00:00Handa na ang mga karatekas ng Philippine Karatido League o PKL na magdaos ng Kata and Committee Training Workshop
00:07sa parating na weekend sa isang mall sa Naga, Camarines Sur para sa 7th PKL Bicol National Grand Prix Peña Francia Festival.
00:16Ayon kay PKL founder Shihan Jeriz Aquino, target ng naturang event na makapag-develop at makahanap ng mga bagong karatekas sa Bicol Region.
00:25Magaganap ang itinuring na pinakamalaking event ng PKL sa Bicol sa September 13 at 14.
00:32Para sa mga interesadong sumali, makikipag-ugnayan kayo sa PKL Shito Kaynaga BBF na pinangungunahan ni Sensei Alan Baldoza.