Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, Nobyembre 23, 2025:


- Apartment, inakyat-bahay ng kapitbahay; Aparador at iba pang gamit, tinangay


- BI: 4 sa 16 na may arrest warrant sa flood control controversy, nasa labas ng bansa


- PAOCC: Asylum application ni Harry Roque, pinapakumplika ang paglalabas ng red notice ng Interpol


- DPWH MIMAROPA Engr. Dennis Abagon, nahuli ng NBI sa isang bahay sa Quezon City na pagmamay-ari umano ng isang politiko


- NCRPO, mas marami raw ide-deploy na pulis sa Nov. 30 protests kumpara noong Sept. 21


- MMDA: Sa unang linggo ng Disyembre magsisimulang bumigat ang trapiko sa NCR


- 12 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Olongapo City; Nagkikislapang kawad, namataan sa Santa Maria, Bulacan


- Dengue cases sa QC, mahigit 10,000 na; Dengue cases kasunod ng mga bagyong Tino at Uwan, kinakalap pa ng DOH


- 231-ft. Christmas tree at Christmas tunnel, ilan sa mga pinailawang palamuti sa iba't ibang lugar sa bansa


((NOTE: Pa-trim yung last story, baha sa Thailand. NO USE THAILAND))
- Balitang Abroad – Anti-Trump protests sa Washington D.C. | Pagbuga ng lava ng Mt. Kilauea | Israel Airstrikes


- Bulkang Taal, may minor phreatomagmatic eruption


- PAGASA: LPA sa loob ng PAR, malaki ang tsansa na maging bagyo


- men's floor exercise ng 2025 Artistic Gymnastics Junior World Championships


- Pasko sa Abroad – Mga pailaw sa Spain | Higanteng Christmas tree | Pop-up bars ft. Mariah Carey


- Pamilya Mangudadatu, bumisita sa puntod ng mga kaanak na pinatay noong Nov. 23, 2009


- Charlie Fleming, bibida sa upcoming Kapuso serye na "Master Cutter" kasama si Dingdong Dantes


- 14 na pulis, suspek sa paggahasa ng 18-anyos na dalaga sa Cavite


- Pag-uwi ni Miss Universe 3rd Runner-up Ma. Ahtisa Manalo ngayong araw, ipinagpaliban

24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:02.
00:06.
00:10.
00:12.
00:14.
00:16.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:30Aligaga sa pagkalikot ng mga gamit ang lalaking ito sa isang apartment sa pinagbuhatan Pasig City.
00:36Maya-maya pa, buhat na niya ang aparador na yan palabas.
00:40Ang lalaki, ninanakawa na pala ang kapitbahay niyang nagbakasyon lang sa probinsya.
00:46Pagbalik nila, after ng 3 days na bakasyon nila, doon nila na-discover yung gamit na nawawala.
00:53Nung nagpala po tayo na identify po natin yung suspect na isa rin pala ang kapitbahay nila.
01:02Ayon sa pulisya, pati amplifier at flat screen TV, tinangay ang halagaraw ng mga ninakaw na gamit, halos 40,000 pesos.
01:12Nakalak po yung pinto ng mga complainant natin.
01:15Nga lang, sinira niya po yung pinto para makapasok siya doon sa bahay ng mga biktima natin.
01:23Patuloy na tinutugis ang suspect na sasampahan ang reklamong robbery.
01:27Sinusubukan pa naming makuha na ng pahayag ang tinakawan.
01:31Paalala naman ang pulisya.
01:33Anggat maari, ihabilin natin yung bahay natin kung lalayo tayo o aalis tayo na matagal.
01:39Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak nakatutok 24 oras.
01:46Apat sa labing-anim na may arrest warrant kagno'y sa maanumaliang flood control projects ang wala sa bansa ay sa Bureau of Immigration.
01:53At kabilang po dyan, si dating Congressman Zaldico na basa sa kanilang records ay umalis patungo Singapore noong August 6.
02:01Si DPWH Memoropa Planning and Design Division Chief Montrexis Tamayo nagtunguan nila sa Qatar noong November 15.
02:10Bumiyahe pa Australia noong October 2 si Sunwest Incorporated President and Board Chairman Aderma Anjali Alcazar.
02:17Habang ang treasurer ng kumpanya na si Cesar Buenaventura umalis pa UAE noon ding October 2.
02:24Sabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, inilagay na sa Centralized Derogatory Database ang pangalan ng lahat ng mga may arrest warrant.
02:33At naka-heightened alert din ang lahat ng immigration officers sa mga paliparan at pantalan.
02:39Para sa Presidential Anti-Organized Crime Commission,
02:42Pinapakumplika umano ng application for asylum ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque
02:47ang paglalabas ng Red Notice ng Interpol laban sa kanya.
02:51Ay kay PAOK Spokesperson Winston Cascio.
02:54Pinalalabas ni Roque na biktima siya ng political persecution.
02:57Hindi daw ito totoo.
02:59Kung pagbabatayan niya ang argumentong ginamit laban kay dating Mabantarlak Mayor Alice Guo
03:04sa kasulit ng Qualified Human Trafficking, matibay at may basihan ang liability ni Roque.
03:09May arrest warrant si Roque kaugnay sa pagkakadawit niya sa Lucky South 99 Pogo Hub sa Porac, Pampanga.
03:17Dati na niyang itinanggi ang aligasyon.
03:19Wala pang reaksyon tungkol sa Interpol Red Notice si Roque na huling nakita sa The Netherlands kung saan siya humihingi ng asylum.
03:27May naareso ng isa sa mga wanted sa maanamaliang flood control projects.
03:34Pero, imbis na sa tirahan sa Cavite, natuntun ng NBI si DPWH Memorope Engineer Dennis Abagon
03:40sa isang bahay sa Quezon City na pag-aari raw ng hindi niya pinangalan ng politiko.
03:46Nakatutok si John Consulta.
03:48Ilang beses kinatok ng operatiba ng NBI ang gate ng bahay na ito sa Quezon City nang wala raw nagbukas nito.
03:57Gamit ng isang improvised na tuntungan, inakit ng NBI NCR at NBI Technical Intelligence Division ang gate ng isang bahay sa Quezon City.
04:05Nang mabuksan ang gate, agad pumasok sa grahe ang operatiba kasama ang NBI Public Corruption Division.
04:11Ilang sa kanila may mga dalang baril.
04:13Para yung ram natin, battery ram.
04:15Nakalakang pinto ng bahay, kaya gumamit sila ng battery ram.
04:23Hanggang sa nabutas ang tito at napasok ng otredad ang bahay.
04:27NBI!
04:37Inabutan sa paanan ng hagdaan si DPWH numero pa-inginyor Dennis Abago.
04:46Siya ang kauna-unahang nahuli na may warrant of arrest mula sa Sandigan Bayan.
04:51Para sa mga kaso, malversation of public funds through falsification at two counts of grafts para sa umaloy substandard na 289 peso road-dike project sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
05:01Inaresto rin ang isang nalaki at isang babae na kasama ni Abagon sa bahay.
05:06Sabi ng NBI, kakasuwan sila ng obstruction of justice.
05:10Sinubukan silang kunan ng pahayag ng GMA integrated news pero sinabi nilang hindi raw muna sila magsasalita.
05:15Nakuha kay Abagon ang kanyang backpack na puno ng gamit, gamit, gamot at mga cellphone.
05:20Isa sa mga napansin ng NBI-TID at NBI-NCR nung sila pumasok na dito sa bahay ay itong mga bintaan na mga kapuso.
05:28Pansin ninyo, imbis na bukas exposed para makapasok ang ilaw, liwanan sa bahay ay natatakpan na ng mga kalendaryo.
05:37Kitang-kita natin dito mga kapuso ito.
05:41So marahil ito ay para matakpan yung view dito sa loob ng bahay.
05:47Dito sa loob ng bahay at hindi makita yung kanilang galawan at kung sino nasa loob ng bahay.
05:53Mga cellphone na narecover sa kanya ay agaw pansin mga kapuso itong isang brand new na bagong piling SIM card at isang analog na cellphone.
06:07Ayon sa NBI, maaaring itong mga gamit daw na ito ay burner SIM at burner phone na sa pagnanais nitong si Director Abagon or Engineer Abagon na makaiwas sa trace o para hindi matetect.
06:27Bago yung kanyang SIM card at hindi malalaman na siya pala yung may gamit ng number na yun.
06:32Tinumpis ka ng NBI ang lahat ng kanyang gamit at isa sa ilalim sa forensic investigation.
06:37Sabi ng NBI, una sila nagpunta sa adres ni Abagon sa Kabite pero wala siya roon.
06:43Naaresto ito sa bahay sa Quezon City na ayon mismo kay Abagon ay pagbamayari ng isang politiko pero tumanggi siya na panganalan nito.
06:52Sasukot naman talaga. Yung inabutan pa kayo ng NBI, pasuko na kayo? Pasuko? Pasuko na kayo?
06:57Hindi po yung pagpaparang kaupakaan mo ako, patakas mo. Hindi ka lang.
07:02Wala naman ako kung masama ko, ginawa ko lang naman po yung trabaho.
07:09What can you say sir kung kumita ka kayo dito sa mga flood control projects?
07:15Dinala si Abagon sa NBI headquarters sa Pasay para sumailalim sa booking procedures.
07:22Ayon kay NBI Director Attorney Angrito Magno, patuloy ang kanilang paghahain ng ares warad.
07:28Patuloy rin daw ang paghahanap nila kay Zaldico na batay sa huling impormasyon ni BILJ Secretary John Vic Rimulia ay nasa Japan umano sa mga nakalipas na araw.
07:38Pinuntahan din ng mga polis ang bahay ng iba pang mga may ares warad sa iba't ibang lugar sa Albay pero wala silang natatahan doon.
07:45Sabi ng NBI, iimbisigahan at kakasuan din nila ang mga mapatunayang nagkakanlongan nila sa mga may ares warad.
07:53Panawagan pa ng NBI sa mga may ares warad, sumuko na sila sa motoridad.
07:58Para sa GMA Indiglian News, John Konsulta, nakatutok 24 aras.
08:04Mas maraming polis daw ang idedeploy ng NCRPO sa malawakang kilos protesta na ibatbang grupo sa November 30 kumpara noong September 21.
08:13Wala mang namamonitor na security threat, hindi daw inaalis sa polisya ang posibilidad na may sumumok na manggulo.
08:19At nakatutok si Bon Aquino.
08:24Simula November 28, naka-full alert ang National Capital Region Police Office
08:29para sa malawakang kilos protesta ng iba't ibang grupo sa Bonifacio Day sa November 30.
08:36Handa na po ang NCRPO simula pa po nung matapos yung ating huling malaking aktividad.
08:41Ang guidance po ng aming Regional Director, Police Major General Anthony Aberin ay klaro, preventive, responsive,
08:48at syempre ang maximum tolerance para maging maayos ang lahat ng kilos protesta.
08:53Ayon sa NCRPO, may permit na rin ang mga organizers sa People Power Monument kung saan inaasahan ang mga organizers na hindi lalagpas sa 50,000 individual ang sasali.
09:04Tiyak daw na mas marami silang idedeploy na polis sa November 30 kumpara noong September 21 kung kailan nagkaroon ng gulo sa Mendiola.
09:12Meron tayong CDM contingents, meron tayong negotiating team, meron tayong monitoring team, meron tayong lalo yung arresting team.
09:22So bumuo tayo ng separate na arresting team para dito sa ating mga magaganap na mga pagtitipon.
09:28Para maiwasan din ito, meron tayong mga CCTV na mga in-install para mas real-time yung monitoring po namin at agad-agad yung aming magiging responde.
09:37Sa ngayon, wala pang namomonitor na security threat ang NCRPO.
09:43Hindi po natin inaalis yun na posibleng merong sumubok, nagmanggulo.
09:47Meron po tayong mga civilian agents na personnel na nandyan na para siguruduhin na kung sakali man na may mamomonitor sila na hindi sila doon,
09:56kung baga hindi sila belong dito sa grupong ito, ay agad-agad po ang magiging aksyon namin.
10:01Nakahanda na rin ng ilang grupo tulad ng isang bayan.
10:04Sana hindi naman ito gamitin para manggulo sa ating bayan.
10:09Dahil at the end of the day, what we want is a constitutional and rule of law process.
10:17And yun nga, ang gusto natin, managot sila pero hindi naman anything na revolusyonary or unconstitutional.
10:24Hindi kami papayan dyan.
10:26Ang grupong makabayan naman, magtitipon umano sa Rizal Park.
10:30Ang buong range ng panawagan ng ating mamamayan, kaugnay ng lahat ng sangkot dapat managot at kailangan may pagbabago sa sistema.
10:42Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
10:47Hindi patuloy ang Carmageddon ngayon sa Metro Manila pero may patikim na ng bumper-to-bumper na traffic habang papalapit ang holiday rush.
10:55Nakatutok si Dano Tingkungko.
11:00Araw ng linggo ngayon at hindi naman sahod weekend para sa karamihan.
11:05Pero tanghali pa lang kanina, mabagal na ang daloy ng trapiko sa maraming bahagi ng EDSA.
11:10Kapansin-pansin ito lalo sa mga lugar na malapit sa mga mall.
11:13Tulad na lang sa EDSA North Avenue, Cubao, Ortigas at Shaw Boulevard.
11:19Masasabi na bang Carmageddon na?
11:21Kung MMDA ang tatanungin, bahagi na ang pagbigat na ito ng karaniwang pagbigat tuwing Vermonts.
11:27Pero ang tunay na sinasabing Carmageddon, unang linggo ng Disyembre pa raw talaga mararamdaman.
11:34Sabi ng MMDA, nakatali karaniwan ang bigat ng trapiko sa kung kailan natatanggap ng mga empleyado ang kanila mga bonus.
11:41We have to consider also yung season eh, yung budget season ng mga tao.
11:46Normally, yung mga 13-month pay, Christmas bonuses, it does not come as early as November, mid of November or end of November.
11:53Yung iba dyan pumapasok first week of December, second week of December.
11:57So the peak of the Carmageddon or the heavy traffic rush for the Christmas,
12:02definitely it will start or mas mararamdaman natin ito by December first week.
12:06Ang average daily vehicle volume sa EDSA na nasa 200,000 to 250,000 lumulobo tuwing holiday rush ng hanggang 380,000 to 400,000 kada araw.
12:17At dahil taon-taon naman daw talagang nangyayari ito, maaga pa lang daw may mga paghahanda nang ginawa ang MMDA.
12:24Bukod sa clearing operations, lalo sa mabuhay lanes at national roads,
12:28adjusted ang mall hours na ngayon ay 11 a.m. hanggang 11 p.m.
12:32In-extend natin yung opening time nila, adjusted to 11 in the morning.
12:38So magkakaroon na segregation ng mga pagpasok ng tao, especially the employees ng mga mall operators natin.
12:45Distributed yung magiging volume ng sasakyan at volume ng mga tao na nagustong pumunta sa mall
12:51because they don't have to rush just because magkuklosing na yung mall ng 9 p.m.
12:56Nilimitahan din ang oras ng delivery sa mga mall na mula 11 p.m. hanggang 5 a.m.
13:02pwera sa pagkain at perishable items.
13:04Tuwing weekend lang din pwede ang mga mall-wide sale.
13:08Kung may mga paandar naman ng mga mall,
13:10kailangan nila magsumitin ang traffic management plan sa MMDA dalawang linggo bago ang event o promosyon.
13:16Suspendido rin ang lahat ng excavation work sa Metro Manila at mga karatig lungsod.
13:21Extended din ang shift ng traffic enforcers.
13:24Para sa GMA Integrated News, daan natin kung ko nakatutok 24 oras.
13:29Nagpuputok ang kawad ang bumulaga sa bahagi ng Santa Maria, Bulacan.
13:34Labing dalawang pamilya naman ang nawalan ng bahay sa sunog sa Olongapo City.
13:38Ang mga sunog sa probinsya sa pagtutok ni Chino Gaston.
13:42Nangangalit na aboy ang bumalot sa tatlong paupahan sa barangay Pag-asa sa Olongapo City.
13:51Labing dalawang pamilya ang nawalan ng tirahan.
13:54Inabot ng isang oras ang sunog na inaalampah ang pinagbulan at ang halaga ng pinsala.
14:00Walang nasugatan sa insidente.
14:02Malayo pa ang bagong taon pero nagpuputokan na sa bahaging ito sa barangay Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan.
14:14Dahil sa mga nagkikislapang kawad, tanaw rin ng maitim na usok bula sa sunog.
14:19Inaalam pa ng otoridad ang sanhinang apoy.
14:23Para sa GMA Integrated News, Chino Gaston nakatutok 24 oras.
14:29Kumakala pa ang Health Department ang datos sa mga tinamaan ng dengue sa buong bansa kasunod ng mga nagdaambagyo.
14:35Pero sa Quezon City, mahigit 10,000 ang nagkadengge hanggang November 20, apat sa kanila ang nasawi.
14:42Nakatutok si Darlene Kai.
14:44Masakit pa rin para kay GMA ang pagpanaw ng kanyang isang taong gulang na anak na si Princess noong isang buwan dahil sa dengue.
14:54Hindi namin nalamdaman na may sakit palaga siya.
14:57Kasi malakas siya eh.
14:59Masigla, tapos naglaro pa.
15:00Milo siya, humakap sa akin.
15:02Yun na ba na, umpisa niya.
15:04Susok, nagsoka siya.
15:05Tapos I'm so sure.
15:07Kahit pa rin nila sa ospital si Princess, hindi na bumuti ang kanyang lagay.
15:12Na-ospital din itong Setiembre dahil sa dengue ang sampung taong gulang na si Prince.
15:17Three days siyang nilalagnat.
15:19Tapos ano, sabi ko nadadali na namin sa ospital.
15:23Kasi nangihina na po siya, nanginginig na po yung mga katawan niya.
15:27Tapos sumasakat na yung binti at saka yung mga paan niya.
15:30Severe o malala na pala ang dengue ni Prince, sabi ng mga doktor.
15:34Bumuti ang pakiramdam niya pagkatapos ng isang linggo sa ospital.
15:38Hindi kaya ng dibdib ko na makita ulit yung ganun na sitwasyon.
15:42Sina Gemma at Prince, taga Barangay Batasan Hills, na ayon sa Quezon City LGU,
15:46ay may pinakamaraming kaso ng dengue sa lungsod ngayong taon.
15:50857 ang nagkasakit sa barangay mula January hanggang November 20.
15:54Apat sa kanila ang namatay.
15:57Sa buong Quezon City, maygit 10,000 ang nagkadengge mula Enero, kabila ang 44 na nasawi.
16:03Pinakamarami sa mga tinamaan, mga batang edad isa hanggang sampu.
16:06Ang problema sa Batasan Hills, may mga naiipong tubig na pinamumugaran ng mga lamok.
16:12Ang mga ginagawa po namin sa search and destroy,
16:15yung pong mga gulong na nasa bubong na tinatamaan ng tubig ko lang,
16:20so yung po ay tinatanggalo namin lahat yun.
16:23So yung mga drampo na nakikitaan namin ng kitikite,
16:27tinotobo namin yun at tina-advise namin sa mga constituent namin.
16:31Susi sa pagsubpo sa dengue ang malinis na paligid at protektadong katawan laban sa kagat ng lamok.
16:37Dapat din magpadoktor agad kapag nakaramdam ng sintomas,
16:40gaya ng lagnat, panghihina, pantal, pagsusuka at pagdurugo ng gilagid.
16:45Sa buong bansa, ayon sa DOH, may pagbaba ng mga kaso ng dengue
16:48bago ang mga linggong na nalasang mga bagyong tino at uwan na nagpabaha sa maraming lugar.
16:52Wala pa tayong datos dun sa mismong mga linggo na nakaraan na si Tino siya kasi uwan.
16:59Kaya patuloy pa rin tayo nagatatala, wala pa tayong mga reports na nagsitaasan ang ating dengue.
17:06Patuloy pa raw nangangalap ng datos ang DOH
17:09at nagbabalang wag maging kampante dahil inaasahan pa rin ang mga ulan hanggang matapos ang taon.
17:15Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok, 24 oras.
17:19Mga kapuso, tatlumput, dalawang tulog na lang, Pasko na.
17:24Patuloy ang pagningning ng diwa ng Pasko sa iba't ibang lugar sa bansa.
17:27Mula sa mga higanting Christmas tree hanggang sa mga lagusang Pasko ang tema.
17:32Tara, pumasyal tayo sa pagtutok ni Dano Tingkungko.
17:43231 feet, ganyan kataas ang giant Christmas tree sa City Hall ng Tagum City, Dabao del Norte.
17:48Tema ang Carnival ang puno, tad-tad na libo-libong ilaw at mga palamuting hot air balloon, ferris wheel at carousel.
17:55May mga acrobat at magician pang nagpasaya sa mga dumalo lalo na ng mga bata.
18:013, 2, 1, Christmas!
18:06Sa plaza ng Gapan Nueva Ecija, hindi lang higanting Christmas tree at ferris wheel ang bida.
18:11Attraction din ang mahabang Christmas tunnel sa isang kalsada patungo sa mga lumang bahay pati mga pagkain sa night market.
18:17Walang tapon sa mga materyales na mga parol at Christmas tree sa Lipa, Batangas.
18:24Ang Christmas tree mula sa mga pinagsama-samang plastic bottles.
18:28Pinagdikit-dikit din ang mga plastic sachet, kutsara at tansan.
18:32Maliwanag ang Pasko sa plaza, munisipyo at simbahan ang Samal, Bataan.
18:36Nag-enjoy ang mga residente sa malaking Christmas tree, bilen at iba pang dekorasyon.
18:40Sa tarila, kasama mga ambasador at diplomat sa mga namangha sa iba't ibang nakadisplay na bilen sa kanilang taon ng bilenismo.
18:48Gaya ng bilen na may sumasayaw na higanteng paru-paro at bilen na may mga higanting ibon.
18:53I really love the colors and how everything here is reflecting the culture and respect the environment also.
19:00I'm using very simple tools and components to make such a beauty.
19:07This is amazing the way the Filipino people celebrate Christmas.
19:12There is nothing like this in my country. This is exceptional.
19:15Para sa GMA Integrated News, danating kung ko nakatutok 24 ora.
19:20Nananawagan ng pagpapatalsik kay U.S. President Donald Trump ang ilang grupo sa Amerika.
19:25Yan at iba pang mga balita, bro, sa pagtutok ni Chino Gaston.
19:36Samang nagmarcha ang ilang rallyista sa Washington D.C. sa Amerika.
19:40Panawagan nila patalsikin at panagutin si U.S. President Donald Trump.
19:45Sa gitna ng rally, may ipinangako si U.S. Representative Al Green.
20:06Wala pang reaksyon dito si Trump.
20:08Sa Hawaii, namataan ang pag-agos ng lava mula sa crater ng Kilauea Volcano, na isa sa mga pinakaaktibo sa daigdig.
20:20Ayon sa U.S. Geological Survey, posibleng lumakas pa ang pag-agos nito sa mga susunod na araw.
20:26Dumagong-dong ang paligid ng isang gusali sa southern Lebanon matapos tamaan ang airstrike ng Israel.
20:38Isa ang naitalang nasawi.
20:40Bago niyan, nagbabala na ang Israel na magsasagawa sila ng strikes sa apat na bahagi ng South Lebanon.
20:52Ayon sa Israel, aatakihin nila ang military infrastructure ng grupong Hezbollah na inakusahan nilang kumukuha ng mga arma sa kabila ng ceasefire noong nakaraang taon.
21:02Nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption sa main crater ng Bulkantaal kaninang umaga.
21:08Ayon sa Feebox, nagdudod ito ng gray plumes o singaw na umabot sa mahigit 700 metrong taas mula sa crater.
21:16Nananatini sa Alert Level 1 ng Bulkantaal.
21:21Malaki pong chance na maging bagyo ang isang low-pressure area na nasa loob ng Philippine Area for Responsibility.
21:27Ayon po yan sa pag-asa.
21:28Huli itong namataan na pag-asa, 715 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur.
21:34At sa ngayon, nakaka-apekto ang trough o ang buntot ng LPA sa Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, ilang bahagi ng Bico Region at Zamboanga Peninsula.
21:44Shear line ang nagpapaulan ngayon sa Metro Manila, Calabarzon, Aurora, Apayaw,
21:49Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Cagayan, Isabela, Quirino, Camarinas Norte at Camarinas Sur.
21:59Northeast Monsoon o Amihan ang nakaka-apekto naman sa mga natitriang bahagi ng Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon.
22:06Localized thunderstorms naman sa Mimaropa at impang bahagi ng Mindanao.
22:13Sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng makaranas bukas ng light to torrential rains sa ilang bahagi ng coastal area ng Cagayan pati na rin sa Oriental Mindoro.
22:23At may tsyansa naman ng light to intense rains sa malaking bahagi ng Visayas.
22:29Habang light to torrential rains naman sa Mindanao, lalo na sa coastal area sa Surigao pagdating ng hapon.
22:37At posibleng ulanin ang Metro Manila bukas ng tanghali.
22:41Huwagin ang bronze medal si Carl Eldreau Yulo sa 2025 Artistic Gymnastics Junior World Championships.
22:48Nagbunga ang all-out performance si Eldreau sa finals sa Men's Floor Exercise category.
22:53Sa score na 13.733, naiuwi ng kapatid ni Olympic gold medalist Carlos Yulo ang bronze medal para sa bansa.
23:01Ito ang unang medalya ng nakababatang Yulo sa world level.
23:04Bukas nasabak naman siya sa finals ng vault and horizontal bar competition.
23:10Christmas is in the air, hindi lang po sa Pilipinas, kundi maging sa ipang bahagi ng mundo.
23:16Sa Portugal, may kakaibang paanda ng kanilang giant Christmas tree.
23:20At bida naman sa ilang lugar sa Amerika, ang tinaguriang Queen of Christmas na si Mariah Carey.
23:27Silipin niyan sa pagtutok ni Darlene Carey.
23:34Nagliwanag ang mga kaasada sa Barcelona, Spain ng pailawan ng kanilang mga Christmas display.
23:39Namangha ang mga residente at turisa sa isang light show.
23:42Puno ng ilaw ang ilang kilalang gusali roon, pati ang ilang fountain, fasad ng hotel, municipal markets at iba pang tindahan.
23:55Sa Lisbon, Portugal, nagtipon-tipon ng mga turisa at residente sa pagpapailaw sa kanilang gigante Christmas tree.
24:02Sinundan ito ng isang fireworks display na nagmula sa mismong puno.
24:05Ayon sa Lisbon City Council, nakatakdapang pailawan ng mahigit 180 kilometers sa pailaw na ginamita ng energy-efficient LED lights.
24:14Sa Amerika, kapag sinabing Pasko, isa sa mga MC o main character si MC, Mariah Carey.
24:22Ang ilang pop-up bars doon, tad-tad na mga larawan o image ng diva kasabay ng pagpapatugtog ng kanyang mga sikat na Christmas songs.
24:29Pwede yung magpapicture sa mga stand-in ni Mariah.
24:32Why not slay the slay rin na parabang kasama ka sa isa niyang music video.
24:37May mailbox pa na kung susulatan si Mariah, mababasa ro yan ang singer.
24:41May say din daw si Mariah sa pagkain at ilang cocktails sa menu.
24:45Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
24:50Ginugunita ngayong araw ang ikalabing-anibersaryo ng malagim na Maguindanao Massacre.
24:55Kalina bumisita at nag-alay ng bulaklak ang pamilya Mangudadato sa puntod ng limang kaanak na napaslang noong November 23, 2009.
25:03Matuloy pa rin daw ang kanilang panawagan ng kustisya para sa lahat ng biktima.
25:0858 ang pinatay, kabila ang 32 mamamahayag, nakasama sa convoy ni Esmael Toto Mangudadato,
25:15na maghahain noon ang kanyang certificate of candidacy sa pagkagobernador.
25:19Ayos sa National Union of Journalists of the Philippines, 44 na suspects sa massacre.
25:25Ang convicted noong 2022, habang 88 ang tinutugis mo.
25:33Looking forward sa XPBB Celebrity Collaboration Housemate Charlie Fleming na maging guest sa bahay ni Kuya.
25:40Handa naman kaya siyang pasukin ang mundo ng pageantry na aminado siyang kanyang first love?
25:46Yan ang chika ni Aubrey Carampel.
25:48Exciting and adrenaline filled ang role ni ex-PBB housemate Charlie Fleming sa upcoming kapuso serye na Master Cutter.
26:00Ang karakter daw kasi niya, madalas makitang nagsiskateboard sa kanilang taping location sa Baklaran.
26:06I've been skating for the past like maybe 4 years now.
26:11So I'm so happy na na-incorporate po siya sa kayactor ko.
26:15Kasi it's close to home, nagsiskate ako sa probinsya dati.
26:18Happy rin daw si Charlie na muling makatrabaho si kapuso primetime king Ding Dong Dantes na para raw nilang kuya sa set.
26:24Bukod sa balik teleserye, enjoy rin si Charlie sa paggawa ng content.
26:30Isa nga sa kinaaaliwana yung mga rant niya kay kuya ng Pinoy Big Brother.
26:35Dahil nag-guest na raw ang kanyang ka-final duo na si Esnir at nasa loob din ang bahay ni kuya ang ilan niyang friends,
26:42waiting pa rin daw siyang i-invite ni kuya as house guest.
26:45As of the moment, wala pa akong na-receive na okay na po kami ni kuya or if ano po talagang sagot ni kuya sa akin.
26:53But I just know that my heart is open anytime for you kuya.
26:58Ngayong araw na imbitahan si Charlie sa isang beauty congress.
27:01Dito nabanggit din ni Charlie na may posibilidad na pasukin din niya ang mundo ng pageantry.
27:08Lalo't mainit na pinag-uusapan ngayon ng Miss Universe kung saan nag-third runner-up ang ating pambato na si Atisa Manalo.
27:16I've gotten tweets recently na babawiin daw natin para sa Pilipinas.
27:19Sabi ko wait long the pressure.
27:21Some people do definitely know that pageantry was my first love.
27:24With the path that I'm taking, syempre with acting, content creation and everything else,
27:29I'm not sure pa if I could give time for practice and everything and just pageantry.
27:35Because of course I would like to be prepared if ever the time comes.
27:39Aubrey Carampel, updated the showbiz happenings.
27:43Mga kapuso, sensitive po po ang susunod namin ibabalita.
27:48Ginahasa ng labing apat na polis ang isang babaeng 18 anyos sa Kabite.
27:53Sa inisyon na imbisikasyon, nasa labas ng kanilang bahay ang biktima,
27:57nang lapitan siya ng grupo ng maarmadong lalaki na nagpakilalang polis mula kang lubang.
28:01Nagpumilit mo nang pumasok sa kanilang bahay ang mga suspect at hinalughog ang kanilang bahay.
28:08Kinungha mo na nila ang mga singsing at cellphone ng biktima.
28:12Kalauna nilak ng mga suspect ang pito ng bahay at doon na naganap ang pangahalay.
28:17Na-arresto sa follow-up operation ang walos ng mga suspect, habang at large pa ang anim.
28:23Ayon sa Police Regional Office 4A, naka-assign ang mga ito sa PNP PDEG SOU 4A.
28:30Nakuha sa mga suspect ang iba't-ibang kalibre ng baril at bala,
28:33ang cellphone at motor ng biktima, pwede na rin ilang pakete ng hinihinalang droga.
28:40Mahaharap ang mga suspect sa reklamang rape at robbery in bad.
28:43Postponed ang nakataktang pag-uwi ngayong araw ni Miss Universe 2025 third runner-up Maria Atisa Manalo.
28:52Inanunsyo yan sa Instagram ng Miss Universe Philippines.
28:55Hindi binanggit kung bakit at kung kailan uuwi si Atisa.
28:58Hindi man siya kinurunahan bilang Miss Universe 2025.
29:02Tuloy-tuloy pa rin ang pagkilala sa advocacy ni Atisa.
29:05Third place ang kanyang Beyond the Crown advocacy video,
29:08kung saan isinusulong niya ang youth empowerment at leadership development
29:13ng mga Pilipino, lalong-lalo na ng kabataan.
29:16Full support din ang former Miss Universe Philippines kay Atisa.
29:19May mensahe ang kapusong si Miss Universe Philippines 2023, Michelle Marquesne, para kay Atisa.
29:27I'm so proud of Atisa. I'm so happy and satisfied sa kanyang laban.
29:32Napaka-flawless po talaga.
29:33We should continue to just support her, welcome her when she comes back,
29:37and you know, just show her how proud we are.
29:39And that's my chica this weekend.
29:43Ako po si Nelson Canlas.
29:44Pia, Ivan?
29:46Thank you, Nelson.
29:47Salamat, Nelson.
29:48At yan po ang mga balita ngayong weekend
29:50para sa mas malahimisyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan.
29:54Ako po si Pia Arcangel.
29:55Ako po si Ivan Mayrina mula sa GM Integrated News,
29:59ang News Authority ng Pilipino.
30:01Nakatuto kami 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended