- 8 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, Nobyembre 22, 2025:
Lalaki, nasawi sa saksak ng tricycle driver na binatukan niya
Guard na nangholdap sa binantayang bangko, arestado
Condominium ni Ex-Rep. Zaldy Co, pinuntahan ng Taguig Police para isilbi ang arrest warrant
Cassandra Li-Ong, huling na-track sa Japan noong Enero—PAOCC
Ex-Pres. Legal Counsel Juan Ponce Enrile, inihimlay sa Libingan ng mga Bayani
Mga sawa at igat, nabulabog umano sa ginagawang flood control project
Binatilyo, naospital dahil sa gulpi at saksak ng mga kapwa-menor de edad
23 Chinese na sangkot sa illegal POGO activities at cyberfraud, dineport
Alice Guo, dadalhin sa maximum security camp ng Women's Correctional, ayon sa BUCOR
RC cars, puwedeng rentahan at laruin sa isang cafe sa Cebu City
Mga siklista, pumedal sa panawagang panagutin ang mga kurakot
Nahulugan Falls sa Catanduanes, binabalik-balikan ng mga turista
Michael Sager at Zephanie, reunited sa upcoming Kapuso drama and musical series na "Born to Shine"
Lupa at malalaking tipak ng bato, humambalang sa kalsada
Balitang Abroad — Malawakang baha sa Vietnam | Bumagsak na fighter jet sa India | Sunog sa Brazil
Apat na weather systems, magpapaulan sa bansa bukas
NBI-OTCD, iniisa-isa na ang mga bahay ng mga akusado sa maanomalyang flood control projects
Pagtaas ng kaso ng dengue at leptospirosis, pinangangambahan sa mga binagyong lugar
Ilang pampubliko at pribadong sasakyan, namataang nakaparada sa gilid ng Chino Roces Ext. Ave. kahit bawal
Life-sized belen at makukulay na Christmas display, pinailawan sa iba't ibang probinsya
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Lalaki, nasawi sa saksak ng tricycle driver na binatukan niya
Guard na nangholdap sa binantayang bangko, arestado
Condominium ni Ex-Rep. Zaldy Co, pinuntahan ng Taguig Police para isilbi ang arrest warrant
Cassandra Li-Ong, huling na-track sa Japan noong Enero—PAOCC
Ex-Pres. Legal Counsel Juan Ponce Enrile, inihimlay sa Libingan ng mga Bayani
Mga sawa at igat, nabulabog umano sa ginagawang flood control project
Binatilyo, naospital dahil sa gulpi at saksak ng mga kapwa-menor de edad
23 Chinese na sangkot sa illegal POGO activities at cyberfraud, dineport
Alice Guo, dadalhin sa maximum security camp ng Women's Correctional, ayon sa BUCOR
RC cars, puwedeng rentahan at laruin sa isang cafe sa Cebu City
Mga siklista, pumedal sa panawagang panagutin ang mga kurakot
Nahulugan Falls sa Catanduanes, binabalik-balikan ng mga turista
Michael Sager at Zephanie, reunited sa upcoming Kapuso drama and musical series na "Born to Shine"
Lupa at malalaking tipak ng bato, humambalang sa kalsada
Balitang Abroad — Malawakang baha sa Vietnam | Bumagsak na fighter jet sa India | Sunog sa Brazil
Apat na weather systems, magpapaulan sa bansa bukas
NBI-OTCD, iniisa-isa na ang mga bahay ng mga akusado sa maanomalyang flood control projects
Pagtaas ng kaso ng dengue at leptospirosis, pinangangambahan sa mga binagyong lugar
Ilang pampubliko at pribadong sasakyan, namataang nakaparada sa gilid ng Chino Roces Ext. Ave. kahit bawal
Life-sized belen at makukulay na Christmas display, pinailawan sa iba't ibang probinsya
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:00Bago ang paninaksak, may kitang nagkakape ang sospek na isang tricycle driver at nag-aabang ng biyahe.
01:05Tila hinawi ng biktima at nakaibigan nito ang ulo ng sospek, kaya ito napatayo at tila may dinudukot sa kanyang bulsa.
01:13Sa kasagsagan ng gulo, may kitang lalaking humawi sa ulo ng sospek na may hinugot rin sa kanyang bulsa at inabot sa isa pang lalaki bago sila umalis kasama ang biktima.
01:22Siyempre naghahanap buhay, e yun, napagtripan, nakaupo doon.
01:26Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ang buhay makalipas ang tatlong oras.
01:31Kili-kili, tatlo tama eh.
01:34Sa tingin ng barangay, dinepensahan lang ng sospek ang kanyang sarili.
01:38Siyempre, kahit na sino naman, naprobok. Gagantit-gagantit.
01:43Makalipas ang apat na oras, natuntun si Alias Jovel na nagtaguraw sa mga bubong.
01:48Pusang loob naman siyang sumuko sa mga otoridad.
01:52Sabi ng isang saksi, dati nang may alitan ng dalawa matapos maging kasintahan noon ni Alias Jovel, ang naging kasintahan din ang biktima.
01:59Magselo siguro.
02:01Natagal na yan, nag-aalitan doon.
02:04Naharap sa reklamong homicide si Alias Jovel.
02:07Sino subukan pa namin siyang makuha na ng pahayag, gayon din ang pamilya ng biktima.
02:12Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
02:18Isang security guard ang nanghold up sa mismong bangko na binabantayan niya.
02:22At ang mga nahulikam na krimen sa pagtutok ni Darlene Cai.
02:29Abala sa trabaho ang mga empleyado ng bangkong ito sa iba zambales nang biglang lumapit ang gwardya nilang nakaduti.
02:35Pero maya-maya, bumunot siya ng baril at nagdeklara ng hold-up.
02:41Inutosan niya ang manager at mga empleyado na pumunta sa vault.
02:44Ginawa niya po yung 4,670,000 na pera sa vault.
02:50Then after that po, sumakay po siya ng tricycle.
02:52And nung makarating sa bandang Cusada Street, bigla na lang pong tumutok ng baril sa victim number 2.
02:59At dun po, tinangay na po ng tulo yan yung tricycle.
03:02Lunes nangyari ang pagnanakaw.
03:05Natagpuan kalauna ng polis siya ang inabandon ng tricycle.
03:08Habang ang suspect, inareso nitong Webes sa bayan ng Santa Cruz.
03:12Nag-report po yung isang waiter doon.
03:14Regarding nga po doon sa presence ng isang lalaki na naglalabas ng baril.
03:20Doon po, naaresto po yung ating suspect sa pangu-hold-up dito sa siyang bangko at yung pagkakarnap po.
03:28Nahaharap sa patong-patong na reklamo ang suspect na wala pang pahayag.
03:33Dalawang tindahan naman ang ninakawan sa Zambuanga City.
03:36Hulikam ang paglapit ng isang lalaki sa tindahan sa barangay Cabalway.
03:40Nagpanggap na bumili ang suspect pero pagtalikod ng tindero,
03:44dinukot at tinangay ng lalaki ang lalagyan ng pera na may lamang 1,500 pesos.
03:51Sa isang tindahan sa barangay Santa Maria,
03:54tinangay ang limang tray ng itlog na mahigit 1,000 piso ang halaga.
03:58Agad siyang tumakas sakay ng isang motorsiklo.
04:00Tinutugis ang dalawang suspect.
04:02Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai, nakatutok 24 oras.
04:13Sinimula na ng mauturidad ang pagsisilbi ng areswarat at sandigan bayan sa mga dawit
04:18sa mga kinurakot na flood control project.
04:21Isa sa mga pinuntahan ng mauturidad ang condominium unit ni dating Congressman Zaldico.
04:26Tinutukan niya ni Darlene Cai.
04:31Bit-bit ang arrest warrant.
04:33Pinuntahan ng warrant and sabina personnel ng Taguig Police
04:36ang bahay ni dating ako, Bicol Partilist Representative Zaldico,
04:40sa isang luxury condominium sa Taguig, Pasadolas 11, kaninang umaga.
04:43Pero wala silang inabutan doon.
04:45Sabi raw ng naka-duty na manager ng gusali,
04:48wala rawon si Ko at halos isang buwang selyado ang kanyang unit.
04:51Patuloy raw ang surveillance at monitoring efforts sa mga polis
04:54para hanapin at arestuhin si Ko.
04:57Kahapon, inilabas ang sandigan bayan ng mga arrest warrant laban kay Ko
05:00at labing limang iba pa mula sa DPWH at Sunwest Corporation
05:03na pagmamayari ng pamilya ni Ko.
05:05Para yan sa mga kasong malversation of public funds
05:08through falsification at two counts of graft
05:10para sa umunay substandard na 289 peso road-dike project
05:14sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
05:16Walang piyansa ang kasong malversation of public funds.
05:19Kasabay ng warrants,
05:21naglabas ng whole departure order ang sandigan bayan
05:24para sa lahat ng akusato.
05:25We released the warrants of arrest kahapon.
05:28It was received by the CIDG from the PNPC-CIDG.
05:31So we expect them to serve and implement yung warrants of arrest.
05:36Now, as ordered,
05:38they are mandated to bring the persons of the accused before the court.
05:43And then after ng yun.
05:45Hanggang ngayong hapon,
05:47wala pa raw natatanggap na impormasyon ng sandigan bayan
05:49na may dinampot na ang mga otoridad.
05:51We treat these cases like any other case.
05:54So ang presence namin dito sa Saturday is
05:56with or without pa itong mga flood control cases.
05:59Ito talaga yung regular duty namin.
06:03Sa isang mensay sa GMA Integrated News,
06:05sinabi ng abogado ni Zaldico na si Atty. Rui Rondain
06:08na nagtitiwala silang nasunod ang regular procedure
06:11para sa paglalabas ng arrest warrant.
06:13Aaksyonan at haharapin daw nila ito.
06:16Sinabi kahapon ng Interior Secretary John Vic Remulia
06:18na may impormasyon silang nasa Japan SICO
06:20sa nakalipas na mga araw.
06:22Sa isa namang pahayag,
06:24sinabi ng DILG na kumikilos na sila sa utos ng Pangulo
06:27kaugnay sa pag-aaresto sa mga akusado
06:29ng mga kasong may kaugnayan sa flood control projects.
06:32Inutusan na raw ng DILG ang PNP
06:34na ipatupad ang mga arrest warrant
06:36ng naaayon sa batas at due process.
06:40Para sa GMA Integrated News,
06:42Darlene Kay nakatutok 24 oras.
06:44May red notice na ang otoridad sa tinutugis
06:49na si Cassandra Lee Ong
06:50na wanted dahil sa kasong kaugnay
06:52sa Pogo Hub sa Porak, Pampanga.
06:55Ang pinakahuling impormasyon sa lokasyon ni Ong,
06:58sa Japan daw siya huling na-track noong Enero.
07:01Nakatutok si Bernadette Reyes.
07:02Ikinagulat kahapon ng mga senador
07:20ang impormasyong at large ngayon si Cassandra Lee Ong
07:24na may kasong qualified human trafficking
07:26kaugnay sa Lucky South 99 Pogo Hub sa Porak, Pampanga.
07:31Noong 19th Congress,
07:32nasa kustudiya ng Kamara si Ong
07:34matapos is-cite in contempt
07:36at dinala sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.
07:40December 2024,
07:42nilift ng kumite ang contempt orders kay Ong
07:45dahil sa kanyang medical condition
07:46kaya nakalaya siya.
07:48So they are duty-bound to release her.
07:51Otherwise, baka naman sila
07:52ang makasuhan ng arbitrary detention
07:54or ano pa ang mga ibang kasong
07:58paglabag sa krapatan ni Cassie Ong.
08:00Base sa record ng Presidential Anti-Organized Crime Commission
08:04o PAOC, huling na-track si Ong sa Japan noong Inero.
08:08Pero ngayon, hindi na raw alam kung nasaan si Ong.
08:11That we are not privy anymore.
08:13So ngayon, we have to backtrack everything with regards to her movement.
08:19Sabi ng PAOC, tanging Immigration Lookout Order para kay Ong
08:23ang meron noon at wala pang nakasampang kaso
08:26kaya pwede pa siyang makalabas ng bansa.
08:29Abril na isampang kasong qualified human trafficking sa korte
08:32sa Angeles, Pampanga, laban kay Ong.
08:35Pati kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque
08:38na tumulong para makakuha ng operating license
08:41ang Lucky South 99.
08:42Mayo naman na maglabas ang korte ng arrest warrant
08:45laban sa kanila.
08:46Sa ngayon, may red notice na laban kay Ong.
08:49Magko-collaborate po ang mga ahensya ng gobyerno
08:53sapagkat nakakalungkot nga po
08:56na nahihirapan tayong hanapin ngayon.
08:59Bakit importante ang kongreso dito?
09:01Sapagkat sila po ang huling may hawak
09:05kay Catherine Cassandra Lee Ong.
09:07Samantala, nag-apply na rin ang red notice
09:10ang pamahalaan laban kay Roque
09:12na kasalukuyang nasa The Netherlands
09:14at humihingi ng political asylum doon.
09:16Alam ni Mr. Roque at alam ni Cassie Lee Ong
09:19na yung kanilang negosyo ay instituted,
09:22incorporated for the purposes of conducting
09:25trafficking in persons.
09:27Kaya ahabulin po natin yung dalawang yun.
09:29Para sa GMA Integrated News,
09:31Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
09:34Inihimlay na sa libingan ng mga bayani
09:38si dating Presidential Legal Council
09:40at dating Senate President Juan Ponce Enrile.
09:43Mumuhos ang pagdadalamahati
09:44ng kanyang mga kaanak
09:45at ilang malapit na kaibigan.
09:47Dumalo rin ang ilang opisyal ng gobyerno.
09:50Bago ang libing,
09:51nagkaroon ng funeral mass
09:52sa Santuario de San Antonio Church
09:53sa Makati City.
09:55Nagsilbing Defense Minister si Enrile
09:57nung administrasyon
09:58ni dating Pangulong Marcos Sr.
10:01at dating Pangulong Cory Aquino
10:02Sa isang pahayag,
10:04kinundinan ang grupong SELDA
10:05ang Heroes Burial kay Enrile
10:07dahil sa naging papel niya
10:09sa paglalatag ng Martial Law
10:10kung kailan libo-libo ang namatay
10:12at nawala.
10:18Nakapulupot pa sa isa't isa
10:21ang tatlong mahahabang sawa
10:25na tumambad sa mga taga-barangay
10:26si Kalao sa Lasam, Cagayan
10:28na kuha rin ang isang malaking igat o eel.
10:31Ayon sa uploader ng video
10:33na bulabog ang mga hayop
10:35ng excavator
10:36sa ginagawang flood control project
10:38na matay ang isa sa mga sawa
10:40matapos tamaan ang bucket
10:42ng excavator.
10:45Nagpapagaling sa ospital
10:46ang isang lalaking minor de edad
10:47sa Maynila
10:48matapos gulpihin at saksakin
10:50ng dalawang kapwa minor de edad.
10:53Nakatutok si Bea Pinla.
10:54Ang tila normal na gabi
11:01sa labas ng isang computer shop
11:02sa barangay 164, Tondo, Maynila
11:04Nauwi sa gulo
11:11ng pagtulungang bugbugin
11:13ng dalawang minor de edad
11:14ang kapwa minor de edad
11:16na lalaking ito.
11:17Ang isa,
11:18sinunggaban pa sa leeg
11:20ang biktima
11:20habang pinagsusuntok ito
11:22ng kasabwat niya.
11:23Hindi na gaano
11:24na hagip sa CCTV
11:25ang sumunod na nangyari.
11:27Pero kita ng tila
11:28mapansin na ng biktima
11:29na pinagsasaksak na pala
11:31siya sa likod.
11:32Yung biktima ko natin
11:34pumiglas
11:35hanggang sa napasubsob po.
11:37Ngayon,
11:37nung napasubsob,
11:38nagkataon naman
11:39nakita niya na
11:40bumunod ng balisong
11:41yung suspect 1 natin,
11:43yung CICL 1 po natin
11:44hanggang sa pinagsasaksak po siya.
11:46Ang tama niya po sa likod eh.
11:47Aanim po.
11:48Tumakbot ang mga nanggulpin
11:50na itinuturing na
11:50Children in Conflict with the Law
11:52o CICL.
11:54Ang pinagugatan ng krimen,
11:56nakaalitan umano
11:57ng kamag-anak ng biktima
11:58ang kapatid
11:59ng nananaksak.
12:00Sinitan ng biktima.
12:02Ngayon,
12:03yung nakaalitan
12:03ng kamag-anak niya
12:04na bata,
12:06nagsumbong sa kuya niya.
12:07Ngayon,
12:08yung kuya niya ho,
12:09may kasamang
12:10minor na edad din
12:11kung mag-a-romes back
12:12doon sa biktima.
12:14Nagpapagaling sa ospital
12:16ang 16-anyos
12:17na biktima.
12:18Nahuli naman
12:18sa follow-up operation
12:19ang 15-anyos
12:21na nanunggab
12:21sa biktima
12:22habang patuloy
12:23na hinahanap
12:24ang 16-anyos
12:25na nanaksak.
12:27Sasampahan sila
12:27ng reklamang
12:28frustrated murder
12:29bago i-turnover
12:30sa DSWD.
12:32Para sa GMA Integrated News,
12:34Bea Pinlak,
12:35nakatutok 24 oras.
12:39Ipiradeport na ang
12:4023 Chinese nationals
12:43na hinuli rito sa bansa
12:44dahil sa mga iligal na aktividad.
12:46Ayon sa Bureau of Immigration,
12:47sangkot ang mga
12:48dinaport na Chino
12:48sa illegal pogo
12:50activities at cyber fraud.
12:52Wanted din daw sila
12:53sa kanilang bansa.
12:54Nito,
12:54Oktubre na isa batas
12:55ng anti-pogo law.
12:57Kasunod po ito
12:58ng anunsyon
12:58ni Pangulong Bobo Marcos
12:59sa kanyang
13:00State of the Nation
13:00address noong 2024
13:02na tuluyan
13:03ang ipagbabawal
13:04ang mga pogo
13:05sa bansa.
13:08Maximum security camp
13:10ang pagdadalhan
13:11kay dating babantarlak
13:12Mayor Alice Guo.
13:13Oras na ilipat siya
13:14sa Correctional Institution
13:15for Women
13:16sa Mandaluyong.
13:17Sa isang panayan,
13:18Superadio DZBB,
13:19sinabi ni Bureau of Corrections
13:21Director General
13:21Gregorio Catapang Jr.
13:23na isa sa ilalim
13:24muna si Guo
13:25sa medical examination
13:26at limang araw
13:27na quarantine
13:27bago siya dalhin
13:29sa maximum security camp.
13:31Nag-deploy na rao
13:32ng dagdag na team
13:32ang correctional
13:33para tiyakin
13:34ang kaligtasan ni Guo.
13:35Iniutos ang Pasig Regional
13:37Trial Court
13:38na dalhin sa correctional
13:39si Guo
13:40matapos sentensya
13:41ang makulong
13:42ng habang buhay
13:43dahil sa qualified
13:44human trafficking
13:45kaugnay sa Pogo
13:46Habsabamban.
13:48Inaapila yan
13:48ng kampo ni Guo
13:50na hinihiling
13:51na manatili siya
13:51sa Pasig City Jail
13:53Female Dormitory.
13:55Sa November 26,
13:56nakatakdang dinggi
13:57ng korte
13:57ang mosyo ni Guo.
13:59Maraming bata
14:09at kids at heart
14:10ang nahumaling
14:10sa hobby na ito.
14:12Mga scale model
14:12ng kotse at sasakyan
14:13na pinapatakbo
14:14gamit ang remote control.
14:16Mga RC
14:17o remote control cars.
14:18Sa cafe na ito
14:19sa Cebu City,
14:20may samutsaring RC cars
14:21na pwedeng krentahan.
14:23May pickup,
14:24truck,
14:24pati na back home.
14:26Ang mga RC car
14:27pwedeng patakbuhin
14:28sa binuuni
14:28ng mini construction site.
14:30Paandar!
14:31Yung may-ari,
14:32mahilig din siya
14:32sa mga RCs.
14:35Yung misis niya,
14:36mahilig din sa cafe.
14:37So pinaghalo nila
14:39kaya nabuo yung concept.
14:40Ang goal talaga
14:41ng may-ari
14:42para magkaroon din
14:44ng bonding
14:44yung family.
14:46Pag nasa bahay lang,
14:48puro na lang
14:48mobile phones
14:50ang hawak.
14:50So minsan
14:51hindi nagkakausap.
14:52At least dito,
14:53habang kayo nang lalaro,
14:55nagkakausap tayo.
14:56It's a must.
14:57Kasi hindi lang
14:58yung mga kids
14:59mag-i-enjoy,
15:00pati rin
15:00mga parents.
15:02So,
15:02it's a win-win.
15:03Maraming mga pupunta rito.
15:05Hindi lang naman
15:05Pilipino,
15:06may mga foreigner
15:07din na pumapusay.
15:08Pero paano nga ba
15:09napapaandar
15:10ng mga remote control
15:11ang mga sasakyang ito?
15:11Ang mga RC car
15:16ay gumagana
15:16gamit ang remote control
15:17o transmitter
15:18na nagpapadala
15:19ng signal
15:19papunta sa kotse.
15:21Sa noob ng kotse,
15:22may receiver
15:22na tumatanggap ng signal
15:23at kumokontrol
15:24sa motor at servo nito.
15:26Alam niyo ba
15:26ng mga RC cars
15:27unang humarurot
15:28noong 1960s?
15:30Nang naimbento
15:30noong 1966
15:31ng Italian electronics company
15:33na Electronica
15:34Giacotoli
15:35ang pinakaunang RC car
15:36sa mundo.
15:37Ang nitro-powered
15:38Ferrari 250 LM.
15:40Noong dekada 70 naman,
15:41nagsilabasa
15:42ng mga scale model
15:43o mas malilit na bersyon
15:44ng mga RC cars.
15:45Ito nagsimulang nauso
15:46ang mga RC cars
15:47bilang hobby.
15:49Ngayon,
15:49iba't ibang klase
15:50sa sakya na
15:50ang pwedeng kontrolin
15:51ng mga remote control
15:52na nagdadala ng ngiti
15:53sa mga bata
15:54at mga kids at heart.
15:56Laging tandaan,
15:58ang buhay
15:58parang RC car lang din.
16:00Kailangan marunong
16:01kang magkontrol
16:01para ikaimusan.
16:03Ito po si Kuya Kim
16:04at sagot ko kayo,
16:0624 hours.
16:08Sabay sa National Bike Day
16:10ngayon,
16:11ang pagpedal
16:11ng mga siklista
16:12para ipanawagang
16:14panagutin
16:15ang mga kurakot.
16:23Mula
16:24Quezon City Hall,
16:25sama-samang pumadyak
16:26ang mga siklista
16:27hanggang sa liwasang
16:27bonifacio sa Maynila
16:29kung saan nagdaos
16:30ng isang mixing programa.
16:32Ayon sa organizer,
16:33apektado ng korupsyon
16:34ang cycling community
16:35dahil sa bulsa
16:37ng mga korup
16:37napupunta
16:38ang pondo
16:38mula sa kamban
16:39ng bayan
16:40na dapat sana
16:41inailaan
16:42sa pagtiriyak
16:42na ligtas
16:43ang mga kalsada
16:44at bangketa
16:44para sa mga pedestrian
16:46at siklista.
16:56Mafo Fall in Love
16:57ka not once
16:58but twice
16:59sa ganda
16:59ng nahulugan fall
17:00sa Catanduanes
17:01na talaga namang
17:02binabalik-balikan
17:03ng mga turista.
17:04Pasyala natin yan
17:05sa pagtutok
17:06na ito.
17:10Hitik sa mga
17:11nagagandahang atraksyon
17:12ang probinsya
17:13ng Catanduanes
17:14at may isa rito
17:15na binabalik-balikan
17:16ng mga turista.
17:21Kumandang mahulog
17:22sa ganda
17:23ng nahulugan falls
17:24sa bayan
17:25ng Higmoto.
17:26Ito po talaga
17:27yung dinadayong lugar
17:28dito sa Higmoto
17:29kasi isa po ito
17:30sa pinakamagandang
17:31falls dito.
17:34Hindi lang
17:34ang 60 meters
17:35na taas
17:36ng talon
17:36ang espesyal dito
17:38kaya binabalik-balikan.
17:40Ang malamig na tubig
17:52na papalibutan
17:53ng mga puno
17:53para sa extra
17:54refreshing feels.
17:56Sa halagang 10 pesos lang
17:57pwede mo nang ma-enjoy
17:58ang nakulugan falls.
18:00Lalo na lokal
18:00na pamahalaan
18:01ng Higmoto
18:01na ayusin ang lugar
18:03para makaakit
18:04ng turista
18:04at makatulong
18:05sa turismo ng bayan.
18:07O saan tayo
18:08sa susunod na pasyal
18:09o food trip?
18:11I-share nyo
18:11sa BD 4 Horas
18:12Weekend page
18:13ang inyong travel
18:14at food adventures.
18:23Reunited
18:23sa upcoming
18:24kapuso drama
18:25and musical series
18:26na Born to Shine
18:27si na Sparkle star
18:28Michael Sager
18:29at Stephanie.
18:30Si Michael
18:31ibinahagi rin
18:31ang kanyang excitement
18:32para sa housemates
18:33ng PBB Celebrity Collab
18:35Edition 2.0
18:36na nasa loob
18:37ng bahay ni Kuya ngayon.
18:39Narito ang aking sika.
18:43Proud ang
18:44ex-PBBB Celebrity Collab
18:46housemate
18:46na si Michael Sager
18:47sa current housemates
18:49ng PBB Celebrity Collab
18:51Edition 2.0.
18:53Exciting daw
18:53na makita
18:54ang celebrity housemates
18:55in their true
18:56authentic selves.
18:58O,
18:59nagkakainlaban na sila
19:00dun eh.
19:04Natutuwa lang ako
19:05kasi siguro yung experience
19:06talaga nila.
19:07Yun yung sinasabi ko
19:08sa kanila
19:08na mararamdaman nyo lang
19:10pag nasa bahay
19:10kay ni Kuya.
19:11It's the magic
19:11inside the house.
19:12And for them,
19:13honestly,
19:13enjoy it lang.
19:15Tingin ni Michael,
19:16challenging para sa
19:17Collab 2.0
19:18housemates
19:19na magpapasko
19:20at magbagong taon
19:22sila sa bahay
19:22ni Kuya.
19:24Alam nyo po,
19:25parang lagi nilang sinasabi,
19:26parang kawawa
19:27yung mga housemates.
19:28Pero for me,
19:29if you put it in
19:29another perspective,
19:30siguro,
19:31ang saya rin na
19:32once in a lifetime
19:33ma-experience
19:33magpasko
19:34sa bahay
19:34ni Kuya.
19:35Uy, sige,
19:37tara.
19:38Promise.
19:42Naku,
19:43gusto ko pa pumasok
19:44as house challenge
19:45ulit.
19:46Bibida si Michael
19:47sa upcoming kapuso
19:48drama and musical
19:49series na
19:50Born to Shine
19:51kasama si Stephanie.
19:53Makakasama nila
19:54ang ilang batikang
19:55mga artista
19:55at ma-stretch
19:57ang kanilang
19:58singing and acting
19:59talents.
20:01More than
20:02the project itself,
20:03sobra excited po ako
20:04dun sa magiging
20:05relationship namin
20:06off-cam,
20:08yung mabibuild po talaga.
20:09So, yun,
20:09so excited.
20:16Rambam po sa ilang
20:17probinsya
20:17ang perwisyon
20:18na masamang panahon.
20:26Gumuho ang lupa
20:27na may kasamang
20:28mga tipak ng bato
20:29sa barangay Pivera
20:30sa Viga Catanduanes
20:31kanina.
20:32Yan ay matapos
20:33ng mga naranasang
20:34pagulan doon.
20:35Pansamantalang,
20:36hindi madadaanan
20:37ang mga motorista
20:37ang kasada
20:38habang patuloy
20:39ang clearing operation
20:40ng mga otoridad.
20:42Wala namang
20:42naitalang nasaktan
20:43o nasawi
20:44sa insidente.
20:46Sinagip naman
20:47na isang lolo
20:48sa Sanchez Mira,
20:49Cagayan.
20:50Sa gitna po yan
20:51ang tumataas
20:51na tubig baha.
20:53Tatlong barangay
20:53sa bayan
20:54ang binaha
20:54dahil sa malakas
20:55na pagulan
20:56kahapon.
20:57Nagpatupad na
20:58ng forced evacuation
20:59dahil sa pag-apaw
21:00ng sapah.
21:01Sa ngayon,
21:02humuhupa ng baha
21:03at bumalik
21:04sa bahay
21:05ang mga lumikas.
21:08Fighter jet
21:09ng India
21:10bumulusok
21:10sa airshow
21:11sa Dubai.
21:12Sa Vietnam
21:13naman,
21:13mahigit limampu
21:14ang nasawi
21:14sa malawak
21:15ang pagbaha.
21:16Ang mga balita
21:17abroad
21:18sa pagtutok
21:18ni Darlene Cai.
21:23Halos sumabot
21:24na sa bubong
21:24ng mga sasakyan
21:25ang taas
21:25ng bahang
21:26tumambad
21:26sa mga residente
21:27sa Central Vietnam.
21:28Ayon sa mga eksperto
21:29sa Vietnam,
21:30ang pagbaha
21:31ay dulot
21:31ng walang patid
21:32na pagulan
21:33bunsod
21:33ng northeasterly
21:34at easterly winds.
21:36Pinalala pa
21:37ang mga ulan
21:37ng hangin
21:38mula sa dagat
21:38at ng high
21:39atmospheric pressure
21:40sa Pacific Ocean.
21:42Sa tala
21:42ng mga otoridad,
21:43umakyat
21:44na sa 55
21:45ang nasawi
21:46at 13
21:46ang hinahanap.
21:48Sa Gyalay Province,
21:50halos umabot
21:50sa bubong
21:51ng mga bahay
21:52ang taas
21:52ng baha.
21:53Malakas na ragasa
21:54ng bahang
21:54sumalubong
21:55sa mga rescuer
21:56ng Canhoa Province.
21:57Ayon sa Vietnam
21:58Disaster Agency,
22:00mahigit 200 bahay
22:01ang atektado
22:02ng baha.
22:08Nabalot
22:09ng makapal
22:09na usok
22:10at apoy
22:10ang bahagi
22:11ng runway
22:11sa huling araw
22:12ng Dubai Airshow
22:13dahil sa pagbagsak
22:15ng isang fighter jet
22:16ng India.
22:17Ayon sa isa
22:18sa mga manonood,
22:19nasa siyam na minuto
22:20lang nasa himpapawid
22:21ang fighter jet
22:21bago ito bumagsak
22:22sa lupa.
22:23Kinumpirma
22:23ng Indian Air Force
22:25na nasawi
22:25ang piloto nito.
22:27Iniimbestigahan
22:27na ang sanhin
22:28ng disgrasya.
22:31Sumiklab
22:32ang sunog
22:32sa venue
22:33ng COP30
22:34o 30th
22:35United Nation
22:36Conference of Party
22:37sa Brazil.
22:38Sa kuha
22:38ng CCTV,
22:39kita ang mabilis
22:40na pagkalat
22:41ng apoy
22:41sa isa
22:42sa mga pavilyon.
22:43Agad
22:43na pinalikas
22:44ang libo-libong delegado
22:45sa venue.
22:46Wala namang naitalang
22:47nasugatan sa insidente.
22:49Ang COP30
22:50ang pinakamalaking
22:51pagtitipon
22:51para talakayin
22:52ang epekto
22:53ng climate change.
22:54Pero naka-deadlock
22:55ang mga bansa
22:56dahil hindi magkasundo
22:58kung paano tutugunan
22:59ng pagdepende
23:00sa fossil fuels
23:01para mabawasan
23:02ng greenhouse gases.
23:04Para sa GMA Integrated News,
23:06Darlene Kay
23:06nakatutok 24 oras.
23:10Apat na weather systems
23:12ang magpapaulan
23:13sa iba't ibang bahagi
23:13ng bansa bukas.
23:15Ayon sa pag-asa,
23:16magdadala ng pagulan
23:17ng Intertropical Convergence Zone
23:18o ITCZ
23:19sa ilang bahagi
23:20ng Visayas
23:21at Mindanao.
23:22Ang shearline naman
23:23umiiral sa Cordillera
23:24Administrative Region
23:25at Cagayan Valley.
23:27Apektado rin ang amiha
23:28ng East Release
23:29at ilang pang bahagi
23:31ng Luzon.
23:32Sa datos ng Metro Weather,
23:33bago magtanghali bukas,
23:34magsisimula ng umulan
23:35sa ilang bahagi
23:36ng Cagayan Valley,
23:37Calabar Zone,
23:38Mimaropa
23:38at Bicol Region.
23:40Kalat-kalat na pagulan naman
23:41ang mararanasan simula
23:43bukas ng umaga
23:44sa Mindanao.
23:45Pero pagdating ng hapon,
23:46halos buong Visayas
23:47at Mindanao na
23:48ang uulanin.
23:50Sa Metro Manila naman,
23:51di rin inaalis
23:52ang tsansa na ulan
23:53sa nadala naman
23:54ng localized thunderstorms.
23:59Mga tapos maglabas
24:04ng mga arrest warrant
24:05laban kay Zaldico,
24:07mga taga DPWH
24:08at SunWest Inc.,
24:10pinuntahan ng NBI Organized
24:12and Transnational Crime Division
24:13ang mga bahay
24:14ng ilan sa mga akusado.
24:17Nakatutok
24:17si Von Aquino.
24:22Matapos ilabas
24:23ng 5th, 6th,
24:24at 7th Division
24:25ng Sandigan Bayan,
24:26ang mga arrest warrant
24:28laban kay dating
24:28Congressman Zaldico
24:30at mga opisyal
24:30ng DPWH
24:31Mimaropa
24:32at SunWest.
24:33Agad na nagkasan
24:34ang operasyon
24:35ng NBI Organized
24:36and Transnational Crime Division
24:38na nagpunta
24:39sa noon address
24:39ng mga ito.
24:41Pinuntahan na gabi
24:42ng NBI OTCD
24:43ang bahay
24:44ng akusadong
24:45si Timohen Sakar
24:46na engineer
24:47ng DPWH
24:48Mimaropa.
24:48Pero hindi rin
24:49siya dinatnan doon.
24:51Napag-alaman
24:52ang mga otoridad
24:52sa caretaker
24:53ng property
24:54na lumipat
24:55na umano
24:55si Sakar
24:56nitong Hulyo
24:57o Agosto.
24:59Pinuntahan din nila
24:59ang bahay
25:00sa Quezon City
25:01ng akusadong
25:01si Dominic
25:02Gregorio Serrano,
25:04Construction Division
25:05Chief
25:05ng DPWH
25:06Mimaropa.
25:07Kasambahay lang nito
25:08ang kanilang
25:09nakausap
25:09na nagsabing
25:10hindi na umano
25:11ito masyadong
25:12umuwi.
25:13Ngayong hapon,
25:14tinungo ng NBI
25:15ang opisina
25:17ng DPWH
25:18Mimaropa
25:18sa Diliman,
25:19Quezon City
25:20para isilbi
25:21ang warrant of arrest
25:22kinadating
25:22DPWH
25:23Mimaropa
25:24Regional Director
25:25Gerald Pakanan
25:26at Maintenance
25:27Division Chief
25:28Engineer
25:28Juliet Cabungan Calvo.
25:30Kasama ang DPWH
25:32security personnel,
25:33ininspeksyon nila
25:34ang quarters
25:34ng mga nasabing
25:35opisyal
25:36pero wala roon
25:37si Napakanan
25:38at Calvo.
25:39Ayon kay NBI
25:40OIC Director
25:41Angelito Magno,
25:42patuloy
25:43ang pagsisilbi
25:43nila ng warrant
25:44of arrest
25:45sa mga address
25:46ng mga wanted.
25:47Bine-verify din nila
25:48kung nasa Pilipinas pa sila.
25:50Piniyak din ng NBI
25:51na handa silang ilagay
25:53sa kanilang kustodya
25:54mga kusado
25:54ng ligtas
25:56at naayon sa batas.
25:57Mas makakabuti
25:59kung sila ay
25:59sumurender na rin
26:01para mas
26:03maging
26:04maayos
26:06ang
26:06pagsuko nila
26:10at
26:11at least
26:12kung makasuko sila
26:13the court will
26:13acquire jurisdiction
26:14and the sooner
26:15maka-acquire
26:16ang jurisdiction
26:17sa kanila
26:17the faster
26:18the case
26:19will move on.
26:20Para sa
26:21GMA Integrated News
26:22Von Aquino
26:23nakatutok
26:2324 oras.
26:26Kaugnay na ang paglalabas
26:27sa Sandigan Bayan
26:28ng arrest warrant
26:29para sa mga kusado
26:30sa mga kaso
26:31kaugnay
26:31ng flood control
26:32projects
26:32sabi ni
26:33Independent Commission
26:34for Infrastructure
26:35Spokesperson
26:36Attorney Brian
26:37Hosaka
26:37Pudyat ito
26:38nang simula
26:39ng proseso
26:40para makamit
26:40ang hustisya.
26:42Pwede rin daw
26:42itong gawing basihan
26:43para mapauwi
26:45at mapaharap
26:45sa korte
26:46ang mga isinasangkot.
26:48Pinangangambahan
26:51ang pagtaas
26:51ng kaso
26:52ng sakit
26:52na dengue
26:53at leptospirosis
26:54kasunod
26:54ng mga pagbahang
26:55dulot
26:56na magkasunod
26:57na bagyo.
26:58Nakatutok
26:58si Femarie Dumabok
27:00ng GMA Regional TV.
27:08Bago tumama
27:09ang bagyong tino
27:10at bagyong uwan
27:10na nagdulot
27:11ng malawakang pagbaha
27:12sa iba't ibang
27:13rehyon sa bansa,
27:15bumaba ng 8%
27:16ang naitalang
27:17bilang ng kaso
27:18ng dengue.
27:19Ayon sa Department of Health,
27:21mulang mahigit
27:2115,000 kaso
27:23noong huling linggo
27:23ng Setiembre
27:24hanggang unang linggo
27:26ng Oktobre.
27:27Bumaba ito
27:27sa mahigit
27:2814,000
27:29mula
27:29October 12
27:30hanggang
27:30October 25.
27:32Paghupa ng baha,
27:33pinangangambahan
27:34ngayon
27:35ang pagtaas
27:36ng kaso
27:36ng dengue
27:37at leptospirosis.
27:39Sa barangay
27:39sa Nicholas Proper
27:40sa Cebu City,
27:42nasawi
27:42ang isang babaeng
27:436 na taong gulang
27:44dahil sa dengue.
27:46Nagpapagaling
27:47din ngayon
27:47sa ospital
27:48ang labing
27:48apat na taong
27:49gulang na babae
27:50na tinamaan
27:51ng sakit.
27:52Nagsagawa na
27:53ng misting
27:53operations
27:54ang Talisay
27:55City Health
27:55Office
27:56sa tatlong
27:56lugar sa lungsod.
27:58May mga
27:58hindi para
27:59humuhupa
28:00na baharoon
28:00at patuloy
28:01ang clearing
28:02operation.
28:03May bantari
28:04ng
28:04leptospirosis.
28:06Sa pinakawling
28:06datos ng
28:07Provincial Health
28:08Office,
28:09pito na
28:09ang nasasawi
28:10sa sakit.
28:11Nasa mahigit
28:12isandaan
28:13ang suspected
28:13cases
28:14sa buong
28:14probinsya.
28:15Sa sa ilalim
28:16pa raw
28:17ang mga ito
28:17sa confirmatory
28:18test.
28:19Nagtatag na
28:19ang LGU
28:20ng Task Force
28:21Lipto Spirosis
28:22bilang paghahanda.
28:24Wala pang
28:24pahayag
28:24ang DUH
28:25tungkol sa
28:25kaso
28:26ng
28:26Lipto Spirosis.
28:27Para sa
28:29GMA Integrated
28:30News,
28:31Femarie
28:32Dumabok
28:33nakatutok
28:3424 oras.
28:37Sa kabila
28:38ng paulit-ulit
28:39na paalala
28:39ng motoridad,
28:40marami pa rin
28:40namamataang
28:41kumaparada
28:42sa kabaan
28:42ng Chino Roses
28:43Avenue
28:43sa Makati
28:44at Taguig.
28:45Magaman
28:45maluwagad
28:46traffic.
28:47Namataan
28:47ng GMA
28:47Integrated
28:48News
28:48sa mailang
28:48privado
28:49at pampublikong
28:50sasakyang
28:50nakahinto
28:51sa gilid
28:51ng kalsada.
28:53Sa harap
28:53mismo ng
28:53isang
28:54police station,
28:55may mga
28:55motor
28:56nakaparada
28:56sa kalsada
28:57at mangketa.
28:59May naglilinis
28:59pa ng motorsiklo.
29:01May mga
29:01nagtitinda
29:02ng pagkain
29:03sa gilid
29:03ng kalsada.
29:04Walang
29:05otoridad
29:05na nagbabantay
29:06doon kanina
29:06pero dati
29:07na silang
29:07nagpaalala
29:08na bawal
29:08pumarada
29:09o maglagay
29:09ng anumang
29:10sagabal
29:11sa naturang
29:12kalsada.
29:13Ayon sa
29:13barangay
29:13Magallanes
29:14sa Makati
29:14na nakakasakop
29:16sa bahagi
29:16ng Chino Roses,
29:17inatasan nila
29:17ang kanilang
29:18mga tauhan
29:18na imonitor
29:19ang traffic
29:20roon.
29:21Araw-araw
29:21daw nilang
29:26inatasan nila
29:28ang kanilang
29:28mga tanod
29:29na bantayan
29:29ang bahagi
29:30ng Chino Roses
29:31na sakop
29:31ng kanilang
29:32barangay.
29:33Karaniwan
29:34daw nilang
29:34problema
29:34ang mga
29:35pumaparada
29:36para mananghalian
29:37sa mga
29:37nagtitinda
29:38sa bangketa.
29:41Mga kapuso,
29:4333 tulog
29:44na lang.
29:45Pasko na!
29:46Pinailawan
29:47ang higanting
29:47Christmas tree
29:48na gawa
29:49sa recycled
29:49materials
29:50sa Valencia
29:51Negros Oriental.
29:52At gawa
29:53naman
29:53sa mga
29:54nakumpiskang
29:54tambucho
29:55ang Christmas tree
29:56at Valencia
29:57sa Sagay City
29:58Negros Occidental.
29:59Narito
30:00ang report.
30:015,
30:024,
30:043,
30:052,
30:071!
30:08Ready na
30:09sa Pasko
30:09ang Valencia
30:10Negros Oriental.
30:12Sinindihan
30:12na ang kanilang
30:13higanting
30:13Christmas tree
30:14at ang kalangitan
30:15pinakinang
30:16ng makulay
30:16na fireworks.
30:18Ang Christmas tree
30:18na may taas
30:19na 35
30:19tanampakan
30:20gawa
30:21sa recycled
30:21materials.
30:22Ang mga
30:22pailaw
30:23ay may
30:23disenyong
30:24music
30:24icons.
30:25Ayon sa Municipal
30:26Tourism Office,
30:27paraan nila ito
30:28para pagkaanin
30:29ang loob
30:29ng mga residente
30:30sa gitna
30:31na may issue
30:31sa katiwalian
30:32at mga
30:32naganap
30:33na kalamidad.
30:35At speaking
30:35of recycled,
30:36may ibubuga
30:37rin daw
30:37ang Christmas tree
30:38at Valencia
30:39sa Sagay City
30:39Negros Occidental
30:40na gawa
30:41sa mga
30:41tambucho.
30:43Ayon sa Sagay City
30:44Police,
30:44mula ito
30:45sa nakupings
30:45kanilang
30:46may hit
30:46200
30:46tambucho.
30:48Nagsisilbi
30:48raw itong
30:49paalala
30:49ng kanilang
30:49kampanya
30:50contra
30:50illegal
30:51mufflers.
30:51Nagliwanag
30:55ang mga disenyo
30:55bituin
30:56na buksan
30:56ng higanteng
30:57Christmas tree
30:57ng San Jose City
30:58in Nueva Ecija.
30:59Tampok din doon
31:00ang kanilang
31:00life-sized Belen.
31:02Nagningning din
31:02ang iba pang
31:03makukulay na ilaw
31:04at Christmas display
31:05na nagbigay
31:06saya sa mga residente.
31:07May libreng palabas din
31:14para sa mga bata
31:15at night market
31:16para sa food trip.
31:27At yun po
31:28ang mga balita ngayon
31:29Sabado
31:29para sa mas malaki
31:30ni Sean
31:31at mas malawak
31:32na paglilingkod
31:33sa bayan.
31:34Ako po si Pia Arcangel.
31:35Ako po si Ivan Mayrina
31:37mula sa GM Integrated News
31:38ang News Authority
31:39ng Pilipino.
31:41Nakatoto kami
31:4124 horas.
Recommended
35:29
39:18
33:55
56:15
39:52
35:55
37:14
28:33
46:45
39:47
23:26
38:18
20:49
54:09
Be the first to comment