00:00Iniulat ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na sa loob ng linggong ito, magbibigay na sila ng inisada ulat sa Balacanang tungkol sa mga flood control project ng pamahalaan.
00:12Giit ng mga kongresista, mahalagang mabusisi ang isyong ito sa ngalan ng accountability. Yan ang ulat ni Bella Lesboras.
00:20Isang linggo pa lang matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. ang audit at performance review sa mga flood control project ng gobyerno agad nang sinimula ng House Committee on Public Accounts ang inisyal na talagayan ukol dito kasama ang mga opisyal ng DPWH sa panguna ni Secretary Manuel Bonoan.
00:42Very important po yung public briefing na ito and the future hearings relating to flood control projects because it is a presidential pronouncement and it is close to the hearts of the nation as to the status of these flood control projects in light of recent typhoons.
01:06Ayon kay Secretary Bonoan, magpapasa na sila ng paunang ulat sa Malacanang sa loob ng linggong ito.
01:13Handa rin daw siyang mag-leave of absence habang gumugulong ang investigasyon kung ipag-uutos ng presidente.
01:19We recognize that efficient and timely delivery of public infrastructure not only supports economic growth but also builds public trust in government institutions such as the Department of Publics and Highways which remains committed to ensuring that every project is guided by the principles of good governance, value for money and responsive to the needs of our communities.
01:46Sabi ni House Committee on Appropriations Chair Mikaela Swan Singh, mahalaga ang mga talagayan sa kamara tulad ng nilahuka ng DPWH bilang paghahanda sa nalalapit na budget deliberations.
01:59Matutukoy raw kasi rito kung kulang ba, sapat na o dapat pang dagdagan ang pondo ng isang ahensya at kung tama ba ang naging paggamit nila ng pondo.
02:08Napaka mahalagang parte po ng budget cycle ay yung accountability component. Bago po tayo mag-desisyon kung magkano po ang ipagkakatiwala sa isang ahensya sa susunod na taon, nagsasagawa po tayo ng performance review sa mga ahensya.
02:25Sang-ayon din dyan si Tingog Partilist Representative Jude Asidre na una na rin nanawagan para sa accountability ukol sa issue ng Kabanang Bayan.
02:34Malaking bagay po ito kasi sa proseso ng budget, madalas po kami po ay nakatuon dun sa numero. Pero madalas nakakaligtaan din namin yung outcomes based assessment tungkol whether yung mga programa na pinapanukala o ina-implement e tumutugon talaga sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
02:56Ang ilang kongresista naman, una na rin naghahain ang Freedom of Information Bill na makatutulong din daw sa pagsasulong ng accountability sa gobyerno lalo na sa usapin ng pambansang pondo.
03:08I think it's about time, narinig naman natin yung Pangulo na sa kanyang zona. Nanggaling na sa kanya mismo yung mga kung ano nangyayari sa mga public works or infrastructure projects, especially flood control projects. So this is actually an opportune time.
03:26Mahalaga, matutulungan namin kayo sa media para sa inyong mga investigative reports, sa inyong mga reporting kung magkakaroon talaga ng transparency at disclosure.
03:37At somehow, malalabanan natin yung fake news kung mailalabas talaga yung katotuan.