00:00Yes, Angelique, pinaplancha na ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa Estados Unidos.
00:09Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro,
00:14kumpirmado ang pagbisita ng Pangulo sa U.S. ngayong July 20 hanggang 22.
00:19Gayunman, hindi pa makapagbigay ng eksaktong detalya ang palasyo sa kung ano ang magiging agenda ng Pangulo sa kanyang pagbisita roon.
00:26Pero kabilang saan tabayanan dyan, Angelique, ang posibleng pagkakaroon ng bilateral meeting ng Pangulo at U.S. President Donald Trump,
00:34kung saan maaaring mapag-usapan ng dalawang leader ang usapin ng 20% reciprocal tariff na ipapataw ng U.S. sa Pilipinas.
00:41Gayun din ang usapin sa seguridad.
00:47Pinafinalize po kasi yung detalye at sinabi ko nga po, kinukonfirm po,
00:53hindi ko po dini-deny, kinukonfirm po ang pagbisita po ng ating Pangulo at sa U.S. July 20 to 22.
01:03Tama, 22. July 20 to 22.
01:07Pero po, confirm. Pero po, yung anong detalye na pag-usapan,
01:12ang DFA na po ang magbibigay sa inyo.
01:14Samantala, ibinahagi naman ang palasyo na tuloy ang pagpapaigting ng pamahalaan para sa good governance at transparency.
01:23Katunayan, isinulong ng Bureau of Customs ang Anti-Conflict of Interest Memorandum
01:27na nagbabawal sa kahit sinong empleyado ng BOC na magkaroon ng business o financial interest sa customs brokerage operations.
01:36Ayon sa memorandum, lahat ng BOC personnel ay kailangang mag-sumite ng verified affidavit sa opisina ng commissioner
01:45na naglalahad ng detalye ukol sa familiar relationship by consanguinity or affinity within the fourth civil degree
01:54sa kahit sinong individual na konektado sa customs brokerage system or business.
01:59Sinabi rin ng palasyo na nadagdagan ng 180 LGUs ang nag-adapt na ng paleng QRPH program
02:08na naglalayong gawing cashless o ang pagbabayad sa mga local transactions.
02:13Isa itong joint initiative sa pagitan ng DILG at Banko Sentral ng Pilipinas
02:18na nagsusulong ng convenient, safe at fast payment system sa buong bansa.
02:23Nagbibigay naman ng technical assistance ang DILG sa mga LGU na gustong sumali sa programa
02:31para i-promote ang cashless system sa bansa.
02:35Dahil ang nais ni Pangulong Marcos Jr. gawing mas ligtas at mas madali ang pagbayad ng bawat mamamayang Pilipino.
02:42At ano muna ang latest mula rito sa Palacio ng Malacanang, balik sa iyo, Aljo.
02:57Maraming salamat, Kenneth Pasiente.