00:00Muling nagpaalala ang Department of Health sa ating mga kababayan na lumusong sa bahan itong weekend na agad magpakonsulta contra leptospirosis.
00:11Ayon sa DOH, maaring lumapit sa mga health center o sa leptospirosis fast lanes ng mga DOH hospital para malaman ang angkop na gamot contra leptospirosis.
00:22Paalala ng ahensya, uminom lamang ng gamot batay sa rekomendasyon ng inyong doktor.
00:28Kung hindi may iwasan ang paglusong sa baha, paalala ng DOH, magsuot ng bota, huwag magyapak para hindi masugatan at maghugas o maligo agad ng malinis na tubig at sabon matapos lumusong sa baha.
00:44Muli namang tiniyak ng DOH na sapat ang supply ng bansa ng doxycycline.