Pinagdugtong-dugtong na kawayan muna ang nagsisilbing tulay ng ilang taga-Sta. Fe, Nueva Vizcaya habang hindi pa naaayos ang nasirang bahagi ng Pangasinan-Nueva Vizcaya Road. Posibleng abutin pa kasi ng isang buwan bago malagyan ‘yan ng pansamantalang one-way na daan.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Dito nga sa aking kinaroronan email, makikita dito sa aking likuran yung putol na bahagi nitong Pangasinan-Nueva Vizcaya Road dito sa Santa Fe, Nueva Vizcaya.
00:41Hindi lang natabunan kundi yung mismong kalsada yung tinangay ng landslide.
00:45Kaya naman hindi ito madadaan sa simpleng clearing operation lang para ito ay mabuksan.
00:54Mula sa impapawid, kita ang uka sa bahagi ito ng Pangasinan-Nueva Vizcaya Road.
00:58Ilang metro ng kongkretong daan ng putol at nahulog sa ilog sa ibaba ng kalsada.
01:03Sa kabutihang palad, walang kabahayan sa ibabang bahagi ng guho.
01:07Pero malaki raw ang epekto ngayon ang pagkaputol ng kalsadang nagdurugtong sa Santa Fe, Nueva Vizcaya, patungong Tayog at Santa Maria sa Pangasinan.
01:15Kaya nito, imbis na lalapit ang travel ng mga sasakyan papunta ng Manila dahan ng Pangasinan, wala na. Papano na kami?
01:24Bukod sa mas mabilis na daan ito patungo sa TIPLEX para sa mga manggagaling ng Isabela, Kalinga at Kagayan, marami rin ang nakatira sa apat na barangay ng Santa Fe na wala nang magawa kundi tumawid sa pinagdugtong-dugtong na kawayang nagsisilbing pansamantalang tulay.
01:39Na-inspeksyon na raw ito ng isang lokal na kontraktor ng lokal na pamahalaan.
01:43Bato ang gilid ng bundok, kaya posibleng abutin daw ng isang buwan para malaga nito ng pansamantalang one-way na daan.
01:49Kung mabilis tayo, hindi aabutin ng isang buwan. Ganun po. Lalo kung tutulong ang highways. Oo. Kung kukutungin, wala na naman. Kukutungin na po.
02:06Humigit kumulang 20 landslide parao ang hindi pa nabubuksan sa kahabaan ng kalsadang ito.
02:11Maging mga bahagi ng bundok na may slope protection, gumuhurin matapos masira ang net na harang.
02:17Sa bahaging ito naman ang ilog na bumabaybay sa kalsada, bumagsak din ang isang bahagi ng konkretong retaining wall dahilan para abutin ng tubig ang bahay nila Nanay Maria Teresa.
02:27Sa kabutiang palad, nag-evacuate sila bago ito mangyari. Sira ang kanilang kusina at malapit ang gumuho ang kanilang buong bahay.
02:34Pero hindi na kaalis ang isang alagang aso sa kabilang pampang. Nahulog din ang isang sasakyan.
02:40Nakita ko nga po yung bahay ko na nauna na po yung kusina na bumagsak. Wala na po ah.
02:47Hindi po namin alam kung saan nga po kami pupunta. Pati yung kabuhayan nga po namin patay.
02:52Wala po kaming... Naisalba lang po namin yung mga gamit namin na iba. Yun nga wala na kami matitirahan.
02:58Pakiusap ngayon ng mga residente dito ay madali naman sana yung pagkukumpani dito sa kanilang nasirang kalsada
03:10para naman hindi sila magtsaga dito sa maliit at delikadong tulay dito sa may landslide area.
03:15Samantala para sa ating mga kababayang na isa nang mapaikli yung kanilang biyahe mula dito sa Vizcaya patungo sa Pangasinan,
03:21balik-maharlika highway po muna ulit kayo hanggat hindi pa na isa saayos ang kalsadang ito.
03:26Yan ang latest mula dito sa Santa Fe Nueva Vizcaya. Emil, maraming salamat at ingat kayo. Rafi Tima.
Be the first to comment