there will still be a bidding procedure.
01:06So the issue on funding and bidding will still be there, no matter what mode that you are proposing under the PPP.
01:14So please enlighten Congress on how this is the panacea for the classroom shortage.
01:21Sagot naman ni Secretary Angara.
01:24Bulto-bulto po yung pagbibid. So the difference will be that, rather than bidding just 10 classrooms or 20 classrooms, you'll be bidding 1,000 classrooms, Your Honor.
01:32Sa panukalang 2026 budget ng DEPED, 13.2 billion pesos ang alokasyon para sa konstruksyon ng classrooms at 6.1 billion pesos para sa classroom repair at rehabilitation.
01:46Bahagyaring uminit ang ulo ni Congressman Romulo sa pagtatanggi ng DEPED, nasa kanila nang galing ang dokumentong nagsasaad ng pagtuturo ng comprehensive sexuality education sa kindergarten hanggang grade 3.
02:01So you're denying this, that this is a DEPED document?
02:07Madam Chair, I need po to see the document for me to say that it is a document.
02:12Come on, Madam Chair, can she take a look? One minute.
02:17Bagamat hindi na kumpirma ni Angara kung official na DEPED document ang papel, tiniyak naman ito na rerepasuhin nila ang kurikulum upang matiyak na rerespeto pa rin sa kultura ang sexuality education.
02:32Samantala, ibinunyag ni Angara na may pitong pribadong paarala na ang kanilang nakasuhan sa aligasyong pagkakaroon ng ghost students na tumatanggap ng senior high school vouchers.
02:45May criminal cases ho tayo with the total amount involved of 61.9 million.
02:51Sa harap naman ng anomalya sa umanay pagbili ng overpriced laptops ng DEPED noong 2021,
02:58iminungkahi ni Akbayan Representative Chaljokno ang pagtatalaga ng Deputy Ombudsman na tututuklamang sa sektor ng edukasyon at social services.
03:08Welcome naman ito sa DEPED at kanilang iginit na may tuturing na pinakamalalang uri ng korupsyon ang pagnanakaw sa pondo para sa edukasyon.
03:20Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
03:24At yan po ang report ng ating kasamang si Harley Valvena.