- 2 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, August 30, 2025:
Ilang bahagi ng QC, binaha dahil sa malakas na ulan
Baha sa ilang bahagi ng Araneta Avenue
13 masahista, ninakawan 2 biktima ginahasa umano, 2 suspek hinahanap
Oil price hike nakaamba sa susunod na linggo, taas-presyo sa LPG posible rin
Ilang sheet pile ng proyekto sa Pansipit River, kapos ang haba kumpara sa planong 12 metro
Ilang major road sa QC, binaha
Tsinong nagwala sa bar at nahulihan ng droga, at Tsinong nanuhol umano sa mga pulis, tiklo
SIPCOR, pinalitan bilang power supplier sa Siquijor
F-16 jet bumagsak sa gitna ng airshow training; piloto patay
9-anyos na batang nahulog sa kanal, nakitang patay
Kalsada sa Arizona, halos mag-zero visibility dahil sa pagbuo ng dust storm na "haboob"
Forward operating base ng bansa, pinasinayaan sa Batanes
Suspek sa pagtangay ng takip ng isang manhole, hinahanap
Binabantayang LPA, nasa PAR na; thunderstorms nagpapaulan sa Metro Manila
Biglang buhos ng ulan sa QC, nagpabigat ng trapiko
Charlie Fleming, mala-KATSEYE member sa post | Ashley Ortega, isa sa "Women to Watch"
Pia Arcangel, nag-renew ng kontrata sa GMA Network
Baha sa Brgy. Katipunan, umabot ng lampas-tao
Encantadia fever, ramdam sa iba't ibang mga paandar
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Ilang bahagi ng QC, binaha dahil sa malakas na ulan
Baha sa ilang bahagi ng Araneta Avenue
13 masahista, ninakawan 2 biktima ginahasa umano, 2 suspek hinahanap
Oil price hike nakaamba sa susunod na linggo, taas-presyo sa LPG posible rin
Ilang sheet pile ng proyekto sa Pansipit River, kapos ang haba kumpara sa planong 12 metro
Ilang major road sa QC, binaha
Tsinong nagwala sa bar at nahulihan ng droga, at Tsinong nanuhol umano sa mga pulis, tiklo
SIPCOR, pinalitan bilang power supplier sa Siquijor
F-16 jet bumagsak sa gitna ng airshow training; piloto patay
9-anyos na batang nahulog sa kanal, nakitang patay
Kalsada sa Arizona, halos mag-zero visibility dahil sa pagbuo ng dust storm na "haboob"
Forward operating base ng bansa, pinasinayaan sa Batanes
Suspek sa pagtangay ng takip ng isang manhole, hinahanap
Binabantayang LPA, nasa PAR na; thunderstorms nagpapaulan sa Metro Manila
Biglang buhos ng ulan sa QC, nagpabigat ng trapiko
Charlie Fleming, mala-KATSEYE member sa post | Ashley Ortega, isa sa "Women to Watch"
Pia Arcangel, nag-renew ng kontrata sa GMA Network
Baha sa Brgy. Katipunan, umabot ng lampas-tao
Encantadia fever, ramdam sa iba't ibang mga paandar
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Pia Ivansa ngayon tuloy nang humupa yung baha dito sa Mother Ignatia Corner Summer Avenue sa Quezon City.
00:43Pero kanina, wala pang isang oras yung nakalilipas hanggang dito ko yung tubig.
00:48Stranded tuloy yung ilang mga motorista at pinasok din ng tubig yung ilang establishments dito.
00:52Bandang alas-dos ng hapon, bumuhos ang malakas na ulan sa Quezon City.
01:01Sa lalim ng baha sa pahundulakan ng Mother Ignatia at Summer Avenue sa Quezon City,
01:06lagpas kalahati ng street sign ang lubog.
01:09Halos bubong na lang din ang kita sa isang nabahang pickup.
01:13Nalubog din ang isang utility van.
01:15May mga bahagi na malakas ang agos kaya natangay ang isang plastic barrier.
01:19Maraming basura rin ang lumutang.
01:22Pinasok ng tubig ang isang tindahan.
01:24Dahil sa baha, ilang motorista ang stranded at ilang commuter ang hindi makahuwi.
01:29Narito po ang pahayag ng ilang mga nakausap namin.
01:34Ang malaking perwisyo po, gawa nang wala kaming pambayad boundary.
01:38Wala rin kami may uwi sa pamilya.
01:40Wala naman kaming ibang madahanan kasi.
01:42Galing kami sa doon sa gym eh.
01:46Trape kasi sa edya, wala nang galawan kayo umigot ako.
01:48Eh, paano kung dito na kami dadaan, hindi mo na kami makaiwas din kasi dahil doon siya.
01:54First time ko makita ng ganito kataas na baha na grabe po na nasa na yung flood control project.
02:00Kung baga nasa na yung project natin na nasa yung pera.
02:04Nakawawa kaming mga negosyante, tayong mga negosyante po na nagbabayad ng tax.
02:09At the same time, ganito pa rin nangyayari.
02:10For how many years na ganito pa rin nangyayari, wala pa rin po.
02:14Parang nasaan.
02:15Kung baga, nasaan kayo.
02:16Ivan, ngayon-ngayon lang, lumalakas na naman yung buhos ng ulan dito sa Quezon City.
02:27Ayon sa advisories na inilalabas ng Quezon City Local Government,
02:31ay patuloy daw silang nakamonitor sa sitwasyon.
02:34At para po sa mga residente at sa mga daraan dito sa Quezon City,
02:37pwede po kayong tumawag sa hotline 122 kung meron kayong emergency o kailangan ninyo ng saklolo.
02:43Yan ang latest mula rito sa Quezon City. Balik sa'yo, Ivan.
02:46Darlene, dyan sa kinatatoyan mo, nakikita ko medyo maluwag naman yung traffic.
02:50Pero paglabas ko kanina, papunta dito sa studio, medyo nakikita ko makapakapal ang volume ng mga sasakyan.
02:56Mahaba yung mga pila going to the major thoroughfare.
02:58Ivan, kani-kanina nga, nung hindi pa humupa yung tubig, talagang mahaba yung pila ng mga sasakyan,
03:09mga motoristang na-stranded.
03:11Pero nung humupa naman yung tubig dito, clear na naman at maluwag na yung daloy ng trapiko.
03:16Ang nangyayari dito sa likuran ko ay nagkakaroon ng parang clearing operations.
03:20May mga kawanina ng barangay at ng LGU na naglilines ng mga putik at basura na naiwan dito.
03:26Pero libre naman namang nakakadaan yung mga sasakyan, Ivan.
03:30Mag-ingat pa rin po yung mga motorista natin at kung wala namang masyadong importanteng lakad,
03:34i-manatili na lang muna sa kanilang mga tahanan.
03:37Ingat ka at maraming salamat, Darlene Kai.
03:41Nagbaha ulit sa ilang bahay ng Araneta Avenue sa Quezon City at marami sasakyan ang stranded.
03:47Sa looban hanggang dibdib ang taas ng baha.
03:50At nakatutuklay si Jamie Santos.
03:53Jamie, kamusta dyan?
03:56Piyabaha agad ang ilang kalsada nga dito nga sa Quezon City matapos bumuhos ang malakas na ulan pasado alas dos ng hapon kanina.
04:08Sa ilalim ng Skyway sa Araneta Avenue, stranded ang ilang sasakyan na inabutan ang pagtaas ng baha sa lugar.
04:16Sa videong ito, makikitang lumalabas mula sa bintana ng kotse ang driver nito.
04:21Kalahati kasi ng kanyang kotse ang lubog sa baha.
04:25Ilang sasakyan na rin daw ang nasiraan ng abuti ng baha ang kanilang sasakyan.
04:30Dahil sa baha, hinaharang na ng MMDA ang mga sasakyan galing Skyway na patungo ng Seafree, Kaluokan.
04:36Ilang residenteng malapit sa lugar ang nakita nating lumusong sa abot-dibdib na baha.
04:41Maging sa katabing P. Florentino Street, abot-bewang hanggang dibdib na baha ang tinitiis ng mga residente.
04:49Nag-issue ng thunderstorm advisory sa Metro Manila ang pag-asa kung saan tatagal ang malakas na ulan sa lugar sa loob ng dalawang oras.
04:57Pinapayuhan ng lahat na mag-ingat laban sa mga posibleng epekto ng naturang lagay ng panahon gaya ng biglang pagbaha at pagguho ng lupa.
05:04Pia, hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa humuhupa yung baha sa lugar at nakakaranas ng ambon hanggang sa mahinang pagulan.
05:12At yan ang latest mula rito. Balik sa'yo, Pia.
05:15Jamie, kamusta naman ang lagay ng trapiko sa pailigid ng lugar na kinalalagyan mo?
05:24Pia, sa mga oras na ito, may mga nakita tayo ng MMDA enforcers na nakadeploy sa lugar dahil nga minamandohan nila at inaalalayan nila
05:32yung mga motorista na babiyahin nga dito patungo sa Skyway at patungo nga dito sa may bahagi ng C3.
05:38Dahil kalookan, pinipigil na nila yung ilang sasakyang hindi kakayanin.
05:42Dahil dito sa bukana ng papasok, dito nga sa C3, sa Skyway, medyo mataas na yung baha.
05:47Hindi nga rin tayo maging yung ating news crew cab ay hindi na pinayaga ng MMDA enforcer na lumusong.
05:53Dahil maging yung news crew cab natin kahit mataas na yun ay hindi raw kakayanin yung taas ng baha.
05:58Lalo na sa pagdating ng bahagyang gitna, yung sa may dating opisina ng NBI.
06:02Dahil hanggang sa mga oras na ito, hanggang bewang parao yung baha sa oras na ito, Pia.
06:08Alright, maraming salamat sa iyo, Jamie Santos.
06:12Sa ibang balita, huli kam ang nangyaring pagpasok ng Riding in Tandem
06:16sa apartment na tinutuluyan ng labintatlong masahista.
06:19Dalawa o mano sa mga ito ang pinagsamantalahan pa.
06:22Nakatotok si Nico Wahe.
06:23Kuha ito ng CCTV magalauna ng madaling araw kahapon sa Cabrera Street, Barangay 140 Pasay City.
06:34Makikitang dumating ang Riding in Tandem na ito hanggang ang isa sa kanila pumasok sa isang compound.
06:39Nagtanggal ng helmet ang isa, pero sinot ulit saka pumasok din sa compound.
06:45Nanghimasok pala ang dalawang lalaki sa isang apartment kung saan may nakatirang labintatlong masahista.
06:49Doon sila nag-declare na hold up, may hawak daw na barel.
06:54Pareho po?
06:55Pareho yatang may barel.
06:56Ayon sa barangay chairman, tinangay ng mga sospek ang mga gamit ng mga biktima,
07:00kaya ng mga cellphone at cash na inaalam pa ang kabuuan halaga.
07:04Ang isa sa mga biktima, nakausat ng GMA Integrated News,
07:07bagamat tumangging humarap sa kamera.
07:09Aniya, tila kabisado ng mga sospek ang compound.
07:12Pagpasok ng mga sospek, parang alam na alam nila yung lugar.
07:17Parang bang planadong planado at biyasang biyasa sila.
07:22Ayon sa barangay, mapapansin din umano sa CCTV na 30 minuto pang lumipas bago lumabas ang mga sospek.
07:28Yun daw ipinakit sa taas eh, yung dalawa na yun eh, sa taas ng bahay.
07:33At doon yata nangyari yung rape.
07:34Ang Pasay Police, bagamat tumanggi muna makapanayam,
07:37sinabing may lead na sila kung sino ang mga sospek na tinutugis na nila.
07:41Yan ay matapos kilalani ng mga biktima ang isang alias Ashley
07:44na nasa e-rogues list ng Pasay Police o dati nang may mga kaso.
07:48Para sa GMA Integrated News,
07:50Niko Wahe, nakatutok, 24 oras.
07:56Mga kapuso, burn months na sa susunod na linggo
07:59at sasalubong din ang panibagong taas presyo sa petrolyo.
08:03Posible rin ang pagtaas ng presyo ng LPG habang papalapit ang winter season sa ibang bansa.
08:08Nakatutok si Bernadette Reyes.
08:10Muling aaray ang mga motorista sa panibagong taas presyo sa petrolyo sa Martes.
08:19Ang gasolina, 30 to 50 centavos ang itataas, habang 60 to 80 centavos naman sa diesel.
08:26Imbis na may uwi, napupunta lang sa gas po.
08:29Manaking bagay po ma'am dahil bawas na naman po sa kita.
08:33Ayon sa Oil Industry Management Bureau,
08:36inaasahang bababa ang demand sa petrolyo ngayong patapos na ang driving season sa Amerika.
08:41Pero may ilang espekulasyon sa world market na humila pataas ng presyo.
08:45Wala namang major, kundi ito lang reported na may resurgence ng conflict between Russia and Ukraine.
08:54May pangalawa lang, nag-o-warning ang US sa India na magta-charge ng tarif kung tuloy-tuloy pa rin ang kuha niya ng crude oil from Russia.
09:03Bukod sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo tulad ng gasolina at diesel,
09:08dapat yung paghandaan ang posibleng pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas habang papalapit ang winter season o panahon ng taglamig.
09:15Sa panahon ito kasi, lumalakas ang paggamit ng mga heating devices na gumagamit ng LPG.
09:22Si Lisa na may-ari ng karindirya nag-aalala.
09:25Pag kumukulo na po, kailangan hinahanap po.
09:28Lalo na yung mga palambutin, tsaka gumagamit kami ng pagmatitigas na karne.
09:33Nagpe-pressure cooker kami.
09:36Para mas mabilis siyang lumambot. Mas matipid yun.
09:40Si Monica naman hindi na raw masyadong magluluto.
09:43Umibili na lang ng lutong ulam para makitipig sa gas.
09:48For the longest time from April, bumababa ang LPG. Ngayon magsisimula na yun umingkris ang LPG.
09:56Papuntang February to March naman next year.
09:59Para sa GMA Integrated News, Winadette Reyes nakatutok 24 oras.
10:04Kumpara sa orihinal na disenyo, bistadong kapos ang haba na ilang sheet pile o mga bakal na ginamit sa isang flood control project sa Lemery, Batangas.
10:14Nakatutok si Ian Cruz.
10:15Wala umanong koordinasyon sa Municipal Engineering Office ang flood control project na ito sa gilid ng Pansipit River sa Ayaw-Iaw-Lemery, Batangas.
10:28Ininspeksyon ni Batangas 1st District Representative Leandro Ligarda Leviste ang halos 100 million pesos project na ipinagawa ng DPWH Calabar Zone sa isang private contractor.
10:39Sa aming pagkaalam, siya ay newly at ongoing construction. Around two weeks. Kaya lang hindi kami na coordinate, hindi rin kami na inform na may ongoing na ganitong project, river work.
10:55Kasalukuyang binubunot yung isa sa mga sheet pile dito sa Pansipit River kasi may info yung mga local engineering office,
11:03gayon din na yung iba pang ahensya ng pamahalaan na hindi umano sumusunod sa sukat base sa disenyo yung mga inilagay na sheet pile dito.
11:13Labing dalawang metro dapat ang haba ng sheet pile ayon sa plano. Pero nasa sampung metro lang ang haba ng sheet pile na binunot kanina.
11:21May mga nauna ngang pito hanggang siyam na metro lamang.
11:26Hinanatilevise ang engineer ng kontraktor pero wala ito sa site. Mga trabahador lamang ang kanyang tinatnan.
11:32Yung 12 kung tutusin diyan, ulang max. Kasi pagdating sa project po natin natunod, naka-elevate pa po tayo.
11:40Isang kinatawa naman ng DPWH Calabar Zone ang nakausap ng kongresista.
11:45Ang pinakaunang kailangan gawin ay ayusin yung gawa sa proyekto. Palitan ng mga 12 meters na sheet piles.
11:55Pero yung sinabi ng representative ng DPWH kanina ay ika-cancel na lang daw nila ang proyekto.
12:02Kaya ang tanong ko po kung kinakancel nila, ibig pong sabihin ba ay may problema itong proyekto.
12:07Kasi kung inaprubahan nila at pinipermahan pa nila yung acceptance ng proyekto at acceptance na 12 meters yung sukat ng mga sheet piles na ito,
12:15bakit nila kinakancel ngayon?
12:16Sa bayan ng Kalaka, di pa rin madaanan ang bahagi ng Jocno Highway sa barangay Tamayong na gumuho matapos ang sunod-sunod na bagyo.
12:27Ay sobrang hirap dahil yung mga residente ho ay mga kalakal nila puro pahakot, pasahan.
12:35Saka yung iba pa, hindi niya makalusot ng puntambang dry dahil sarado nga.
12:41Kala mo lang, titignan mo sa ibabaw, okay. Pero sa ilalim, pag i-assess mo siya, unsafe po siya sa mga motorista.
12:48Noong una, sinabi umano kay Levisa ng DPWH Calabar Zone na kailangan ng bagong pondo para sa rehabilitasyon nito
12:56dahil sa kalikasan ang dahilan ng pagguho. Pero nagbago na umano ang sinasabi ng DPWH Calabar Zone.
13:04Ang latest update naman po ng DPWH ay sinasagot na ng contractor yung cost ng pagsasayos ng Jocno Highway.
13:15Samantala, nakapagpiansa na ng 150,000 pesos si DPWH District Engineer Abilardo Calalo
13:22na inentrap matapos umanong tangkang suhulan si Leviste.
13:26Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok 24 oras.
13:30Na perwisyo rin ang biglang pagulan ng iba pampangon na hingkalsada sa Quezon City, agad ding bumaha sa Viluna Avenue.
13:38Walang makadaang mga sasakyan dyan. Nagbistulang ilog ang Viluna kung saan naligo ang ilang mga bata.
13:45Bumigat naman ang dalin ng trapiko sa East Avenue.
13:49Sa Cubao naman, sinabayan ng kulog at kidlat ang malakas sa ulan.
13:53Bumaha rin sa bahagi ng Edsa Seminary Road sa Quezon City.
13:57Pahirapan ng pagtawid sa bahagi ng Visayas Avenue sa Rumaragasang Baha.
14:03Gutter Deep naman ang haba sa tapatang isang mall sa North Edsa.
14:08Sa Baragay Katipunan, abot dibdib ng baha at kinailangan ng gumamit ng bangka ng mga residente.
14:14Abot baywang ng baha sa kabaan ng G. Araneta Avenue.
14:16Ang ilang sasakyan stranded at kinailangan ng itulak.
14:21Arrestado sa Maynila ang isang Chinese national na nagwala sa isang bar at nahulihan pa umano ng droga.
14:30Dinakip din ang kanyang kaibigan at kapwa Chino na nagtangka namang suhulan ang mga polis.
14:35Nakatutok si John Consulta.
14:37Todo awat ang mga bouncer ng isang bar sa Ermita, Maynila nang magwala ang isang Chinese national nitong Merkulis.
14:47Nang di mapigil ang pagwawala ng dayuhan, tumawag na ng polis ang establishmento, ang ugat ng pagwawala ng dayuhan.
14:54Sinasabi niya na malaki daw ang kanyang bill. Parang hindi daw compensated sa kanyang nainom.
15:01Nagwawala at ayaw magbayad ng kanyang bill sa isang club.
15:05Nang kapkapan ng mga polis, nakuha mula sa Chinese ang tatlong sachet ng shabu.
15:11Dito na tuluyang inaresto ang dayuhan customer.
15:14Kinagabihan, dumating sa tanggapan ng Ermita Police Station ang isang Chinese na tinangkang suhulan ang mga polis para palayain ang kanya raw kay bigang inaresto.
15:23I know fair niya dito yung kanyang sasakyan, white expander at pera.
15:28Right there and there, inaresto natin for bribery itong foreign national nito.
15:33Tapan na search nung itong pera nito, napagkaalaman natin na peke pala ito yung mga pera na gustong i-bribe.
15:41Nalaman din natin based on verification na itong sasakyan niya na ito ay nirentahan niya lang pala.
15:47Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng dalawang inarestong Chinese na hawak na ng MPD.
15:51Doon sa unang suspect natin na nakuha na ng iligal na droga ay pinailan po natin ito ng Section 11, Article 2 ng R.A. 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act.
16:05Doon naman sa pangalawang suspect natin na nag-bribe sa ating mga kapulisan ay corruption at public official and direct assault.
16:13Para sa GMA Integrated News, John Konsulta, nakatutok 24 aras.
16:20Dahil hindi na umano kayang suplayan ng kuryente ang mga customer, ipinasara na ng Energy Regulatory Commission, ang Siquijor Island Power Corporation o Sipcor.
16:30Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
16:34Ipinag-utos ko sa DOE, NEA at ERC na pabalikin sa normal ang servisyo ng kuryente sa Siquijor bago matapos ang taon.
16:43Ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos itong nagdaang State of the Nation Address na solusyonan na ayon sa Department of Energy.
16:51Ang solusyon, patigilin ang operasyon ng Siquijor Island Power Corporation o Sipcor na pag-aari ng negosyante at dating senador na si Manny Villar at palitan ng ibang supplier.
17:02Ayon sa Energy Department, lumaba sa investigasyon na hindi kayang suplayan ng sapat na kuryente ng Sipcor ang maygit 30,000 customers nito sa Siquijor.
17:13Following a NEA audit of Sipcor's generating units ordered by the DOE, it was revealed that the consumers experienced a total of 568 power interruptions, averaging more than 31 outages per month.
17:30Every day po, ibig sabihin, may outage po sa Siquijor.
17:36Despite being given sufficient opportunities to address their shortcomings, even at the expense of the government, Sipcor up to today has failed to improve.
17:48Ang Energy Regulatory Commission o ERC ang naglabas ng closure order sa Sipcor.
17:54Bagaman pwede pang i-appela ng Sipcor, agarandig sinalo ng kapalit nitong Total Power Inc. ang pagsusupply ng kuryente sa parehong presyo.
18:03Titingnan din daw ng DOE kung may dapat i-refund na pera sa consumer ang Sipcor.
18:09Sa isang statement, sinabi ng Sipcor na pinag-aaralan pa nila ang order at gagamitin ang maaaring legal na hakbang sa ilalim ng batas.
18:17Sinisiguro rao nila sa publiko na tutugunan nila ito ng responsable at re-resolvahin ito sa lalong madaling panahon.
18:26Ayon naman sa DOE, walang politika sa naging aksyon ng gobyerno sa Sipcor.
18:31This is not a political action. This is not a... that there was no due process. Hindi po ito biglaan.
18:43Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
18:53Paikot-ikot muna sa himpapawid ang F-16 fighter jet na ito.
18:57Pero bigla itong bumulusok hanggang bumagsak sa lupa.
19:01Sumabog ang fighter jet at sumagsad sa one-way.
19:04Ang aeroplanong ito ng Air Force ng Poland.
19:07Nagsasanay para sa airshow sa lugar bago nag-crash.
19:11Patay ang piloto nito at wala naman nasaktan sa mga nanonood sa paligid.
19:17Grounded muna ang mga F-16 ng Polish Air Force habang iniimbisigahan ang disgrasya.
19:22Kinansila na rin ang airshow.
19:26Nasawaya isang bata na mahulog sa kanal sa Taytay Rizal.
19:30Nakunan po ng CCTV ang pagkahulong ng bata sa kanal noong Merkoles
19:34at pahirapan ang paghahanap ng mga otoridad da sa malakas na ulan.
19:39Hanggang natagpuan na siyang wala ng buhay.
19:43Positibong kinilala ng pamilya ang bata at makikita rin ang mga sugat niya dulot ng pagkahulog.
19:49Hindi pa rin nagbibigay na payag ang pamilya at nagpaalala ang mga otoridad
19:54na kung hindi kinakailangan ay iwasan ng lumusong sa baha.
19:58Nakabala ang maraming motorisa sa Arizona sa USA sa biglang pagdilim ng kalsada.
20:10Namuhu kasi ang isang uri ng dust storm na tinatawag na habub.
20:14Ano ba ang dapat gawin kung maipit sa kaparehong sitwasyon?
20:17Kuya Kim, ano na?
20:21And can't see anything.
20:25Ang driver sa video ito, nahirapang magmaneho sa Pinal County sa Arizona, USA.
20:32Halos wala na kasi siyang matanaw sa kalsada
20:34dahil sa bumalot ditong makakapal na alikabok takong tawagin
20:37Habub
20:39Ang Habub, isang uri ng dust storm na karamiwang naranasan tuwing monsoon season sa Southwest United States.
20:46Kadalasan nabubo ito sa mga disyerto o tuyong lugar.
20:49Ayon sa U.S. National Weather Service,
20:51ang Habub ay nagbubula sa malalakas na downdrafts na mga thunderstorm.
20:55O yung malamig na hangin na bumabagsak mula sa ulap parwa sa lupa.
20:59Pagbagsak ng downdrafts at tuyong lupa,
21:01natatakay rito pataas ang alikabok sa ere.
21:04Ang alikabok ay naiipon at nagsasama-sama
21:06at bumubuo ng isang makapal na pader ng alikabok.
21:10Ang mga Habub, kadalas ay tumatagal ng 10 minutes hanggang isang oras.
21:13Depende sa lakas ng hangin.
21:15Kapag maipit sa katulad na sitwasyon,
21:17huminto agad sa tabi ng kalsada.
21:19Isa na mga bintana at magtakip ng bibig at ilong.
21:23Mainam din gumamit ng mask o basang panyo.
21:26Laging tandahan, kimportante ang may alam.
21:28Ito po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 horas.
21:31Pinasinayaan na isang military facility sa Batanes sa bungat ng Taiwan
21:37na pinangahambahang pagmulan ng gera sakaling ang kinina ito ng China.
21:42Nakatutok si JT Seriano.
21:44Ito ang Forward Operating Base o FOB ng Pilipinas sa Mahataw, Batanes.
21:52Sa dulong hilaga ito ng Pilipinas na napakalapit lang sa Taiwan.
21:57Ang military facility na ito pwedeng maging temporary o semi-permanent installation
22:02para suportahan ang tactical military operations ng AFP.
22:06At sakaling mangyari ang pinangangambahang banta ng paglusob ng China sa Taiwan
22:11na itinuturing nilang probinsya, malaking tulong ang pasilidad para matiyak
22:16na masusundo ng ligtas ang mga Pilipino roon.
22:19And binagit ng ating presidente na whatever happens in Taiwan, we will feel the impact of that.
22:25Bakit? We have almost 200,000 Pilipinos doon.
22:28Nataon sa pagpapasinaya ng pasilidad, ang pag-alma ng Chinese Foreign Ministry
22:33nang anilay pagbisita sa Pilipinas ng Foreign Minister ng Taiwan
22:37na tila pagbibigay sa kanila ng platformang maisulong ang Taiwanese independence.
22:42Pero giit ng ating DFA, tumatalima ang Pilipinas sa one-China policy
22:48at wala raw opisyal mula sa Taiwan na miyembro ng isang delegasyon
22:53ang kikilalanin ng Pilipinas.
22:55Habang nakaantabay ang Pilipinas atensyon sa pagitan ng Taiwan at China,
23:00tiniyak naman ng malakanyang naaktibong tinutugis ng National Security Council
23:05ang mga di-umanoy Chinese sleeper agents na sangkot-umano sa mga paniniktik sa ating gobyerno
23:11at nagdadala ng matinding banta sa siguridad ng Pilipinas.
23:15We can assure the public that our security forces are actively monitoring and addressing these threats.
23:22The government does not take espionage lightly and we act swiftly when credible intelligence is verified.
23:31Wala pang tugon ang Chinese Embassy sa Pilipinas kaugnay sa pahayag ng malakanyang.
23:35Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
23:48Pagbaba sa tricycle na lalaking ito, kitang nagmasid siya sa paligid at maya-maya,
23:52tinanggal niya ang takip ng manhole at isinikay ito sa tricycle bago tumakas.
23:57Nangyari yan sa Iloilo City, madaling araw noong Webes.
24:00Ayon sa Iloilo City, LGU, isang senior citizen na nadesgrasya sa manhole na ninakawan ng takip.
24:07Bineberik peka na ng polisya ang pagkakakilanlan ng suspect na patuloy pang tinutugis.
24:13May alok na pabuya ang LGU para madakip ang suspect.
24:17Tinakpan na ng mauturidad ang manhole.
24:22Nakapasok na po ng Philippine Air of Responsibility ang low pressure area na binabantayan ng pag-asa.
24:27Huli ang namataan kaninang hapon, 520 kilometers sa silangan ng Giwan, Eastern Samar.
24:33Ayon sa pag-asa, mababan chance na itong maging ganap na bagyo sa susunod na 24 oras.
24:38Pero kahit hindi ito maging bagyo, ay asahan magdadali ito ng ulan, lalo na sa eastern section ng Visayas at Mindanao.
24:45Ngayon din sa eastern section ng Southern Luzon.
24:48Ang trough o extension naman ng LPA, nagpapaulang ngayon sa eastern Visayas, pati na sa Caraga at Davao region.
24:55Patuloy na mga umiiral ang habagat sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao, pati na sa Mimaropa.
25:01Localized thunderstorms naman ang nagpapaulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
25:07Sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng light to heavy rains buka sa malaking bahagi ng Luzon.
25:12Light to intense rains naman ang mararanasan sa Visayas at Mindanao mula tanghali.
25:17May chance na rin makaranas ng light to heavy rains ang Metro Manila.
25:25Heavy got na traffic ang dulot ng perwisyon ng biglang buhos ng thunderstorms sa Quezon City, gaya na lang po sa EDSA.
25:32At nakatutok live si Von Aquino.
25:36Von, kamusta?
25:39Pia, sumikip ang daloy ng trapiko sa ilang lansangan dito sa Quezon City, matapos nga ang pagbaha sa ilang lugar.
25:45Pasadola 5 ng hapon, mabigat ang daloy ng trapiko sa north at southbound ng EDSA-Kamuni.
25:53Bumagal din ang andar ng mga sasakyan, pati sa mga kalsadang konektado sa EDSA, katulad ng East Avenue.
26:00Pila rin ang mga sasakyan sa GMA Network Drive na isa rin sa mga daanan patungong EDSA.
26:05Sa NIA Road, unahan ang mga stranded commuters sa pagsakay sa mga bus.
26:09Tulad ng stroke survivor na si Amor Solo Capuyan, na tatlong oras na raw naghihintay na masasakyan na bus.
26:16Habang ang empleyadong si Aida Balbero, dalawang oras nang naghihintay.
26:20Binahari ng loob ng UP Diliman, Quezon City.
26:23Umabot ito hanggang baywang na baha.
26:25Hindi na makadaan ang mga sasakyan at ang isang kotse na sumubok suungi ng baha, tumirik sa gitna.
26:31Ang ibang sasakyan nagmaniobra na para humanap ng ibang daan.
26:35Pia, sa mga oras na ito ay lumuwag na yung daloy ng trapiko sa Timog Avenue at East Avenue.
26:41Pero pagdating dito sa southbound lane ng EDSA Kamuning, ay mabigat na naman yung daloy ng trapiko hanggang makarating ng kubaw.
26:47Pia?
26:48So, Von, sa mga sandaling ito, hanggat maari, kailangan pa bang umiwas pa rin sa EDSA?
26:53O meron pa bang, ano pa ba yung mga alternatibong pwedeng daanan?
27:00Yung northbound lane naman ng EDSA, Pia, ay medyo maluwag na ngayon.
27:03So, ito na lang, southbound, yung medyo mabigat yung daloy ng trapiko.
27:10So, kung merong ibang alternatibo na madadaanan yung mga kapuso natin na bumabiyahin ngayon,
27:15naiwasan na lang po nila itong southbound lane, itong EDSA, mula Kamuning hanggang kubaw.
27:20Pia?
27:21Alright, maraming salamat, Von Aquino.
27:23Hands off, Gabriela.
27:31Nag-miss to lang cat's eye member si ex-PBB housemaid Charlie Fleming
27:35sa kanyang newest post na pinusuan ng libu-libong fans.
27:39Ang isa pang PBB alumna na si Ashley Ortega,
27:42kasama sa Women to Watch list ng isang magazine.
27:45Makitsika tayo kay Atila Imperial.
27:46Viral si PBB's celebrity collab edition housemate Charlie Fleming
27:56sa kanyang recent social media post
27:58na parabang newest member ng girl group na cat's eye.
28:02The cute little dance, which is the throwback din with the milkshake song.
28:06It was really iconic.
28:07Kaya I did a little remake with little cute denim outfits and yeah.
28:12Ang IG post, may libu-libon ng shares and likes.
28:16If ever, gee ba si Charlie for a collab?
28:20WD Katza is on the list kasi Sophia, we've had a little talks naman
28:25and I'm hoping if ever she comes to the Philippines,
28:27I could get to meet her sometime also.
28:29Ang PBB housemate namang si Ashley Ortega,
28:33kasama sa Women to Watch list ng isang magazine.
28:37Kasama ni Ashley sa cover ang labing isa pang Filipina
28:40na ayon sa magazine ay nag-e-embody ng possibility.
28:45Actually, kaninang maga ko lang din nakita yung cover na yun
28:49but I'm happy to be part of it.
28:51It's such an honor to be part of women who are really powerful right now.
28:56Yung mga nakasama ko rin kasi sa cover photo are really influential right now.
29:01Doors of opportunities open to both ladies.
29:04Parehong busy ang dalawa sa endorsements nila ng skincare and makeup brands.
29:09Si Charlie nga, bibiyahing Taiwan soon for another brand endorsement.
29:13Busy rin sila sa TV series and movie projects.
29:16Tutal marami naman ng tao. Manood kayo ng Sister's Game ha.
29:22I'm just so excited to share my character because it's something na really different.
29:27It's a new character that I'm portraying.
29:29And yun talaga yung dream role ko.
29:31Nagpapalit-palit kung today may movie shoot tomorrow yung teleserie.
29:34We have the Master Cutter, The Witch is coming up here soon.
29:38We have started taping already.
29:40We have a new film called,
29:41Wag kang titingin.
29:42I've heard about it. I've heard about my character.
29:44And I'm so excited to be working with everyone.
29:47I'm gonna be working with Sula Sofia, Sula Alan.
29:49I'm gonna be working with Marco actually.
29:51And some of the other PPP housemates.
29:53Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
29:57Mga kapuso, tuloy-tuloy pong pagtutok at pagsaksi sa pinakamalalaki at pinalaking malita at impormasyon ng ating kapuso na si Pia Arcangel sa kanyang muling pagtirma ng kontrata sa GMA Network.
30:11Nakatutok si Buon Aquino.
30:17Sa loob ng mahigit dalawang dekada, naging bahagi na nangtahan ng Pilipino si Pia Arcangel.
30:23Saksi sa mga mahalagang pangyayari sa loob at labas ng bansa.
30:282002, naging bahagi ng GMA Network si Pia bilang reporter.
30:32Magandang tanghalibon.
30:33Naging mukha ng pagbabalita tuwing weekend mula 2010.
30:37At naging bahagi ng Liga ng Katotohanan mula 2014.
30:40Ako po si Pia Arcangel.
30:42Hanggang bukas para sa Pilipino.
30:44Sama-sama tayong magiging Saksi!
30:47Ang kanyang paghahatid impormasyon, hindi nalang sa TV, kumipagin sa online platforms.
30:58Muling pumirma ng kontrata si Pia sa GMA Network bilang anchor ng late-night newscast na Saksi at ng 24 Horas Weekend.
31:05Present sa contract signing si na GMA Network President and CEO Gilberto R. Guavit Jr.,
31:12GMA Senior Vice President and Head for GMA Integrated News, Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso,
31:19at Vice President and Deputy Head for News Programs and Specials, Michelle S. Seba.
31:24Nagpahayag naman ang kanyang pagbati at pasasalamat sa pamamagitan ng isang video message.
31:29Si GMA Network Chairman, Atty. Felipe L. Gozon.
31:32Pia Arcangel is one of GMA Integrated News most valued personalities.
31:41Kaya naman ako at ang buong GMA Network ay nagagalak na nananatili siyang loyal kapuso for more than two decades.
31:51Congratulations, Pia, and thank you for your continued dedication and excellence.
32:00Isa akong tagahanga ni Pia at nagpapasalamat sa pagkakataon, Pia,
32:07napasalamatan ka dahil isa kang ehemplo ng tunay at inaasam-asam na kapuso.
32:16You are the ideal. You personify it, exemplify, and you make us all proud.
32:21We are very grateful na minabuti mong manatiling kapuso.
32:25GMA Integrated News is grateful for Pia, especially for the hard work,
32:31the dedication that she placed as our news presenter for Saksi and 24 Horas Weekend.
32:37In this fast evolving media landscape,
32:42you stand out to become a multi-platform journalist,
32:47seamlessly transitioning from TV to digital,
32:51tas TV ulit, no?
32:53So maraming salamat, Pia.
32:54For me, it's actually not just a workplace, it's family, it's a home.
32:58I've been so lucky to work with, you know, such great bosses,
33:02great peers na ang dami kong natututunan sa kanila,
33:07and we uphold the same values.
33:10Thank you so much.
33:11Thank you, sir.
33:12Thank you, ma'am.
33:12Thank you, sir, all you,
33:14for continuing to give me the trust and support.
33:18And I promise, susuklian ko po yun
33:20ng paglilingkod sa bayan at ng mas malawak na mission, sir.
33:25Thank you very much.
33:26Para sa GMA Integrated News,
33:29Von Aquino Nakatutok, 24 Horas.
33:33Hindi nakaligtas ang Barangay Katipunan sa Quezon City
33:36sa epekto ng malakas sa ulan kanina.
33:39At nakatutok doon live si John Consulta.
33:42John, kumusta dyan ngayon?
33:43Ang hinabot na mga resigyante ng Barangay Katipunan sa Quezon City
33:51pasada ng stress ngayong hapon.
33:53Pase sa CCTV footage at litrato na galing sa Barangay Katipunan, DRRMO.
33:58Pumalo sa 7 hanggang 8 na talampakan,
34:02iwan, o, ang taas ng tubig na kung 3.45pm kanina.
34:06Ayon sa barangay, ang mabigat na buhos ng ulan kanina
34:08ay naging sansinong biglang pagbahas sa lugar.
34:11Sa kabila ng mataas sa tubig ay wala namang napaulat
34:14na nasaktan sa biglaang pagbaha.
34:17Sa ngayon, iban ay namamalagi muna
34:18ang 53 pamilya din sa barangay ng Barangay Katipunan
34:22na inilikas matapos maapektuhan
34:24ng napakataas na bahas sa lungsod.
34:27Sa ngayon, iban ay katakot-takot na traffic
34:29na malayin naabot ng mga motorista
34:31sa barangay ng Barangay Katipunan
34:32na epekto ng pagbahang ito.
34:35Yan mo nalagay na sa barangay Katipunan.
34:37Pagkakas ngayon, iban.
34:39Maraming salamat, John Consulta.
34:41Di may kakailaang Sangre Fever
34:49mula sa iba't ibang meme
34:50pati na sa mga paandar
34:52gaya ng drive-thru at collectible photo cards.
34:55Silipin yan sa aking chika.
34:59Ang gabi-gabing pagtutok
35:01sa mga kapanapanabik na eksenas
35:03sa Encantadia Chronicle Sangre
35:05hindi natatapos sa mga napapanood sa telebisyon
35:08dahil hanggang sa social media
35:10puno ng iba't ibang Sangre memes.
35:18Mga laban na labang DIY Sangre costumes
35:21ni na Sangre Tera at Keramitena.
35:24Pati na ang parody ng Bubble Gang na Angre
35:27kung saan vida si na Sangre Pakilamara,
35:31Adamot, Laetera at Hindia.
35:33Talagang ramdam ang Encantadia Fever.
35:39Kahit ang ilang drive-thru,
35:41nag-transform na parang lagusan ng mga Sangre.
35:45Mismong si Sangre Tera Bianca Umali
35:47at Nunong Imaw
35:48ang nanguna sa pagbubukas ng lagusan.
35:513, 2, 1
35:54Kasama si GMA Network Chief Marketing Officer
35:59and Sales and Marketing Group Head,
36:02Liesel G. Maralag.
36:03Anya, ang collaboration na ito
36:05na dati ay typical sa mga international shows lang
36:08ay isang opportunity
36:10para ibahagi rin ang kultura
36:12ng mga Pilipino.
36:13Anyway, we're so excited about this.
36:16It took months of hard work
36:20and effort, blood, sweat, and tears
36:24making sure that each and every detail,
36:27even insofar as the photocards that you will get,
36:30really matches the characters that you see right now
36:35as far as the Sangres are concerned.
36:37Sa Quezon City, nakisaya with fans si Sangre Tera.
36:41Ang sarap sa puso, kuya.
36:44Again, kahit naman po kami,
36:46sa totoo lang,
36:47hindi naman din po namin inasahan
36:49na magiging ganito po kalaki
36:50ang maaabot ng Encantadia.
36:54Si Sangre Flamara, Faita Silva at Tukman,
36:58played by Kiel Gueco,
37:00nagpasaya sa mga Encantadix
37:01sa isang branch sa Taguig.
37:04Bukod sa selfie-worthy na Enca drive-thru
37:06na binuksan sa iba't ibang lungsod at probinsya,
37:09may drinks pa na kulay brilyante
37:11ng mga Sangre
37:12at collectible na Sangre photocards.
37:15Magkukulik ako.
37:16Dati ang pinapangarap ko lang
37:18ay makabili ng mga meals na ito
37:20that comes with these toys.
37:22Ngayon, nandun na po ako
37:24sa mga photocards na ito.
37:26Sa Binyan Laguna naman,
37:28bumisita si na Sangre Dea,
37:30Angel Guardian,
37:31at si Mantuk,
37:32played by Bito Gueco.
37:34Sobrang nakakakilig
37:35na meron kaming Sangre meal.
37:37Si na Sangre Adamus Kelvin Miranda
37:39at Sangre Lira Mikey Quintos
37:41ang nakisaya naman
37:43sa mga Encantadix sa San Fernando, Pampanga.
37:46It's a kind of wonderful experience
37:50to be in a Sangre.
37:51I'm thankful na na-invita kami dito
37:53para makita na actually
37:55yung mga nangyayari
37:58at mga dumadaan na taon.
37:59Dabi yun,
38:00pagkasaya nila.
38:02Encantadix is giving a feeling.
38:04Parang mayroon siyang effect
38:06sa ating lahat
38:07na
38:08your core could
38:10something bigger than yourself.
38:12And I think yun yung magic talaga
38:13ng Encantadix na hindi mawawala.
38:15Abangan ang mas tumitindi pang
38:17mga tagpo na mga Sangre.
38:20Papunta na nga ba si Tera
38:21sa Encantadix?
38:22Wala pa po tayo
38:24sa exciting part.
38:25Papunta pa lang tayo.
38:27Tatawid pa lang si Tera
38:28sa Encantadix.
38:29Sobrang
38:30dami pang mangyayari,
38:32Kuya.
38:37Again, partner,
38:39congratulations
38:39sa iyong contract renewal.
38:41Always a fan of your work.
38:42Thank you very much, partner.
38:43At syempre sa GMA Network
38:44at sa ating mga kapuso,
38:46taus-pusong pasasalamat po.
38:48At yan po
38:49ang mga balita ngayong Sabado
38:51para sa mas malaki mission
38:52at mas malawak
38:53na paglilingkod sa bayan.
38:55Ako po si Pia Arcangel.
38:56Ako po si Ivan Mayrina
38:58mula sa GMA Integrated News,
39:00ang news authority
39:01ng Pilipino.
39:02Nakatoto kami
39:0324 oras.
Recommended
39:52
|
Up next
35:29
37:14
38:18
37:43
20:49
28:33
35:55
23:26
22:57
54:09
59:55
38:40
50:27
47:36
39:47
Be the first to comment