00:00Samantala, good news sa mga guro sa mga pribadong paarelaan.
00:04Ito'y dahil inaprobahan na ng Department of Education ang pagtaas ng salary subsidy sa mga kwalipikadong private school teachers.
00:12Ito'y sa ilalim ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Program.
00:18Mula sa 18,000 pesos, itataas na ang subsidy sa 24,000 pesos sa bawat guro kada taon na magsisimula ngayong school year.
00:28Sa isinagawang ceremonial signing, iginiit ni Education Secretary Sonny Angara ang kahalagahan ng mga guro sa mga pribadong paarelaan para sa pagpapaunlad ng ating bansa.
00:40Giit pa ni Angara, batid niya ang agwat ng kalagaya ng mga guro sa pribado kumpara sa mga pampublikong paarelaan.
00:47Kaya naman, Ania, ay gumagawa na ng kongretong hagbang para paliitin ang agwat na ito.
00:53Pagtitiyak ng kalihim, magpapatuloy ang pagtutulungan ng DepEd sa mga lokal na pamahalaan, development partners at iba pang stakeholders
01:02para maisakatuparan ang layunin ng kagawaran na maghatid ng dekalidad at abot kayang edukasyon.