00:00Sa ibang balita, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng sektor ng turismo sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
00:10Sinabi ito ng Pangulo sa awarding ceremony ng Turismo Asenso Loan Program sa Pasay City kaninang umaga.
00:19Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. ang paglikha ng karagdagang employment opportunities sa sektor ng turismo kasabay ng pagtaas ng bilang ng foreign at domestic arrivals.
00:31Ang Asenso Loan Program ay resulta ng pagtutulungan ng Department of Tourism at Department of Trade and Industry upang bigyan ng suportang pangkabuhayan ang mga maliliit na negosyo sa bansa.
00:43Ang loan program na magbibigay ng maliit na interes sa mga negosyante para mabigyan sila ng pagkakataon na palawakin ang kanilang operasyon at pagbutihin ng serbisyo para sa pagpapalakas ng sektor.