Skip to playerSkip to main content
Pinapagulong na ng DPWH ang "lifestyle check" sa ahensya alinsunod sa utos ng pangulo... bukod pa sa binuo nitong anti-corruption task force. Habang ang BIR, kasamang sinisilip pati mga contractor na posibleng kasabwat sa anomalya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinapagulong na ng DPWH ang lifestyle checks sa ahensya alinsunod sa utos ng Pangulo.
00:05Bukod pa sa binuunitong Anti-Corruption Task Force habang ang BIR,
00:10kasamang sinisilip pati mga contractor na posibleng kasabwat sa anomalya.
00:15Nakatutok si Joseph Moro.
00:20Handa raw si Department of Public Works and Highway Secretary Manuel Bono
00:24ang nabuksan ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth o salin.
00:29Ito ay sa harap ng iniutos na lifestyle check ng Pangulo sa mga ahensya tulad ng DPWH
00:35noong may kinalaman sa mga flood control projects.
00:38Kahit naman daw ang mga ibang opisyal ng DPWH may inihahaing salin na public record at maaaring busisiin.
00:45We welcome that.
00:46Is it open to open your salin?
00:48Yeah, yeah. Well, if this is going to be a formal lifestyle check that will be carried on,
00:55I think public document naman ito eh.
00:57Mga luxury vehicles o mga ganyan.
01:00Ah. Well, we just have to see. We're just three years in this administration.
01:07And I also came from the private sector.
01:10But I'm open.
01:12Ang salin ay deklarasyon ng mga ari-arian, pagkakautang at net worth
01:17na taong-taong isinusumite ng mga nasa gobyerno.
01:20Ayon sa palasyo, maaaring magsagawa ng lifestyle check ang DPWH,
01:23BIR at ang ombudsman.
01:26Pero noong 2020, naglabas si kariritiro lamang na ombudsman Samuel Martires ng memorandum
01:32na nagsasabing hindi po pwede maglabas ng salin kung walang pahintulot ng may-ari nito.
01:37At maaari lamang magsagawa ang ombudsman ng lifestyle check kung may verified complaint
01:42at ebidensya laban sa taga-gobyerno na dapat isumite ng isang complainant para pag-aralan ng ombudsman.
01:49Ipinatigil din ni Martires sa mga lifestyle check noon
01:52dahil nagagamit umuno ito para siraan ang mga opisyal ng pamahalaan.
01:56Nagihintay pa ng kapalit ni Martires at itinalaga muna ng Malacanang si Dante Vargas bilang acting ombudsman.
02:03Hinihingan pa namin ang kanyang opisina ng tugon kung anong gagawing aksyon ng ombudsman
02:07sa utos ng Pangulo pero wala raw muna itong pahayag.
02:11Ang BIR naman nagsasagawa na ng lifestyle check hindi lamang sa mga opisyal ng gobyerno
02:15kundi ang mga maaaring kasabwat nitong mga kontraktor.
02:19Nakikita natin na marami silang ari-arian na finoflunt
02:23at nakikita natin na malaki ang kanilang mga properties yung titignan natin.
02:30So ibabanggan natin yan sa revenues.
02:32Ang DPWH gumagalaw na rin.
02:34Ayon kay Sekretary Bunoan nagbuo siya ng isang anti-corruption task force
02:38para doon magsumbungang publiko sa mga maanumalyang proyekto ng DPWH.
02:43To be able for them to receive complaints about our people
02:47and do checking on them kung may mga corruption practices.
02:54Tingin ni Bunoan may kumpiyan sa pasakanya si Pangulong Marcos
02:57dahil pinapabilisan pa nito sa kanya ang mga investigasyon
03:00sa mga umunima-anumalyang flood control projects.
03:03Tinututukan daw nila para sa posibleng paghahain ng reklamo
03:07ang mga proyekto sa Bulacan, Occidental at Oriental Mindoro at Iloilo.
03:11I serve at the pleasure of the President naman
03:13and I think this time naman the President has just been continuously instructing me
03:20to continue and expedite the investigations that we are doing and to file cases.
03:26Dagdag pa ni Bunoan hindi niya pinapayagan ng korupsyon
03:29at dapat daw panagutin ang mga korup sa ahensya.
03:32Let those who have betrayed public trust be unsearable for their own actions.
03:38Kalimbawa kasi sasabihin, alam dapat ni Sekretary yung mga nangyayang sa ilalim.
03:44Well, I would rely actually on my other people.
03:49May nasa 10,000 proyekto daw na ipinatutupad ang DPWA sa buong bansa
03:54na may otoridad ang mga undersecretary, assistant secretary at mga regional director.
03:59Meron din daw silang apot-dalawandaang district engineer sa labing-pitong mga regional offices.
04:05Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended