Skip to playerSkip to main content
Nauwi sa pambabato at pananakit ng mga umaalmang residente ang isang demolisyon sa Maynila. Ikinasugat ‘yan ng apat kabilang ang miyembro ng demolition crew na hinataw umano ng kahoy kaya nahulog mula sa bubong.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nauwi sa pambabato at pananakit ng mga umaalmang residente ang isang demolisyon sa Maynila.
00:05Ikinasugat siya ng apat kabilang ang member ng demolition crew na kinataw-umanon ng kahoy kaya nahulog mula sa bubong.
00:13Nakatutok si Oscar Oida.
00:18Umulan ng bato, kahoy, bote, bakal at iba pang gamit sa bahaging ito ng Jose Abad Santos bandang alas 9 noong umaga.
00:26Pag-almayaan ng mga residente sa ikinasang demolition operation sa kanilang lugar.
00:35Halos di makalapit noong una ang demolition crew sa dami ng mga ipinupukol sa kanila ng ilang residenteng pumusisyon sa mga bubongan.
00:46Pero nang lumala pa ang tensyon, pinasok na ng SWAT ang lugar.
00:51Kanina po umakit po sila dyan, para kahit papano masawa tayo yung mga nagbabato kanina.
01:00Ngayon naman, nung umakit naman na sila, kahit papano man na napigilan na yung mga tayo.
01:05Sa puntong ito, nakalapit na sa mga gigibaing bahay ang demolition crew.
01:10Pero habang papaakyat ng bubong ang isa sa kanila,
01:13nahulog mula sa bubong ang isa sa mga crew.
01:16Hinatao umano siya ng kahoy ng isa sa mga residente.
01:24Agad isinugod sa ambulansya ang sugatang demolition crew.
01:28Ang nakasakit sa kanya ng makababa,
01:30di nala rin sa ambulansya dahil di umano makahinga.
01:34Sa ambulansya, nagkaharap ang dalawa.
01:37Kalaunan, nagkapatawaran din ang dalawa.
01:52Tuluyan din humupa ang tensyon,
01:55kaya natuloy ang demolition habang nakabantay ang mga pulis.
02:00Hindi itong unang pagkakataong nagkatensyon sa lugar.
02:03Actually, nakailang ekstensyon na po sila.
02:06Mayroon pa pong plaintiff na offer sa kanila,
02:0850,000 for those affected structures bibigay ni Atoni.
02:15Kung voluntary po silang aalis.
02:17Nangako po sila, March 31, naalis po sila.
02:20Instead po na nag-voluntary sila,
02:22nag-file pa po sila ng motion sa court,
02:26sa expropriation po.
02:27Kaya di-deny naman po ng court.
02:29Kaya po nag-proceed na po kami.
02:31Paliwanag ng kagawad sa lugar.
02:33Dala lang ng emosyon.
02:35Kaya naging palaban ang ilang residente.
02:37Meron po silang pinapirma sa mga tao.
02:40Yung pinapirma po nila yung four attendants.
02:43Mga nakaraan buwan pa yun.
02:44Ngayon nagulat kami yung pangalan na yun
02:46ng may pirma,
02:47ginamit po nila sa mga papeles nila yun.
02:49Kaya po nagkaroon ng ganito.
02:50Bukod sa nahulog na tawa ng demolition crew,
02:53nasugatan din ang isa pa niyang kasamaan
02:55at dalawang iba pang pulis.
02:57Kakasuhan po namin sila ng direct assault
03:01at saka po yung dependi po sa sheriff
03:02kung meron po tayong obstruction po,
03:05obstruction of justice.
03:06Para sa GMA Integrated News,
03:08Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
03:11SNADA
03:17Oida nakatutok, 24 oras.
03:17clown
Comments

Recommended