00:00Mula noon hanggang ngayon, nananatiling saksi ang Philippine International Convention Center o PICC
00:06sa napakaraming makasaysayang kaganapan.
00:08Mula sa mga pandaigdigang pagpupulong hanggang sa mga personal at tagumpay ng bawat Pilipino.
00:15Muling biligyan buhay ang ganda at dangal ng istrukturan ito sa pamagitan ng isang malawakang renovation
00:20na layong i-preserve ang kanyang original na anyo habang inaangkup sa makabagong panahon.
00:26Panoonin po natin ito.
00:27Sa puso ng Maynila, muling nagliwanag ang isang gusaling saksi sa libo-libong sandali ng tagumpay,
00:36saya at pangarap ng mga Pilipino.
00:40Matapos ang ilang buwang renovation,
00:43muling binuksan sa publiko ang Philippine International Convention Center o PICC.
00:49Kamakailan, isinagawa ng PICC ang isang media familiarization tour
00:54upang ipakita sa publiko ang mas pinahusay na pasilidad nito.
00:59Ang PICC ay dinisenyo ng National Artist for Architecture na si Leandro Viloxin,
01:05isang tunay na obra maestra ng Filipino ingenuity.
01:10Mula nang ito'y binuksan noong 1976, bilang kauna-unahang International Convention Center sa Asia,
01:17naging tahanan ito ng mga pandaigdigang pagtitipon, cultural events, at mahalagang sandali sa kasaysayan ng bansa.
01:25Ngayon, sa bagong kabanata ng PICC, nagtakpo ang heritage at innovation.
01:33Bawat detali ng renovation ay maingat na pinag-isipan.
01:37Mula sa 3,608 na muling pinatingkad na drop lights at hand-painted ceilings,
01:43hanggang sa mga pakabagong meeting rooms na may LED screens.
01:48Sa labas naman, muling ibinalik sa dating ganda ang courtyard.
01:52Tampok ang pebble wash flooring, mga restored ponds, at pinahusa ni landscaping.
02:00Dito matatagpuan ang APEC Sculpture Garden,
02:03isang koleksyon ng 20 sculptures na kumakatawan sa bawat miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC.
02:11Isang paalala ng pagkakaisa, sining, at kolaborasyon ng mga bansa sa rehiyon.
02:17Sa bawat sulok, mararamdaman ang paggalang sa nakaraan at ang sigla ng panibagong simula.
02:25Pero higit sa magarang disenyo, ang tunay na puso ng PICC ay nasa ala-ala ng bawat Pilipino.
02:33Sa mga bulwagang ito, may mga pangarap na unang sumiboy,
02:37at may mga paglalakbay na patuloy pa rin isinusulat hanggang ngayon.
02:42Habang papalapit ang 50th anniversary nito,
02:46muling binubuksan ng PICC ang mga pintuan
02:49para sa panibagong henerasyon ng mga Pilipinong handang lumikha ng sarili nilang kwento.
02:55Bagaman bago ang anyo, nananatiling buhay ang diwa nito.
03:00Isang buhay na sagisag ng tibay, sining, at pusong Pilipino
03:04na patuloy na magbibigay inspirasyon sa mga susunod pang dekada.
03:11Amin.
03:12Amin.
03:12Amin.
03:13Amin.
03:14Amin.
03:15Amin.