00:00Natapyasan ang halos 29% ang panukalang pondo ng DPWH para sa 2026.
00:07Batayan sa iprinisentang revised budget proposal ni Secretary Vince Dizon sa Kamara
00:12para sa muling pagsalang ng ahensya sa budget deliberations.
00:16Si Bernard Ferrer sa Sentro ng Balita, live.
00:19Angelique, mas malinis, maayos at transparent na paggamit sa 2016 o 2026 budget.
00:35Itong tiniyak ni DPWH Secretary Vince Dizon sa kanyang pag-arap sa budget hearing ng House Committee on Appropriations.
00:43Ipinisintan ni DPWH Secretary Vince Dizon sa pag-inig ng House Committee on Appropriations
00:52ang revised budget ng ahensya para sa 2026 na bumaba ng 28.99%
01:00kumpara sa orihinal na proposed budget na mahigit P881 billion.
01:05Sa bagong panukala, nasa P625 billion na lamang ang kabuang pondo ng DPWH.
01:11Ito ang pinakamababa mula 2020 kung saan umabot naman sa P581 billion ang budget ng ahensya.
01:20Tinapyas ang mahigit P252 billion na dapat sanang ilalaat o ilalaan sa locally funded flood control projects.
01:29Ang akbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
01:34na alisin ang pondo para sa mga lokal na flood control projects sa 2026 Natural Expenditure Program o NEP.
01:42Ayon kay Secretary Dizon, ang tinapyas na pondo ay ilalaan sa iba pang mahalagang sektor
01:47gaya ng kalusugan, edukasyon at agrikultura.
01:50Kabilang sa mga inalis sa revised budget ang mga sumusunod, duplicate projects, completed projects, overlapping section sa mga road projects, rock netting, cuts eye at studs projects.
02:04Sa revised 2026 budget, P15.77 billion na lamang ang ilalaan para sa flood management program
02:13at ito ay mula sa foreign assistant projects na pinupondohan sa pamamagitan ng utang mula sa mga multilateral agencies tulad ng ADB, JICA, World Bank at iba pa.
02:25Binigyan din ni Secretary Dizon na bagamat walang pondo para sa local flood control projects sa 2026 revised budget,
02:32may mga nakalaang proyekto pa rin amahen siya gaya ng MMDA, particular sa Metro Manila.
02:38Tumaas naman ang pondo para sa mga kalsad at tulay na ngayon ay umabot sa P482 billion pesos.
02:45Sa pagdinig, binagit din ni Kaloocan Congressman Edgar Erice na may flood control project ang St. Timothy Construction Corporation
02:54na konektado sa mga diskaya na pinabayaan umano sa kanilang lungsod.
02:59Tiniyak naman ni Secretary Dizon na papanaguti ng mga sangkos o monoy irregularidad sa flood control projects.
03:05Sa katunayan, 20 individual na ang inareklamo ng DPWH sa Office of the Ombudsman kaugnay ng nasabing anomalya.
03:14Angelique, nagpapatuloy ang budget hearing ng House Committee on Appropriations.
03:19Tiniyak naman ni Secretary Dizon na pagsapit ng 2027,
03:24yung paggawanan ng pondo ay manggagaling na sa local, provincial, hanggang regional
03:30para matiyak nga yung mga gagawing proyekto at yung integridad na rin ng budget ng ahensya.
03:37Angelique.
03:38Alright, maraming salamat Bernard Ferrell.
03:40Alright, farin.