00:00Una po sa ating mga balita, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Budget and Management
00:06at sa bagong talagang kalihib ng Department of Public Works and Highways,
00:11ang malawakang pagsusuri sa panukalang budget ng DPWH sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program o NEP.
00:20Binigandiin ang Pangulo na dapat magresulta ang pagsusuri sa mga kinakailangang pagbabago
00:25para matiyak ang transparency, accountability at wastong paggamit ng pondo ng bayan.
00:32Ayon kay President Marcos Jr., kailangan matiyak na ang mga pondong inilaan
00:37ay mapupunta sa mga proyektong pang-imprastruktura na tunay na pakikinabangan ng sambayanang Pilipino.
00:44Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
00:47dahil hindi na maaaring ibalik sa DBM ang NEP,
00:51maaaring magkaroon lamang ng mga eratum o pagbabago sa budget ng ahensya.
00:56Tiwala naman ang palasyo na mabilis itong maisasagawa
00:59at matatapos para maiwasan ang re-enacted budget.
01:04Sa bilis po ng pagtatrabaho ni Sec. Vince at sa kanya Sec. Mina pangandaman,
01:10mabilisan po ito.
01:11At yun ang pinag-utos talaga ng Pangulo.
01:12So hindi pwedeng pangmatagalan yung gagawin na pagre-review.
01:17Mabilisan po ito.