Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, February 7, 2026:


Lalaking inakalang prank lang ang pang-ho-holdap sa kaniya, binaril saka tinangayan ng motorsiklo sa Cavite


Walang ebidensya sa mga paratang sa impeachment complaint—VP Duterte


Banta sa Senate presidency, posibleng dahil sa pag-alis kay Sen. Marcos ng Foreign Relations chairmanship at draft report sa flood control


60 residente, nawalan ng tirahan sa sunog sa Sampaloc, Maynila


5 patay sa Iligan City dahil sa Bagyong Basyang | State of Calamity sa lungsod, idineklara


Padre de pamilya, patay matapos salpukin ng SUV ang minamanehong tricycle


2 manlalaro ng basketball, nagkapisikalan | Ibang manlalaro, nakisali sa gulo


Makapal na putik, problema matapos ang pananalasa ng Bagyong Basyang


Maritime Domain Awareness Flight ng BFAR, tinadtad ng 28 radio challenge mula sa Chinese warship


Partially-frozen na Niagara Falls, naging instant tourist attraction


Gunman sa pagpatay sa pulis na septic tank, naaresto


Ilang pulis na sumagip sa mga kapwa-pasahero ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3, ikinuwento ang naranasan


Tarriela sa pahayag ni Marcoleta—Mas ginanahan ang PCG na ipaglaban ang West PHL sea


Naga Mayor Leni Robredo at ilang mambabatas, nagsama-sama sa isang pulong


LPA na dating Bagyong Basyang, tuluyan nang nawala


Atong Ang, wala sa Cambodia ayon sa mga awtoridad doon


Ashley Ortega, excited magbalik-afternoon prime para sa upcoming GMA drama series na “Apoy Sa Dugo”

24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Pero maya-mayay, nakita na lamang siyang nakahandusay sa kalsada at namimilipit na sa sakit.
00:36Nabaril pala siya sa bandang balakang.
00:39Nangyari ito magkahating gabi noong web sa General Trias Cavite.
00:42Sa inisyal na impormasyon ng pulisya, nakaparada ang motorsiklo ng biktima.
00:46Nang may isa pang motorsiklong sakay ang tatlong nalaki na huminto sa kanyang likuran.
00:51Doon na raw pilit na kinuha ng mga sospek ang susi ng motor at bag ng biktima.
00:55Wallet, cellphone, lahat ng cards niya nandun o nga ID niya.
00:59Pinaril pa siya dito sa may singit.
01:02Nakatakas na po yung mga sospek.
01:04Then naglapitan yung mga tao.
01:06Tinangay din ng mga sospek ang motor ng biktima.
01:09Inakala pa raw na prank lang ang insidente.
01:11Nilapitan siya, sabi niya, akin na to, akin na to.
01:14So siya parang na culture shock siya na, ano to, prank ba to?
01:19Ano yun? Kasi wala namang nag-hold up to.
01:21Doon na raw bumunot ng baril ang isa sa mga sospek at pinapotokan ang biktima.
01:26Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima matapos operahan.
01:29Napuruhan yung pelvic niya, sira talaga so kailangan talaga na hip replacement.
01:35Ayon sa General Trias Police, batay sa mga kuha ng CCTV, nakaputing kamiseta at puting helmet ang isang sospek.
01:41Habang ang dalawang iba ay kapwa nakajaket.
01:44Patuloy na inaalam ang kanilang pagkakakilanlan.
01:46Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
01:53Tinawag na walang basihan at pawang pamumulitika.
01:56Ni Vice President Sara Duterte, ang ikalawang impeachment complaint laban sa kanya.
02:00Ang sagot ng Akbayan party list na nag-endorso sa impeachment complaint, puro palusot ang vicepresidente.
02:07Nakatutok si Darlene Kai.
02:09Ang impeachment complaint na inendorso ng Akbayan ay isang papel na walang kalakip na kahit anong ebidensyang magpapatunay sa mga paratang na isinasaad dito.
02:24Hindi na ito bago.
02:25Pumalag si Vice President Sara Duterte sa ikalawang impeachment na isinampa ng civil society and religious groups na inendorso ng ML party list at Akbayan party list.
02:35Paulit-ulit nilang ibinandera ang isyong Mary Grace Piatos bilang umano'y bahid ng katiwalian.
02:42Kahit na sa kabila ng lahat ng imbestigasyon ay wala silang naipakitang kahit isang direktang paglabag sa paggamit ng confidential funds.
02:52Binanatan niya rin ang grupong Akbayan at si Sen. Arisa Hontiveros na dating naging kinatawa ng Akbayan party list.
02:59Walang kredibilidad ang Akbayan upang mag-endorso o mag-sumite ng impeachment complaint.
03:06Ilang ulit ng hayagang ipinahiyag ng kanilang pinuno ang kanyang intensyong tumakbo sa pagkapangulo.
03:14Isang malinaw na indikasyon ng pampolitikang motibo sa likod ng kanilang mga hakbang.
03:20Isa raw uri ng harassment ang tangkang impeachment laban sa kanya.
03:24Kaya malinaw na lahat ng ito ay isang uri ng harassment at pang-aabuso sa proseso ng impeachment ng grupong Akbayan.
03:33Hindi malinaw kung ano ang ipinaglalaban nila para sa kaayusan ng bayan.
03:39Pero napakalinaw ng kanilang pamumulitika at pagpapahirap sa usaping diplomasya ng ating bansa.
03:47Buelta ng Akbayan, puro palusot daw ang BC at hindi pa rin maipaliwanag kung saan napunta
03:53ang mahigit 612 million pesos na confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
04:01Funny. For something she insists has no merit, it rattled her enough to release a video message.
04:09Not to answer the serious charges, pero para atakihin ang Akbayan at ang aming senadorang si Risa Conteberos.
04:18Tama na ang palusot, Madam Sala. Stop panicking and prepare to be impeached.
04:24Sa isang pahayag, sinabi ni Emil Portales, Representative Laila de Lima na matibay ang ebidensyang inilatag sa inendorso nilang impeachment complaint.
04:33Patunayan daw dapat ng BC na walang basihan ang mga aligasyon.
04:37Dahil kung hindi, dapat daw siyang managot sa mga akusasyon ng paglustay sa pera ng taong bayan.
04:43Sinisika pa ng GMA Integrated News na kunin ang panig ni Senator Conteberos.
04:48Nasa tanggapan na ni House Speaker Bojidi ang dalawang verified impeachment complaints laban sa BICE.
04:53Ang inaabang ang susunod na hakbang ay ang maisama ito sa order of business sa plenaryo ng Kamara.
04:59Ang nagpakilalang dating civilian intelligence agent ni VP Sara at ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Ramil Madriaga,
05:06handa raw humarap sa pagdinig sa Kamara sakaling ipatawag siya.
05:10Ilan sa mga akusasyon ni Madriaga ay pinondohan umano ng mga drug dealer at pogo ang election campaign ni VP Sara noong 2022.
05:18Siya rin daw ang bagman o taga-deliver ng bisay ng malalaking halaga ng pera.
05:22Pero paglilinaw ni Madriaga, walang lumapit o nag-abiso sa kanya na isinama ang kanyang affidavit sa reklamong inendorso ng Akbayan Group.
05:29Nung may file itong impeachment na ito, hindi ko nga namin alam na gagamitin.
05:33Sa news report ko lang nalaman na ginamit pala nila as one of the grounds.
05:37After filing, wala hong lumalapit na i-ready na or what.
05:43Nauna ng pinabulaanan ni VP Sara ang mga aligasyon ni Madriaga.
05:47Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok 24 oras.
05:52Dalawang nakikitang dahilan ni Senate President Tito Soto kung bakit nagkaroon ng banta sa kanyang Senate Presidency.
05:59Ang trigger dito is the removal of Senator Aimee Marcos from the Canadian Foreign Relations.
06:06Yung hindi naman official at saka draft report na kumalat kasi biglang na-agitate yung mga nababanggit doon.
06:17Giit pa ni Soto, hindi siyang problema kaya may banta ng pagpapalit sa liderato ng Senado dahil wala naman anyang nagre-reklamo sa kanyang pamuno.
06:25Itinanggi na ni Sen. Aimee Marcos na may kinalaman ang pagtanggal sa kanyabi ng chairperson ng Senate Foreign Relations Committee sa mga nagaganaap kawinan ng liderato ng Senado.
06:37Nawalan po ng tirahan ng nasa 60 inibidwal sa sunog sa Sampalok, Maynila.
06:43Nakatutok si Bea Pinlak.
06:45Binulabog ng naglalagablab na apoy ang mga residente ng Barangay 508 Sampalok, Maynila, pasado alas 10.30 kagabi.
07:03Hindi bababa sa dalawa ang sugatan sa sunog na tumupok sa labing limang magkakatabing bahay ayon sa Bureau of Fire Protection.
07:12Dalawampung pamilya o anong napungkatao ang nawala ng tirahan.
07:17Kahit isang gamit wala. Wala lang tira sa amin.
07:21Kala nga namin patay na kami.
07:22Ito lang ang naisip kumitbitin. Ito lang.
07:25Dahil ito may buhay.
07:26Kala namin hindi makakalabas mga kapatid ko.
07:29Nagsasisigaw kami. Nagiiyak kami. Takot na takot.
07:33Kasi di bali na yung okay lang yung bahay. Huwag lang yung buhay ng mga kapatid ko.
07:37Nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang makitid na daan patungo sa mga nasusunog na bahay.
07:43May mga nagkalaglagan na rin ng mga debris galing dun sa nasusunog.
07:47So medyo dun po tayo nahirapan pumasok kasi masikip po yung daanan.
07:52Nagputukan na rin ang mga kawad ng kuryente.
07:55Ang iba, nagsilaylayan na.
07:57Una, usok lang po, usok. Usok lang.
08:00Kasi pag dating po namin dun, sobrang lakas po.
08:03Kinailangan munang patayin ang linya ng kuryente sa lugar para iwas disgrasya.
08:08Humigit kumulang 75,000 pesos ang halaga ng pinsala.
08:13Inaalam pa ng BFP ang sanhinang sunog na umabot ng unang alarma.
08:17Mag-aalauna kaninang madaling araw na maapulang apoy.
08:21Para sa GMA Integrated News,
08:23Beya Pinlap, nakatutok 24 oras.
08:26Isinailalim po sa State of Calamity ang Iligan City dahil sa pinsalang iniwan ng Bagyong Basyang.
08:35Hahanapan naman ng paglilipatan ang mga nakatira malapit sa landslide prone area sa Cagayan de Oro City,
08:41kung saan apat na magkakamag-anak ang nasawi.
08:45Nakatutok doon live si James Paoloia sa GMA Regional TV.
08:49James?
08:50Pia, ang apat na labi ng mga nasawi sa landslide sa Cagayan de Oro City ay nakaburol na ngayon.
08:58Samantala, isang lugar sa Cagayan de Oro City ang lubog pa rin sa baha.
09:07Lubog pa rin sa hanggang hitang baha.
09:10Ang Porok 11, Sityo Baloy, sa barangay Cugman, Cagayan de Oro City.
09:14Dalawang araw matapos manalasa ang Bagyong Basyang.
09:17Ayon sa mga residente, pahirapan ang kanilang paglabas-paso dahil hindi pa rin humuhupa ang baha.
09:24Nasa mahigit sampung pamilya daw ang nakatira sa lugar,
09:27kung saan dalawang araw na din down-stranded, kaya gumawa na sila ng paraan.
09:33Ang apat na magkaka-anak na nasawi sa landslide sa barangay Agusan, nakaburol na.
09:38Padsamantalang inilagak ang kanilang mga labi sa CDRRMD substation
09:43at dadalhin sa Don Carlos Bukidnon para doon ilibing.
09:47Naman akong mamawag mga iso nito, mapuwi gusto nila sa akong mga iso nga dito po.
09:53Ang upat-unta pero ang tulong na lang kayo na may amahan mo claiman ng isa,
09:59si Rialab Salubo, ang amahan mo claiman.
10:03Pag-uusapan pa ng mga magulang ng 12-anyos na biktima kung saan siya ihihimlay.
10:09Bumisita si Cagayan de Oro City Mayor Rolando Uy sa kaanak ng mga nasawi at naghatid ng tulong.
10:15Hahanapan ng malilipatang bahay ang mga nakatira malapit sa landslide area.
10:20I-recommendar sa MGB nga no-build so na siya kay tungot kay prone mangyut sa baha.
10:27Wala na kasiguruhan, simpa ko mabalik na pumbalik nga doon ilang landslide kay di mamatag na ang panahon.
10:34Sa ngayon, nalana-tiling sa barangay Agusan Covered Court ang mga inilikas na residente habang hinahanapan sila ng malilipatan.
10:41Sa Iligan City, puspusan ang clearing operation sa mga putik at basurang iniwan ng bahang bunsod ng bagyo.
10:49Ayon sa Iligan City Safety Information Office, lima na ang naitalang patay sa lungsod dahil sa bagyo.
10:57Sa lawak ng pinsala ng bagyo, isinailalim na sa state of calamity ang lungsod kahapon.
11:04Kanina, bumisita si DSW ni Secretary Rex Gatsalyan sa mga evacuation center.
11:09Ang napag-usapan namin ni Mayor, yung mga nasira ang bahay, pagtutlong nga namin ang disood para magkaroon ng financial assistance.
11:16May mga livelihood na naapektuhan kasi hindi sila makapasok ng trabaho eh dahil naglilinis sa bahay, magkakash for work ang DSWD.
11:28Pia, hinihikayat ng Cagayan de Oro City LGU ang mga apektadong residente na pumunta sa opisina ng CSWD
11:36at City Housing Urban and Development Department para na rin maproseso ang kanilang mga housing application.
11:43Pia?
11:43Maraming salamat, James Paolo Yak ng GMA Regional TV.
11:50Biglang sinalubong na isang SUV ang magkakasunod na tricycle na yan sa barangay San Jose sa Bulacan, Bulacan.
11:58Nakaiwas pang isa sa mga tricycle pero nasalpok ang kasunod nito.
12:02Patay ang tricycle driver na tumilapon sa kalsada at sugatan ang kanyang asawa't anak.
12:08Maharap sa patong-patong na reklamo ang driver ng SUV na nagpapagaling sa ospital.
12:12Patuloy ang imbisigasyon ng pulisya.
12:17Inbis na laro, rambulan ang natunghayan sa isang basketball court sa Pangasinan.
12:22Ang mitya, nagkapisikalan ang mga manlaro ng magkalabang koponan.
12:28Nakatutok si Sandy Salvasho na GMA Regional TV.
12:31Ilang segundo bago matapos ang third quarter ng basketball game ng mga kabataan sa barangay Pantal sa Dagupan City,
12:41nagkapisikalan ang dalawang player ng magkalabang team hanggang sa nagkatulakan at sumali na rin ang ibang manlalaro at nauwi na sa Rambol.
12:50I-namban po ng isang team yung nag-sigil po sa kanya kasi nakababa na po yung mga players.
12:56Tapos nung tumakbo po yung isang team, bigla niya pong sinapak sa likod.
13:00I-pinatawag sa barangay ang mga sangkot sa gulo na edad 17 hanggang 18.
13:05Pati kanilang mga magulang.
13:07Nagpasya ang sanggunyang kabataan na iban o pagbawalan ng maglaro sa kasalukuyang liga ang mga sangkot sa gulo.
13:14Matapos ang insidente, inutos ng barangay chairman ang pagbabantay ng mga tanod at pulis sa tuwing may laro ang mga kabataan.
13:21Automatic na, may magbabantay na po. Para iwas yung gulo.
13:24Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Sandy Salvasio, nakatutok 24 oras.
13:32Bukoy po sa makapal na putik, problema ng ilang residente sa Agusan del Norte ang supply ng malinis na tubig.
13:38Matapos pumasira ng bagyong basyang ang tubo sa water reservoir.
13:42At mula sa Kicharao o Agusan del Norte, nakatutok lang si Jandy Esteban ng GMA Regional TV.
13:49Jandy?
13:50Pia Perwisio ang dala ng pagbaha dulot ng bagyong basyang sa mga residente sa Kicharao, Agusan del Norte.
13:59Dahil sa naiwang makakapal na putik, problema rin nila ang malinis na mayinom na tubig.
14:08Humupa na ang bahang dulot ng bagyong basyang sa barangay mahayahay bayan ng Kicharao, Agusan del Norte.
14:13Pero, sakit sa ulo naman sa mga residente ang iniwang makapal na putik.
14:19Hindi na maalikayan mga makatuwang, ahong luha mamba nga, mag-una-una nga, ingani among sitwasyon, masayang ang mga gamit, malubog sa bahay.
14:31Sinisi na mga residente ang kawalan ng daik sa ilog dahil sa tuwing umaapaw ito, dahil sa pagulan, ay diretsyo ang bulusok ng tubig sa kanila mga bahay.
14:41Ang ahong lamang panawagan niya, ilan ng suba, daikan, kanangduha ka suba, kinahangla na daikan para ang mga tao din hindi na malisang o tipanahong na ay bagyo.
14:55Itong kinatatayuan ko ngayon, ito yung original na course o dinadaluyan ng tubig ng kanilang ilog rito sa barangay mahayahay.
15:05Pero matapos ang pagragasa ng pagbaha dahil sa bagyong basyang, ito na ang bagong dinadaluyan ng ilog papunta ng Mangkas River.
15:14Nasira ng baha ang mga tubo ng tubig na konektado sa kanilang water reservoir, kaya ikinabit na lang nila ang putol na tubo sa bukal para may pagkukuhanan ng panligo at panlaba.
15:26Problema nila ngayon ang maiinom na malinis na tubig.
15:33Sa barangay Balangayan, perwisyo naman sa mga residente ang gumuhong lupa sa bahagi ng kasadang paputang sityo sa Panta Valley.
15:40Ngayong araw, nakatakdang magsagawa ng clearing operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
15:52Pia, sa tala ng MDRRMO Kitsaraw, 4,000 individual ang apektado sa bayan dahil sa bagyong basyang. Pia.
16:03Maraming salamat, John D. Esteban ng GMA Regional TV.
16:06Sa matala, 28 radio challenge ang natanggap ng eroplano ng B-FAR mula sa barkong pandigma ng China habang nagsasagawa ng Maritime Domain Awareness Flight sa Bajo de Masinluc.
16:19Namataan din ang isang unidentified fighter jet na ayon sa Philippine Coast Guard ay posibleng galing China.
16:26Nakatutok si Jonathan Andal.
16:2745 nautical miles pa lang mula sa Agno, Pangasinan.
16:38Inaddad na agad ng 28 radio challenges ng barkong pandigma ng China.
16:43Ang eroplano ng B-FAR o Bureau of Officials and Aquatic Resources na papunta kahapon sa Bajo de Masinluc.
16:49They are telling us to leave immediately. Napakalapid pa rin ito sa post-Minal Luzon.
16:56And yet, we are already being challenged ng Chinese Navy horses.
17:02The Philippine Coast Guard and the Bureau of Officials and Aquatic Resources are all civilian government agencies.
17:08We are not there to escalate or to provoke anybody.
17:11Ni Rajuan sila pabalik ng PCG at B-FAR at kalaunay nakalusot papuntang Bajo de Masinluc.
17:18Pero, di kalayuan sa bahura may lumilipad namang unidentified fighter jet na posibleng sa China rin, sabi ng PCG.
17:26This is how blatant itong ginagawang harassment ng Chinese government sa atin.
17:33Obviously to threaten and to stop our routine and decline na ginagawa natin sa Bajo de Masinluc.
17:42Pagdating sa Bajo de Masinluc, dalawang boya ng China ang nakita ng PCG.
17:46Isa nasa loob ng lagoon, isa naman ang nasa labas, 2 nautical miles mula sa bahura.
17:51Pero hindi na ito bago, sabi ng Coast Guard.
17:54Ito rin daw kasi ang mga nakitang boya doon noong nakaraang taon.
17:57Matapos si deklara ng China na gagawin nilang National Natural Reserve nila,
18:01ang pinagagawang Bajo de Masinluc.
18:03What we are preventing from happening is kung sakaling madadagdagan pa ito or may itapali sila rito or may gagawin pa silang iba.
18:14Hindi ba ito pwede tanggalin ng Philippine Coast Guard, sir?
18:17Well, those are operational details.
18:19Samantala, sabay na nagsanay ang Air Forces ng Amerika at Pilipinas sa himpapawid mismo ng West Philippine Sea.
18:26Ang senaryo, air defense o pagdepensa sa himpapawid.
18:30Sa videong ito, makikitang sabay sa ere ang isang B-52 bomber aircraft ng Amerika
18:36at ang dalawang F-A-50 PH fighter aircraft ng Pilipinas.
18:40Para ito sa ginawang bilateral bomber air patrol and live job exercise
18:44mula February 2 hanggang kahapon February 6 sa Tarlac City at sa West Philippine Sea via Luzon Strait.
18:50Sinanay rito ng magkaalyadong bansa ang kanilang airspace coordination,
18:54command and control integration at joint operational response.
18:58Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andala nakatutok, 24 oras.
19:03Naging instant attraction ang bagyang pagyelo ng isa sa pinaka-iconic na talon sa buong mundo.
19:13Maging ang ilan nating kababayan doon, namangha.
19:16Pero bakit nga ba naging partially frozen ang Niagara Falls?
19:19Kuya Kim, ano na?
19:25Isa ito sa pinaka-iconic na natural wonder sa buong mundo.
19:29Ang talong ito, hindi man ang pinakamataas, pero ibang pinapamalas nitong lakas.
19:35Matatagpuan ito sa border ng Ontario, Canada at New York sa Amerika.
19:39Ito ang Niagara Falls.
19:41Ang kababayan natin sa Canada, si Seapworth, bilisita ang talong kamakailan.
19:46At laking gulat niya sa kanilang nadatlan.
19:49Ang Niagara Falls kasi,
19:51are still frozen.
19:52May mga nabuong ice formation sa mga railings, puno at banglin sa paligid ng talon.
20:09Ang bagyang pagyelo ng Niagara Falls,
20:12bunsod sa napakatinding labig ng panahon at pagdaan ng Arctic Air Mastery yun.
20:16Pero pagdililaw ng pamunuan ng Niagara Falls,
20:19dahil sa volume at sa constant movement ng tubig sa talon,
20:22malabo daw na maging completely frozen ang Niagara Falls.
20:25Pero alam niyo ba na minsan ang pansamantalang huminto ang daloy ng tubig sa Niagara Falls?
20:29Nangyari ito noong 1848.
20:31Pero hindi dahil nagyaylong ito.
20:33Nablak pa sinuun ang water flow ng magka-ice jam sa Lake Erie.
20:37Laging tandaan, kimportante ang mayalak.
20:39Ito po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 horas.
20:42Hawak na po ang polisya ang umano'y gunman sa pagpaslang sa isang polis na itinapon sa septic tank.
20:49Itinutuloy na mastermind sa krimenang isang drug lord na kabilang sa mga high-value individual ng Bulacan.
20:56Nakatutok si Marisol Adorama.
20:57Sa tagong Daval del Norte, naaresto ang umano'y pumatay kay polis si Staff Sergeant Renato Casaway Jr.,
21:16ang polis na dinispat siya sa loob ng isang septic tank.
21:19Ayon sa polis siya, nagbalak pa itong mag-abroad kung hindi natuntun itong Merkulis ng umaga
21:24sa tulong ng mag-asawang residente sa lugar.
21:27Bagaman naon ang napaulat na aset siya ng pinatay na polis,
21:30sinasabi ngayon ang polisya ng Bulacan kung saan nangyari ang krimen
21:33na force multiplier talaga ng polisya ang suspect at hindi aset.
21:38Na-recover na rin sa Malolos, Bulacan ang 9mm pistol ng suspect.
21:42January 24, nang mapaulat na nawawala ang nasabing polis,
21:47pero January 31 na siya natagpuan sa isang septic tank sa Malolos, Bulacan.
21:52Hindi pa rin masabi ang motibo sa pagpatay sa kanya,
21:55pero sinisili pa rin kung may kinalaman nito sa pagiging polis niya.
21:58How is the victim related to the suspect?
22:01Tinitignan namin nga kung bakit nga rin may ganong aspeto.
22:04Kaya yung biktima went to that area kasi ngayon yung kanilang phase of drug trade.
22:11So na-penetrate niya eh.
22:12In his affinity, the same naman po rin yung flow ng resulta
22:20because it is all about the actions and the accomplishment of staff sergeant Kasaway
22:29dun sa kanilang drug trade.
22:33Ayon sa Bulacan PNP, kabilang sa mga itinuturing na high value individual
22:39at dati nang may mga kaso na may kinalaman sa droga
22:42ang sinasabing mastermind sa pagpatay sa polis.
22:46Kabilang sa mga kaso ang isa noong 2019 at dalawa noong 2023,
22:51may isa pang suspect na sumuko sa mismong provincial director ng Bulacan
22:54at isa pang sumuko naman sa hepe ng Malolos Police.
22:58Kaya pito na ang suspect na hawak ng mga otoridad.
23:01Lahat sila nagpositibo sa droga.
23:03At sinampahan na ng mga kaukulang reklamo.
23:06Apat pa ang hinahanap.
23:08Para sa GMA Integrated News,
23:11Marisol Abdurrahman,
23:13Nakatuto,
23:14Bet 4 Oras.
23:17Nangibabaw po ang kabayanihan ng mga polis
23:19na pasahero ng MV Trisha Kirsten III
23:22habang naghihintay ng tulong at nagpapalutang lutang sa dagat.
23:25Ang kanilang kwento,
23:27tinutukat ni John Consulta.
23:29Ilang minuto bago lumabog ang MV Trisha Kirsten III,
23:36kita ang pagyusuot ng life vest ng mga pasahero,
23:38kabilang ang sampung polis ng Police Regional Office 9.
23:45Pasado alauna ng madaling araw,
23:47makikita ang nakalutang na sa dagat ang mga pasahero.
23:50Maririnig ang paulit-ulit na magpito
23:51para mga tawag ng saklolo.
23:56Pero naging mahirap daw ang sitwasyon
23:58dahil bukod sa matinding lamig ng dagat,
24:00humalo na rin ang krudo mula sa lumabog na barko.
24:03Kaya ang ilang mga polis,
24:05gumawa ng paraan para masagip
24:07ang ilang mga sugatan
24:08at nahihirapan ng huminga
24:09kabilang ang ilang bata.
24:11May nakuha akong
24:13chitsiryado na
24:15na dalawang bandil.
24:18Yun yung itinali ko muna
24:19tinali ko.
24:20Pagkatali ko,
24:22isabi ko sa kanya,
24:23dito ka,
24:24dito ka
24:25kumapit.
24:28Hindi yan lulubog.
24:29Habang lumalangin kami,
24:30may nakita kaming
24:31aparatus.
24:33Yung tinatawag nilang
24:35parang floating na
24:36floating boat na yun, ma'am.
24:38Yung aparatus na yun.
24:39Tapos dinala ko siya doon
24:41kasi yung aparatus na yun, ma'am,
24:43is may hawakan siya sa gilid.
24:45Palangin ko silang kinakausap.
24:48Minumotivate ko sila na
24:49magsusurvive talaga.
24:51Magsusurvive tayo dito.
24:52Yung sinasabihan ko sila na
24:53huwag kayong magalara.
24:55Andyan na ang rescue.
24:55Malapit na, malapit na.
24:56May rescue na.
24:58Ang isa sa mga pulis naman,
24:59may natatanaw daw na isla
25:00mula sa kanilang lugar.
25:02Kaya pilit daw niya itong nilangoy
25:03para makahingi ng tulong.
25:05Sa gitna ng trahedya,
25:19isang pulis ang nasawi.
25:21Proud po ako sa mga heroic deeds nila.
25:26Sa halip na iligtas ang kanilang mga sarili,
25:30mas pinili ng ating mga pulis na tumulong
25:32sa pagsagip sa humikit-kumulang na
25:36tatlong pong survivors.
25:38Gagawaran sa lunes
25:39ng medali ng kadakilaan
25:40ang siyam na polis.
25:44Ngayong araw,
25:45ipinagpatuloy ang search and rescue activities.
25:47Muli ring lumusog ang mga technical diver
25:49para sa external scanning ng barko
25:51at para alamin kung nasaan ang mga lagusan.
25:54Nananatili sa 45 ang bilang
25:56ng mga nakukuwang bangkay
25:57habang 316 ang nailigtas.
26:01Para sa GMA Integrated News,
26:03John Consulta,
26:04nakatutok 24 aras.
26:07Mas lalo raw ginanahan
26:08ang Philippine Coast Guard
26:09na bantayan ang teritoryo ng bansa.
26:11Sagot po yan ni PCG spokesperson
26:13for the West Philippine C.J. Tariela
26:15sa naging pahayag ni Sen. Rodante Marcoleta
26:18na i-give up
26:20anya ang Kalayaan Island Group.
26:23Giyit ni Tariela,
26:24hindi apektado ang moral ng PCG
26:26sa pahayag ng senador.
26:28Naunan ang nilinaw ni Marcoleta
26:29na hindi niya sinabing ipamigay
26:31ang Kalayaan Island Group.
26:34I'm not really sure whether
26:36Senador Marcoleta was able to visit
26:39pag-asa Island.
26:41Ang dahilan kung bakit natin itong
26:43pinapanindigan,
26:44kung bakit natin ito dapat ipaglaban,
26:47hindi lamang dahil sa naaayon ito sa batas,
26:50but primarily because we know for attack
26:53na may kababayan tayo dito.
26:55May mga kabataang Pilipino
26:57na nandito ngayon na namin-girahan.
26:59Nagsama-sama sa isang pulong
27:04si Nanaga Mayor Lenny Robredo
27:06at ilang mambabatas
27:07na bahagi ng oposisyon.
27:08Sa social media post ni Robredo,
27:10kasama niya sa litrato
27:11si nadating Senador Franklin Drilon,
27:13Agbayin Partylist Representative
27:15Chelle Diokno,
27:17Senador Risa Ontiveros,
27:19Senador Kiko Pangilinan,
27:20Senador Bam Aquino,
27:22Mamayang Liberal Partylist Representative
27:24Laila Dilima,
27:25at dating Budget Secretary Butch Abad.
27:28Sabi ni Robredo,
27:30mula 2022,
27:31ngayon lang daw ulit siya
27:32nagkaroon ng pagkakataon
27:33para sa isang lunch out.
27:35Kasama ang mga taong
27:36nakasama rao niya
27:37sa maraming laban.
27:39May kanya-kanya ring versyon
27:40ng post siya na Senador Pangilinan
27:42at Aquino,
27:43pero walang nabanggit
27:44na dahilan ng kanilang pagsasama-sama.
27:47Ang mga kasama ni Robredo
27:48ay mga kaalyadong sumuporta sa kanya
27:50noong eleksyon 2022.
27:54Mga kapuso,
27:56tuloy yan ang nag-dissipate
27:57na wala ang low-pressure area
27:58na dating Bagyong Basang.
28:00Ayon po sa pag-asa,
28:01sa ngayon,
28:02shear line ang nagdadala
28:03ng maulap na panahon
28:04at kalat-kalat na pagulan
28:05sa Mimaropa,
28:07Bicol Region,
28:08Western Visayas,
28:09Aurora,
28:09Rizal,
28:10Laguna,
28:11Quezon,
28:11Northern at Eastern Samar.
28:13At nakaka-apekta naman
28:14ang Northeast Monsoon
28:15sa natitirang bahagi ng Luzon.
28:17Gayun din sa Metro Manila,
28:19Cagayan Valley,
28:20Cordillera Administrative Region,
28:22Nueva Ecija,
28:22Bulacan,
28:23at natitirang bahagi ng Calabar Zone.
28:25Localized thunderstorms naman
28:27ang nagpapaulan
28:28sa natitirang bahagi ng bansa.
28:30At sa rainfall forecast
28:31ng Metro Weather,
28:32posible ang light
28:33to intense rains bukas
28:34sa Cagayan,
28:35Isabela,
28:36Ilocos Norte,
28:37Zambales,
28:38Camarinas Norte,
28:39Oriental Mindoro,
28:40at Palawan.
28:42May chance na naman
28:42ng light to moderate rains
28:45sa Eastern Samar,
28:46Negros Occidental,
28:47at Bucol.
28:49Habang light to intense rains naman
28:51ang posible maranasan
28:52sa Agusan del Norte
28:53at Agusan del Sur,
28:55sa Bukidnon,
28:56Quatabato,
28:57at Davao Oriental.
28:59Posible rin ulanin bukas
29:00ang ilang bahagi ng Metro Manila.
29:05Wala po sa Cambodia
29:06si Charlie Atong Ang.
29:08Yan po ang kinupirma
29:09ng Ministry of Foreign Affairs
29:10and International Cooperation
29:12ng Cambodia.
29:13Sa isang payag,
29:14sinabi nilang walang record
29:15ang kanilang immigration
29:16na pumasok o lumabas
29:18sa kahit aling border checkpoint
29:20ng Cambodia si Ang.
29:21na wanted
29:22sa kaso ng mga nawawalang
29:24sa buhero.
29:25Ang paglilinaw
29:26ay paraan nila
29:26iwaksi
29:27ang ilang ulat
29:28na nagpapahiwating
29:29na nagtatago
29:30sa Cambodia si Ang
29:31at may mga polis
29:32mula Pilipinas
29:33na ipinadala roon
29:35para siya'y tubisin.
29:37Sa isang text message,
29:38sinabi ni DILG
29:39Secretary John Vic Remulia
29:40na paniniwalaan nila
29:42ang payag ng Cambodia.
29:44Git niya,
29:45ang star witness
29:46na si Julie Patidongan
29:48ang nagbigay ng impormasyon
29:49na nasa Cambodia si Ang.
29:52Patuloy daw na tinutugis
29:53ang polisya si Ang
29:54para mabigang hostisya
29:55ang maygit-isang daang
29:56nawawalang sa bongero.
30:03Excited rao si Ashley Ortega
30:05sa kanyang pagbabalik
30:06afternoon prime
30:07matapos ang maraming taon.
30:09Narito ang aking chika.
30:10Thankful si Ashley Ortega
30:17sa magandang simula
30:18ng 2026.
30:20Kung sinulit niya daw
30:21ang bakasyon
30:21noong holiday season,
30:23trabaho agad
30:24ang kanyang focus
30:25sa pagpasok
30:26ng bagong taon.
30:27I'm happy na
30:28start pa lang
30:29ng month
30:30ng 2026.
30:31Sobrang busy na agad.
30:33Yun naman yung gusto ko eh.
30:34Siyempre,
30:35it's a good problem.
30:36Medyo nakakapagod,
30:37pero fulfilling
30:37and satisfying naman.
30:39Bibida si Ashley
30:40bilang isang babaeng
30:42may mental condition
30:43sa upcoming
30:44afternoon drama series
30:45na Apoy sa Dugo
30:46kung saan makakasama niya
30:48ang love team
30:49ni na Derek Monasterio
30:50at El Villanueva.
30:53Exciting daw ito
30:53para sa kanya
30:54dahil taon na
30:55ang binilang
30:56bago siya ulit
30:57nagka-project
30:57sa afternoon prime.
30:59I think show pa ata
31:00ni Bianca
31:01tsaka ni Miguel
31:02noong love team pa sila
31:03dati.
31:04Pero ever since
31:05kasi puro
31:06prime time ako
31:07but it's so good
31:08to be back.
31:09Yung story talaga
31:10is lagi may mga
31:11awoy-awoy.
31:12Yan yung gusto kong gawin.
31:15Recently,
31:16guest si Ashley
31:17sa serya
31:17ng kanyang boyfriend
31:18na si Mabili Gaspi
31:20na Hating Kapatid
31:21kung saan
31:22mapapanood ang
31:22crossover
31:23ng kanyang karakter
31:24mula sa Hating Kapatid
31:26patungo sa
31:27Apoy sa Dugo.
31:31And that's my chica
31:32this Saturday night.
31:33Ako po si Nelson Canlas.
31:34Pia?
31:36Thank you, Nelson.
31:41Ayahay ang buhay
31:42ng isang fur baby
31:43na sa gitna
31:44ng pagtulog,
31:45aba.
31:46Tinatiran pa
31:46ng unan.
31:48Yan po.
31:48At iba pa
31:49ang mga cute moments
31:50ng mga fur babies
31:51sa usapang pets
31:53ni Darlene Cat.
31:58Mahangin sa labas.
31:59Perfect moment
32:00para sa siyesta
32:01ng asong si Baobie.
32:02Mas lalong
32:03nahimbing niya
32:04ang tulog niya
32:05ng lagyan pa
32:06ng unan
32:06ni Lola Clarita.
32:08Mapapasana
32:09orka na lang
32:10dahil hindi naman
32:11masyadong obvious
32:12na siya raw
32:13ang paboritong
32:14apo ni Lola.
32:15Ayon sa apo
32:16ni Lola Clarita,
32:18si Baobie
32:18ang unang fur baby
32:19ni Lola
32:19na ipinaampon
32:21sa kanila.
32:21Tunay na baby
32:22ang turing
32:23ni Lola Clarita
32:24sa alaga.
32:24Bukod sa sinusubuan,
32:26dinadamitan niya
32:27rin ito.
32:28Antok na antok na
32:29at naghahanap
32:30ng tamang pwesto
32:31sa kanyang rocking chair
32:32ang French Bulldog
32:33na si Chico
32:34at nang makahiga na
32:35napupuntong
32:36hininga pa nga
32:37sabay ng ngiti.
32:38Kansaw tuloy
32:39ng kanyang fur dad
32:40para bang napagod
32:41sa pagkayod si Chico.
32:43Pero ang totoo,
32:44na late
32:44na uwi ang kanyang fur dad
32:45kaya antok na antok
32:47na si Chico
32:47sa paghihintay
32:48sa kanya.
32:49Sweet kisses
32:50naman ng mga alaga
32:51ang gumigising
32:52sa mag-asawang ito
32:53sa Pasig City.
32:54Ayon sa fur parent
32:55na si Laika,
32:56hinihintay talaga
32:57ng mga alaga
32:58ang tunog ng alarm clock
32:59bago sila gisingin.
33:01Tila rambol ang umaga
33:02pero puno ng saya.
33:04Para sa GMA Integrated News,
33:06Darlene Kay,
33:06nakatutok 24 oras.
33:10At yan po
33:11ang mga balita ngayong Sabado
33:12para sa mas malaki misyon
33:14at mas malawak
33:15na paghihilingkod
33:16sa bayan.
33:17Ako po si Pia Arcangel.
33:19Mula sa GMA Integrated News,
33:20ang News Authority
33:22ng Pilipino.
33:23Nakatuto kami
33:2424 oras.
Comments

Recommended