00:00Arrestado ang dalawang suspect na riding in tandem na nanghablot sa Pitaka ng isang minor de edad sa Quezon City.
00:07Isa pang suspect at tinutugis.
00:09Ang nahulikam ng pagnanakaw, tinutukan ni Bea Pinlac.
00:16Tatlong lalaki ang sakay ng motorsiklong ito habang binabaybay ang isang eskenita sa barangay sangandaan, Quezon City, Webes ng madaling araw.
00:25Kasunod nila ang 17-anyos na babae na naglalakad habang nagsiselfone.
00:30Maya-maya, biglang humarang sa daan ng motor at bumuelo para umikot.
00:35Bumaba ang isa sa mga backride at hinablot ang wallet ng dalaga.
00:39Bumagsak pa sa sahig ang biktima.
00:43Matapos makuha ng lalaki ang wallet, tumakas naman ang tatlong suspect lulan ng motor.
00:49Napansin po kasi nila na bit-bit niya yung wallet while texting.
00:54Pati nga hindi naman nakuha yung cellphone, yung wallet po yung nakuha niya.
00:59Ang laman ng tinangay na wallet ayon sa pulisya, walong daang piso.
01:03Sa follow-up operasyon ng pulisya, naaresto ang dalawa sa mga suspect na napagalamang magkaibigan.
01:14Pinuuli namin kayo sa talang mag-robbery ha.
01:20Ayaw, may karabatang manayimik kung magsimulang ko.
01:23Namukaan kasi ng biktima ang 26-anyos na suspect na dati na rin nasangkot sa robbery, base sa record ng pulisya.
01:30Ang naituro po yung isa, may previous na po kasi siyang naging kaso ng robbery din and violation ng 9165 o yung anti-illegal drugs.
01:42Aminado naman ang dalawa sa krimen.
01:45Dala lang po ng pangangailangan po sa buhay.
01:47Napaka-ihirap po kasi ng buhay.
01:50Wala po kami naman makakapitan kaya, nila lang pong naisip namin.
01:54Kukapos po eh, hindi po sapat.
01:57Kaya kumapit na lang po kami sa patalim.
01:59Tempo lang po talaga yung nangyaran.
02:01Nakamotor po talaga kami, hindi po.
02:04Nadaanan lang po namin.
02:05Sana, sana mapatawad niya po kami.
02:08Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang isa pang suspect.
02:12Reklamong robbery ang isasampa laban sa kanila.
02:15Para sa GMA Integrated News,
02:17Bea Pinlap, nakatutok 24 oras.
02:21Halos matangay ang isang rider na nagtangkang tumawid sa ramaragasang spillway sa Negros Oriental.
02:26At sa Bulokan, hindi na matanaw.
02:29Ang isang tulay dahil din sa pag-apaw ng tubig.
02:32Ang masamang panahon sa probinsya, tinutukan ni Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
02:38Sinusubukang tumawid ng rider na ito sa umapaw na spillway sa Ayungo Negros Oriental
02:48ng muntik matangay ng tubig.
02:50Tinulungan siya ng iba pang stranded sa lugar hanggang sa tuluyang makatawid.
02:54Ilan pang rider ang tinulungang makatawid sa ramaragasang tubig.
02:57Nilusong din ng ilang guru at estudyante ang spillway.
03:00Wala raw kasing ibang pwedeng madaanan.
03:03Sa Bae City, Negros Oriental, isang dump truck ang tumirik sa gitna ng rumaragasang ilog.
03:09Ayon sa saksi, nagahakot ang truck ng props na gagamitin sana sa Hudyaka Festival
03:13ng abutan ng baha sa gitna ng ilog.
03:16Giit ng driver, hindi niya inaasahan ang pagbaha dahil wala namang ulan.
03:20Umapaw rin ang tubig sa Makaiban Bridge sa Santa Maria, Bulacan, bunsod ng malakas na ulan.
03:25Halos hindi na makita ang tulay sa taas ng tubig.
03:29Ayon sa mga residente, kahapon pa umapaw ang tubig nang magsimulang umulan.
03:33Naglagay na rin ang mga tanod na nagbabantay doon ng babala bago sumapit sa tulay.
03:38Abot binti ang baha sa Masandol, Pampanga, bunsod ng high tide sa Pampanga River.
03:43Nagbangkada ang ilang residente.
03:45Bagamat lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Lani,
03:51naka-alerto pa rin ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
03:56Bunsod ito ng nararanasang pabugsubugsong ulan na pinalalakas ng nagdaang Bagyong Lani.
04:01Naka 24 hours monitoring tayo sa river system, sa weather situation, sa Sanroque Dam water level,
04:11sa ating mga manginista na huwag mo nang pumalaot.
04:16Sa Dagupan City, problema ang taas babang baha dahil sa masamang panahon na sinabayan ng high tide kaninang umaga.
04:23Yung mga customer ayaw nilang bumaba sa tubig. Baka sila yung maliptos.
04:31May baharin sa Kalasyao.
04:33Nandito ako ngayon sa barangay Talibao sa Kalasyao, Pangasinan,
04:36kung saan ang kalsadang ito ay ang pinakamalapit na dinaraanan daw ng mga tricycle driver papunta sa kanilang bayan.
04:44Pero dahil hanggang hita ang level ng tubig sa mga oras na ito,
04:48ay hindi ito kayang daanan ng anumang sasakyan.
04:50Hanggang ngayon, hindi namin madadaanan yung tubig dyan.
04:56Dahil sa mga tricycle, andito lang kami sa walang mahanap buhay.
05:04Binabantayan ng Kalasyao DRRMO ang Marusay River.
05:07Although sa ngayon po, wala pa naman po tayong monitored na significant report ng flooding,
05:12meron lamang pong mga isolated cases na meron pong pag-iipon ng tubig doon sa kanilang compound,
05:21gawa ng mas mataas po yung level ng ating kalsada compared po doon sa kanilang area.
05:29Puspusa naman ang clearing operations at monitoring ng Office of the Civil Defense Cordillera, PDRRMO,
05:36kasama ang iba pang ahensya sa ilang pagguho sa Cordillera.
05:39Gaya sa mga bahagi ng Baguio Itogon Road, Balbalan Pinukpuk Road at Lubwagan Batong Buhay Road
05:45na hindi madaanan as of 7.30 kaninang umaga.
05:49Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
05:53Sandy Salbasho, Nakatuto, 24 Oras.
05:57Makapuso, walang patid pa rin ang pagbabalita tuwing weekend ng aking partner na si Ivan Mayrina.
06:04Ang kanyang dedikasyon sa pamamahayag muling pinagtibay sa pagfirma ng kontrata sa GMA Network.
06:11Nakatuto, si Von Aquino.
06:13Sa Pilipinas man o ibang bansa, sa Geraman.
06:24Sa itong basement na karaniwan sa mga bahay dito sa Marawi.
06:29O bagyo.
06:31Ang mismong plaza ng daanbantayan.
06:34Nakikita ninyo ang pinsalang inabot nila dahil sa napakalakas na hangin.
06:38Tulad na nakikita ninyo hanggang bewang ang tubig baha.
06:42Sa lood ng 25 taon, isa sa naghahatid ng balitang mapagkakatiwalaan si Ivan Mayrina.
06:50Hanggang Sabado at Linggo, nakatutok si Ivan sa mga balitang dapat malaman ng publiko
06:55bilang angkor ng 24 Oras Weekend.
06:58Patuloy siyang maghahatid ng dekalidad na balita sa kanyang muling pagfirma ng kontrata sa GMA Network.
07:04Kasama si na GMA Network President and CEO Gilberto Ardoabit Jr.,
07:08Senior Vice President and Head for GMA Integrated News, Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso,
07:16at Vice President and Deputy Head for News Programs and Specials, Michelle Ezeva.
07:21Dumalo rin ang iba pang GMA Network officers.
07:24Si GMA Network Chairman, Atty. Felipe L. Gozon, nagpasalamat at nagbigay ng pagbati kay Ivan sa isang video message.
07:32Ivan, I am both proud and happy that you remain a loyal kapuso for 25 years and counting.
07:42I look forward to having you with us for a very long time.
07:49Ikaw sa pananaw ko at sa pananaw namin lahat ay isang tunay, tapat at haligi ng servisyon toto.
08:01Isang ehemplo na magpapatuloy, magbibigay sigla at inspirasyon sa mga katulad mong media practitioner.
08:12Pirming handa si Ivan na tumindig bilang isang pamamahayag.
08:18As you embark this new chapter with us, kapuso pa rin, may you continue to inspire others and elevate the standards of journalism.
08:28Nagpasalamat din si Ivan sa GMA Network sa oportunidad na makapaghatid ng servisyong totoo.
08:34I don't see myself being anywhere else.
08:37So, makakaasa kayo kung ano man yung siguro ikinatuanin nyo in the last 25 years, we'll have more of that.
08:46GMA will continue to stand sa journalism na wasto, patas, balensyado, kapakipakinabang.
08:55Susundan natin ang kanilang nagbabagong mga patterns, their new habits, their new preferences,
09:00para patuloy natin maihatid ang brand of journalism that GMA stands for.
09:06Para sa GMA Integrated News, Von Aquino na Katuto, 24 Horas.
Comments