Skip to playerSkip to main content
Sabay sa pagdiriwang ng 75 taong ugnayan ng Pilipinas at India ang makasaysayang pagbisita roon ni Pangulong Bongbong Marcos. Maraming kooperasyon ang inaasahang maseselyohan ng dalawang bansa kabilang sa usaping pang-ekonomiya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sabay sa pagdiriwang ng 75 taong ugnayan ng Pilipinas at India,
00:04ang makasaysayang pagbisita roon ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:08Maraming kooperasyon ang inaasahang masaselyuhan ng dalawang bansa,
00:11kabilang sa usaping pang-ekonomiya mula po sa New Delhi sa India.
00:16Nakatutok live si Salima Refresh, Sam.
00:23Emil, namaste dyan sa inyo sa Pilipinas.
00:26Pasado alas 4 ng hapon dito sa New Delhi sa India,
00:30kung saan sinimula ni Pangulong Bongbong Marcos ang ganyang limang araw na state visit dito sa India.
00:40Pasado alas 2 ng hapon, nagdumating sa Palam Air Base dito sa New Delhi ang Pangulo.
00:46Sinalubong siya ng Indian Minister of State for External Affairs at iba pang matataas opisyal ng India
00:52bilang panimula sa limang araw na state visit ng Pangulo.
00:55Bago tumulak pa India, binigyang diin ng Pangulo ang ugnayan ngayon ng dalawang bansa sa maritime defense
01:02at pagkakapareho ng mga strategic interests.
01:06Sinabi ito ng Pangulo sa huling araw ng Joint Maritime Patrol ng Pilipinas at India sa West Philippine Sea.
01:12Our geostrategic position as coastal states that border the busiest international trade routes,
01:19our steadfastness in upholding international maritime law,
01:22and our unwavering commitment to regional peace and cooperation
01:28serve as a credible foundation of our active and growing maritime cooperation.
01:34Maraming kooperasyon sa pangangalakal, ekonomiya, teknolohiya, kalusuga, agrikultura, turismo at iba pa
01:42ang inaasang masaselyuhan sa state visit na ito.
01:46I want this visit to bring concrete benefits to the people such as more affordable medicine and greater connectivity and food security.
01:55Makasaysayan ang state visit na ito sa India ng Pangulong Marcos Jr.,
01:59lalo't pinagdiriwang ang 75 taong kooperasyon at pagkakaibigan ng Pilipinas at India.
02:05Inaasama pagtitibay pa ang ugnayan na yan sa mga kasunduang pipirmahan ng dalawang bansa.
02:10It's already the fourth largest economy in the world.
02:13It will be a 5 trillion economy estimated around 2027.
02:17It's a high technology country.
02:19Sabi ni Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez,
02:23Pag-uusapan ng Pangulo at ng kanyang gabinete,
02:26ang rekomendasyon ng Department of Agriculture na itigil muna ang importasyon ng bigas at itaas ang taripa para dito.
02:38Emila, ayon nga kay Agriculture Secretary Francisco Turo Laurel,
02:42nasa 35% yung rekomendasyon nilang ang increase sa taripa sa imported rice.
02:47Pero hahati-hatiin daw yan sa ilang tranche.
02:50Samantala ngayong gabi naman ay makikipagkita ang Pangulo sa Filipino community dito sa New Delhi.
02:56Bukas naman, makikipagpulong ang Pangulo kay Indian President Drupadi Murmu at Prime Minister Narendra Modi.
03:03Gayun na rin mangyayari yung mga bilateral meetings sa dalawang bansa.
03:07At yan munang latest mula nga dito sa New Delhi sa India.
03:11Emil.
03:11Maraming salamat sa Lima Refran.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended