00:00Tiniyak ng Bureau of Customs na hahabulin ang natitira pang mga luxury cars na pag-umayari ng mag-asawang Diskaya.
00:07May 15 araw naman ang mga Diskaya na ipresenta ang mga dokumento ng mga sasakyan.
00:11Yan ang ulat ni J.M. Pineda.
00:14Nakahol ngayon sa loob ng compound ng St. Gerard Construction ang 12 mamahaling sasakyan ng Pamilya Diskaya
00:21dahil sa isinasagawang inspeksyon sa mga papel nito.
00:24Kahapon, iniyain ng Bureau of Customs ang search warrant sa mga luxury cars na pag-umayari nila.
00:29Na kumpleto ito kagabi kung saan isa-isa itong dumating sa parking building ng St. Gerard
00:34na bantay sarado rin ng mga tauan ng Philippine Coast Guard.
00:37Depensa ng Kampo ng Diskaya, legal ang pagbili nila ng mga luxury cars at may mga papeles ito.
00:43Pero ayon sa BOC, kailangan pa nila itong mapatunayan.
00:47Ngayon po, nasa proseso na kami ng paghihintay ng kanila mga submission ng mga dokumentong hawak nila
00:53na nagpapatunay na ito yung mga bayad ng narapat na buwis at tumaan sa tamang proseso.
00:59At pagtapos naman po, ibabangga namin sa records namin yan para i-verify kung talagang yung submissions nila
01:05ay nagmamatch doon sa records po ng Bureau of Customs.
01:08Hahabulin rin daw ng BOC ang natitira pang mga luxury cars na pagmamayari ng mag-asawang Diskaya.
01:13Kaya doon sa marami natin narinig, 28 sang-ayon mismo sa kanila sa Diskaya family at 40 sang-ayon naman sa kanila social media posts.
01:24At kasi Senator Jingoy kahapon, 80.
01:27So at the minimum, we're looking at 28 dapat.
01:31Nakataon lang na nauna yung labing dalawa kasi yan yung in-apply natin kaga.
01:35Dahil kapag binuo pa namin yung 40, magtataga lalo.
01:39So sa paniniwala ko, kaya pinupos ko na yung pag-apply ka agad sa labing dalawa kasi buo na yung dokumento niya.
01:45Binigyan ng ahensya ang Pamila Diskaya ng hanggang labing limang araw para ipakita ang mga dokumento
01:51ng mga luxury vehicles gaya ng Certificate of Payment at mga patunay na bayad ito ng buwis.
01:56Kung walang mailabas na dokumento, ikukonsidera ito na hindi nakapagbayad ng tamang tax.
02:02Samantala, kaugnay naman ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Jingo Estrada na may 80 sasakyan ng mga diskaya.
02:09Sagot ng kampo nila.
02:10Nagkausok ko kami sa telepono ni Sir Curly.
02:14Ang sabi niya, baka hindi pa na ilipat yung mga ipinenta nilang mga sasakyan ng previous years.
02:22Binigyan din niya na lahat ng luxury car ng mga diskaya ay reyestrado at nabili dito sa Pilipinas.
02:28Paliwanag pa ni Samanyego, ang sampung sasakyan na hindi naabutan ng Bureau of Customs sa pagsilbi nito ng search warrant
02:34ay nasa preventive maintenance.
02:36J.M. Pineda para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.