- 6 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Bumuhos ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila ngayong hapon.
00:06At sa Maynila, binaha ang ilang kalsada kabilang na ang Taft Avenue maging ang harap ng labas ng Manila City Hall.
00:14At ang mga dumaraan doon, tumulay sa mga bakal na railing at barrier kung saan isang senior citizen ang nadulas pa.
00:23Naranasan din ang ulan sa Mandaluyong at Makati pati sa Quezon City na nagpamaha sa ilang bahagi ng EDSA
00:29at nagdulot ng pagbigat ng dali ng trapiko.
00:33Ayos sa pag-asa, localized thunderstorm ang nagpapaulang ngayon sa Metro Manila.
00:40Magandang hapon po, isang polis ang patay ng bariliin na lalaki sa Pasay.
00:45Gumalabas na balak-snatch ang kwintas ng biktima.
00:49Inaalam ngayon kung ito rin ang tumira sa isang tauhan ng HPG kamakailan na tinangkaring hablutan ng kwintas.
00:56Nakatutok si June Benerasyo.
00:59Walang kamalay-malay si Police Staff Sergeant Jomar Caligiran na may piligrong nakaamba
01:07habang hinihintay ang asawa niya sa Tafta Avenue Pasay City kagabi.
01:12Mula sa kanyang likuran, may sumulpot na armadong lalaki.
01:16Dito na nagkaputokan.
01:21Kahit sugatan na ang polis, nagawa pa rin niyang gumatin ang putok.
01:24Pero sa tindi ng tama ng bala, binawiyan siya ng buhay.
01:30Doon galing sa likod, what time dido dito sa likod?
01:33Bali, nakikita natin parang apat kasi mayroon siyang true-in-true dito sa arms papunta sa kanyang dibdib.
01:43Habang nakabagsak ang polis, isang lalaki ang lumapit na ayon sa mga taga-maranggay ay scavenger sa lugar.
01:54Maya-maya, dumating na ang umiiyak na asawa ng polis.
01:59Tumakas ang shooter. Sakayin ang motosiklong dala ng kanyang kasama.
02:02Isang tricycle driver at kanyang pasahero ang nadamay sa putokan.
02:16Nagpapagaling pa sa ospital ang sugatang pasahero.
02:19Ang tricycle driver naman ay na-discharge na.
02:22Sabi ng Pasay City Police, base sa direksyon ng putokan, ang sospek ang nakabaril sa kanila.
02:29Dumalabas sa investigasyon na robbery ang motibo sa krimen.
02:33Kung talagang papatayin siya, ay doon palang medyo siguro mga 2 meters away from the suspect,
02:39ay from the victim, binaril na niya.
02:41Kaya ang nangyari ay akmang kukunin niya yung necklace ng ating biktima.
02:47Isa pong Saudi Gold po ito.
02:49Suspetsa ng Pasay Police, ang mga sospek din ang nasa likod ng pamamaril
02:53ng isang opisyal ng Highway Patrol Group o HPG sa Makati, tatlong linggo ng nakararaan.
02:59Makikita sa CCTV na bago magkaputukan, pilit na hinablot ng sospek ang suot na kumintas ng opisyal.
03:07Nakaligtas siya sa kabila ng mga tama ng bala sa katawan.
03:11Hawak na ng mga otoridad ang isang sospek na siya raw nagmaneho ng motorsiklo.
03:15Target naman ang follow-up operation ng shooter na tukoy na raw ng mga polis.
03:19Para sa GMA Integrated News, June Venerasyon, nakatutok, 24 oras.
03:27Tupok na tupok ang harapang bahagi na isang bus na biglang nagliab sa EDSA Cobal, Quezon City, kagabi.
03:33Nakatutok si EJ Gomez.
03:35Nabulabog ng nasusunog na pampasaherong bus, ang Pituazon Boulevard, bago mag-EDSA Pasado alas 6.30 kagabi.
03:46Nagdulot ito ng traffic.
03:50Nilamon ng apoy ang loob ng bus na umabot sa bubong nito.
03:53Naka-hinto, sa ilalim nasusunog na. Kaya umakyat na yung sunog sa bus. Malaki talaga. Malaki po. Dahil sa sakyan na ito, puno naman ng apoy. Mataas.
04:07Uusok.
04:08Krabing takot dahil nakapunta nito eh.
04:10Malaki po yung apoy dahil na ito halos mga 80% po yung kinain ng apoy ng bus. May 20 minutes po yung firefighting operation po po.
04:20Basis sa investigasyon ng BFP, galing sa bulakan ng bus at pabalik na sa garahe nito sa Kubaw.
04:27Agad naman daw nakababa ang limang pasahero nito, kasama ang driver at konduktor.
04:32Walang nasugatan at ligtas ang mga pasahero.
04:35Matapos ang sunog, mga bakal na lang sa unahang bahagi ng bus.
04:38Gayun din sa mintana at mga upuan sa loob nito ang natira.
04:42Umabot ng Pasado alas 11 ng gabi ang clearing operations ng MMDA kasunod ng insidente.
04:49Patuloy ang investigasyon ng BFP sa sanhinang sunog.
04:52Gayun din ang pinsalang dulot nito.
04:55Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
05:01Useless at may tuturing na economic sabotage.
05:07Ganyan inilarawan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ininspeksyon niyang rock shed at rock netting project sa Benguet na nasira kahit ginasosan ng milyong-milyong piso.
05:16Ang isang proyekto noong 2018 hanggang 2019 paginawa.
05:20Nakatutok si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
05:23Dahil sa mga tag-ulan nitong Hulyo, bumigay ang kinatatayuan nitong rock shed sa Camp 6 Kennon Road sa labas ng Baguio City.
05:35Dahil nagsagawa ng clearing operations doon, isinara ang Kennon Road.
05:39Kanina, isa ito sa dalawang proyekto ng DPWH Cordillera na ininspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
05:46Nakita niya kung paano naapektuhan ng pagguho ang entrada ng tunnel, maging ang kalsada hanggang sa lumambot na ang pundasyon ng rock shed.
05:54Wala silang tinayo, wala silang linagay na wall, wala silang linagay na riprap, wala silang linagay na slope protection.
06:02Kaya ang valor ng kanyang trabaho is zero, complete zero.
06:08This is 260 million project. Useless. Parang tinapon mo yung pera sa ilog. Useless.
06:18To correct this will cost double that. That's my top of the head estimate. 500 million ito para use it.
06:27So how can you tell me that it's not economic sabotage?
06:30Sunod na binisita ng Pangulo ang rock netting project sa Camp 3 Kennon Road.
06:34Because napaka-notorious ng rock netting to as a corruption, pinagbawal na ang rock netting.
06:45So, pero ginawa nang ginawa pa rin.
06:48Kilala ko ang supplier ng rock netting.
06:54Ang presyo ng rock netting is 3,200 pesos.
07:01Ang sinar sa gobyerno is more than 12,000 pesos.
07:06So times four.
07:09Times four.
07:11So 75% ng kontrata kinikbak.
07:14Ayon sa Tuba LGU, hindi na ipaalam sa kanila ang mga detalye bago at nang matapos ang mga proyekto ng DPWH.
07:21We are concerned sa now during the day.
07:23Para makita namin, kung sabi ni President, if it is really standard, ang trabaho nila is standard, hindi substandard.
07:31Batid ng Pangulo ang galit at pagkadismaya ng mga residente at ng lokal na pamahalaan ng Tuba Benguet
07:37sa palpak na rock shed project na ito ng DPWH car.
07:40Kung inyo kasing makikita sa aking paligid, ay bumigay na ang protection slope ng mismong proyekto
07:46maging ang mismong pundasyon ng rock shed.
07:49Kaya naman ang hiling ng mga taga rito ay mapabilis ang pagsasaayos nito.
07:53Sabi ng Pangulo, bumaba ng 35% ang ekonomiya ng lugar mula noong nasira ang proyekto.
07:59Yung mga negosyante, mas lalo yung mga restaurant, medyo kumunti ng customer nila kasi wala nang hindi makapasok yung mga sasakyan dito.
08:12Ayon sa DPWH car, habagat at mga pocket mining ang naging sanhi kung bakit bumigay ang bahagi ng bundok sa rock shed.
08:19You can see along Kenon, very fractured talaga ang slopes natin.
08:24And aside from that, ang weather condition natin sa Cordillera, tag-init, tag-ulan.
08:32Sabi ng DPWH car, plano ring dugtungan pa ng ilang metrong rock shed ang nauna nang naipatayo.
08:38Sa ngayon, possible na ang Kenon Road pero para muna sa mga residente ng Baguio at katabing bayan sa Benguet.
08:44Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Sandy Salvaso, nakatutok 24 oras.
08:53Kung may mga mapagsamantala parao sa mga flood control project,
08:57ang mukahin ni Sen. Wingat Salian, walang ilaang pondo para rito sa 2026.
09:02Pero tutod dyan ang isang kongresista.
09:05Ang detalye sa pagtutok ni Mab Gonzalez.
09:07Kung lalagyan mo ng pondo, tapos ganyan pa rin, nandiyan pa rin yung sindikato, nandiyan pa rin yung pondo.
09:16Parang tuloy ligaya lang yung mga mayayari.
09:19Naniniwala si Senate Finance Committee Chairman Sen. Wingat Salian na may sindikato sa flood control projects.
09:26At kung hindi aniya maaayos ng DPWH ang sistema, hindi na nila po pondohan ng flood control sa 2026.
09:33Re-review namin proseso. Gagayang nasabi ko, kung ang proseso ay maluwag,
09:39aabusuhin at aabusuhin yan ng mga kontraktor at ng sindikato.
09:43Titignan aniya ng Senado kung paano na po pondohan ang mga proyektong ito.
09:48At kung umpisa pa lang ay may usapan na sa kontraktor.
09:51Dapat rin na higpitan yung pagbibigay.
09:53Bidin kasi natin, igan, mano-mano eh.
09:56Kailangan gumamit na ng bagong teknolohiya lahat, internet na para wala ng human intervention.
10:00Ani Gatchalian, tiyak na may mananagot pagkatapos ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
10:07Tutol naman si Bicol Saro Partylist Representative Terry Rido na i-zero ang budget sa flood control sa 2026.
10:14Pagka siniro mo yung flood control, for next year, eh di kawawa ko yung mga nasa mga kailugan.
10:20We have to be a bit more reasonable in all of these things.
10:25Kasi nga, again, we have to state it clearly.
10:29Flood control is something that is fundamental for climate risk communities.
10:36Sabi ni Sen. Ping Lakson, nakilahok na ang publiko sa pagre-report ng substandard at ghost projects.
10:43Ang huling pagsubok, ang kasiguraduhang may mapaparusahan.
10:45Sana raw may malaking tao na makasuhan at makulong para huwag na pamarisan.
10:51Dahil kung wala, mawiwili ang dating gumagawa at mahihikayat ang di-dati gumagawa.
10:57May isiniwalat naman si Baguio City Mayor Benjamin Magalong tungkol sa mga anyay request at reklamo ng mga kongresista
11:03pag nagsimula ang deliberasyon ng national budget sa Kamara noong nasa PNP pa siya.
11:08Tigla kami makakatanggap ng message sa taas na sabihin ako, puntahan nyo na yung mga kongresman
11:14at tanongin nyo na kung ano yung mga kagustuhan nila, ano yung mga complain nila.
11:18Yung mga maayos na kongresman, maayos ang mga panong, maayos ang mga kahidingan.
11:24Kaya yung mga may kalokohan ay puro parokyal concerns.
11:30Kaya kung baga paano ito pobots yung kanilang sariling interes.
11:35Walang partikular na sinabing request si Magalong.
11:38Dagdag ni Magalong na convener din ng Mayors for Good Governance pag budget hearings.
11:43Hinihingi lang umano ng mga kongresista ang pansariling interes.
11:47Nag-uusap din kami mga mayors.
11:49Pati na rin sa League of Cities, pati mga kasamahan namin dyan sa League of Municipalities.
11:55Kadalasan, isa lang ang complain eh.
11:57Walang konsultasyon sa local government.
11:59Gumagawa ng project itong mga siwaleng kongresman.
12:02Yun ang nasusunod.
12:03Nag-uusap-usap na raw ang samahan ng mga alkade sa sunod nilang gagawin.
12:07Matapos sabihin ni Sen. Lacson na may mga senador at kongresista
12:11ang may kinalaman umano sa mga flood control project.
12:14Handa rin daw si Magalong na humarap sa pagdinignang kamera ukol sa flood control projects.
12:19Sa susunod na dalawang linggo, inaasahan ang pagdinignang House Tri-Comity
12:23hindi lang sa flood control projects, kundi sa iba pang palyadong infrastructure projects ng gobyerno,
12:29kabilang ang Kabagan Bridge at Benguet Rockshed.
12:32Sana raw kung may whistleblowers ay tumistigo roon at magbigay ng ebidensya.
12:36In the event na mapangalanan po ang kahit sinong senador, kahit sinong kongresista,
12:42sa mga usapin po na ito, bibigyan po sila karapatang magpaliwanag, sumagot sa komite.
12:48Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
Recommended
7:51
|
Up next
14:20
10:05
13:58
8:43
6:00
10:46
6:46
10:50
7:33
7:45
7:19
13:59
10:33
13:58
7:30
11:28
Be the first to comment