00:00Iniharap sa camera ng ilang civil society organization ang review o pagsusuri nila sa panukalang 2026 national budget,
00:08kabilang sa pinangangambahan nila ang lumulobong utang ng Pilipinas.
00:12Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:17Sa kauna-unahang pagkakataon, iprinisinta ng ilang civil society organization sa House Committee on Appropriations
00:24ang kanilang People's Budget Review sa panukalang 2026 budget.
00:29Sabi nila, kulang ang alokasyon sa mga pangunahing serbisyo at pangangailangan gaya ng edukasyon at agrikultura.
00:37Halimbawa, 25.4 billion pesos lang daw ang inilaan para sa pagpapatayo ng mga classroom.
00:44Bisapat para mapunuan ang kakulangan sa classroom na ayon sa Center for People Empowerment in Governance o CENTEC ay nasa 200,000 na.
00:53Ang dating 12 billion pesos naman daw para sa textbooks at instructional materials, naging 11 billion na lang.
01:00In 2026, for every 100 pesos, only 38 pesos is left for actual programs and projects after mandatory expenses.
01:11This means fewer resources for health, education, labor, mobility, and social protection.
01:17We urge Congress to cut pork, waste, and abuse so that more funds can go with the lifeline services.
01:24Madali pa rin mauwi ang pondo sa pork barrel, confidential funds, at mga proyektong nagsisilbilang sa interes ng iilan.
01:33Nababahala rin ang mga civil society organization sa lumulobong utang ng bansa.
01:38We express concern that the national debt is projected to reach 19 trillion pesos with debt servicing alone consuming approximately 14.4% of the total appropriations.
01:57A trend demanding immediate policy action.
02:00Wala naman pong masamang mag-utang kung ang ating inuutang ay mapupunta sa mga produktibong paraan.
02:08At nakikita natin na may kakayahan naman tayo na magbayad, pero sa nakikita po natin,
02:14ang National Expenditure Program is just like borrowing from one credit card to pay for another credit card.
02:23That is bad news to financial management.
02:27Panawagan ng mga CSO, mas aktibong partisipasyon nila sa budget process para mas masigurong mapupunta sa tama ang pondo.
02:36Ayon sa House Committee on Appropriations, linggo-linggong gagawin ang People's Budget Review
02:41at makakapagtanong na rin ang mga civil society organizations sa budget briefing sa pamamagitan ng mga vice chairperson ng kumite.
02:49They could send their questions 24 hours ahead so we can ask the vice chairperson of the Committee on Appropriations sponsoring that particular agency
02:59or presiding over that particular committee hearing to be the ones asking the questions.
03:04In the future, kung it is a very valid suggestion that the committee can consider yung mga institutional changes or amendments
03:13para mas lalong maging maganda at effective yung ating budget.
03:18Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto 24 Horas.
Comments