00:00Na-stranded ang PLDT high-speed hitters sa kanilang training facility sa G. Araneta Avenue, Quezon City kahapon.
00:08Dahil sa walang tigil na buhos ng ulan dulot ng Southwest monsoon o habagat na nararanasan ngayon sa Metro Manila,
00:15isa ang naturang lugar sa mga kilalang binabaha, kaya't hindi agad nakalikas ang koponan at kinailangang sagipin mula sa pasilidad.
00:24Ibinahagi ng ilang member ng PLDT team ang mga kaganapan sa loob ng kanilang gym habang inaantay ang rescue.
00:31Kabilang dito ang pagkain at paggawa ng improvised karaoke session para malibang.
00:37Sa kanilang Instagram post ay makikita na sumakay ang volleyball sa rescue boat.
00:42Nagpasalamat naman ang koponan sa Philippine Coast Guard and Philippine Army.