Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00There is a lot of smog in Metro Manila, but let's go back to the news later.
00:09It's a hardware store in Makati.
00:12One person on the road is to run away from the river.
00:19Under control, it's a warehouse in Quezon City.
00:25Nakatutok si Von Aquino.
00:30Alas 7 ng umaga, sumiklab ang sunog sa warehouse na ito sa Silencio Street sa Barangay Santol, Quezon City.
00:37Sa kapal ng uso, gumamit ng breathing apparatus at fire suppression robot ng mga bombero.
00:43Napatuloy yung pag-apula ng apoy ng mga bombero at gumamit na po sila ng fire ladder para po ma-apula yung apoy mula doon sa tuktok ng warehouse.
00:52Pero sa ngayon, ayon sa DFT, Quezon City Fire Marshall, ay naka-confine na yung apoy at hindi na ito kakalat.
01:01May nagpe-penetrate po sa loob at the same time po, meron po tayong tinatawag na cover exposure wherein yung mga hindi po po nadadamay na structure,
01:08binobamba na po natin para po yung heat transfer po maprevent.
01:12Nadamay sa sunog ang kisame ng katabing gusali na barracks na mga stay-in na empleyado.
01:18Maya-maya bumigay na ang bubong ng warehouse.
01:21Inaalam pa ang sanhin ng apoy at halaga ng pinsala.
01:24Wala namang napaulat na nasaktan.
01:26Ayon sa gwardyo ng warehouse, walang tao sa loob ng mangyari ang sunog.
01:30Nakasara kasi, ma'am nakita lang ng tawag dito ng kasambahay na may usok.
01:35Kaya tumakbo po ako doon sa tawag dito sa bumbiro.
01:39I-investigahan ng barangay ang bilang ng business permit ng warehouse.
01:43Ang sinasabi nga kanina ng mga iba, may hardware, tapos may mga parang appliances na mga rice cooker, marami daw laman sa loob.
01:54I-check pa po namin ito kung ano po talaga yung totoong laman po ng warehouse po nila.
01:58Sinubukan namin punin ang pahayag na may-ari ng warehouse pero sabi ng kanyang mga tauhan, wala raw ito roon.
02:04Sa Makati City Hardware Store sa barangay Pio del Pilar ang natupo.
02:10May mga nahirapang makahinga sa kapal ng usok.
02:14Gaya ni JR na tumalon na mula sa bubong.
02:17Kaya pumunta kami sa rooftop, doon lang kami tumalon. Maligtas lang kami lahat.
02:20Nakalak pa ang gusali kaya pwersangan itong pinasok ng mga bumbero.
02:24Ginamitan natin ng forcible entry.
02:27Yung mga pintuan tapos mga bakal pa yan.
02:31Pero yung iba na gumamit ng ladder para maka-penetrate doon sa likod.
02:36Tumagal ng dalawang oras ang pag-apula sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.
02:41Animang sugatan ayon sa BFP.
02:43Inaalam pa ang sanhi at halaga ng pinsala ng sunog.
02:46Para sa GMA Integrated News, Von Aquino na Katutok, 24 Oras.
02:52Kapansin-pansin ang smog sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila kaninang umaga.
02:57Delikado yan para sa mga bata, mga nakatatanda at may sakit.
03:01Nakatutok si Jamie Santos.
03:06Napansin nyo bang parang malabo ang views sa Metro Manila kaninang umaga?
03:10Hindi nga masyadong maaninag ang mga nagtataas ang gusali.
03:14Sa Makati City nga, naitala ang unhealthy na antas ng polusyon para sa sensitive groups at acutely unhealthy.
03:22Ayon sa pag-asa, temperature inversion ang nangyari.
03:27Tila naiipit at hindi makataas ang polusyon sa hangin dahil nasa ilalim ng malamig na hangin ang mainit na hangin.
03:34Isang possible reason din yun na bakit nagkaroon na tayo ng increase number ng air pollutants sa kalangitan
03:42kaya po nagkaroon po ng tick or bumaba po yung visibility ng area dahil po sa smog.
03:48Nakakadagdag din daw sa pamumuo ng smog kapag mahina ang hangin.
03:52Basta mahina yung hangin, hindi po nadidisperse yung air pollutants po natin.
03:56So nangyayari na koconcentrate lang sila sa isang area.
03:59Delikado ang ganitong kondisyon para sa mga bata, matanda at may iniindang sakit.
04:05Maari raw nitong palalain ang hika, magdulot ng iritasyon sa mata at lalamunan,
04:10at magpataas ng panganib ng pagkakaospital.
04:13Pinapayuhan ang publiko na umiwas lumabas kapag makapal ang usok o mababa ang visibility.
04:19Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
04:26Aminadong Department of Transportation na hamon ngayon sa PUV modernization
04:31na may mga lugar daw na halos walang pumapasada.
04:34Habang may mga ruta namang marami ang mga PUV.
04:38Nakatutok si Danating Kungko.
04:40Ganito ang kadalasang tagpo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City tuwing Rush R.
04:46Pahirapan ang pagsakay ng mga pasahero.
04:51Ang mga bus o kaya'y jeep madalas puno.
04:54Sabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez,
04:57merong mahigit 70 ruta na hindi nasaservisyohan ang mga PUV sa lungsod.
05:02Nagkaroon tayo ng inter-agency meeting para pag-usapan itong traffic sa Commonwealth
05:08at napag-usapan na rin po natin yung LPTRP ng Quezon City.
05:13That explains why ang dami-daming stranded na pasahero sa Quezon City sa maraming oras.
05:19Tama po. At not only po, isa pa pong rason kung bakit madaming na-stranded,
05:24kasi po kulang din ang supply natin.
05:27Hindi lang daw ito problema sa QC.
05:29Mula nang i-anunsyo noong August 2024 ang mga ruta bilang bahagi ng PUV Modernization Program,
05:35nasa 31% pa lang ng mga route rationalization plan ng mga LGU ang aprobado na ng DOTR,
05:41kabilang sa maraming hamon sa route rationalization ang pagtutugma ng mga intercity at inter-regional na ruta sa mga LGU.
05:49Ang dami mga ruta na sinasabi nating unservice routes. Madami din naman mga ruta na punong-puno naman ang sasakyan.
05:59We have to reallocate and approve some of the routes at saka yung mga sasakyan dun sa mga lugar na talagang walang bumabaybay na sasakyan.
06:10Kinukonsideran ng DOTR ang pagpilot muna sa bago o binagong mga ruta.
06:16Pinamamadali na rin daw ng DOTR sa LTFRB ang pagproseso ng mga aplikasyon ng prangkisa at special permit.
06:23Sabi ng ilang transport group, mas mapapadali ang route rationalization kung kukonsultahin sila ng DOTR.
06:29Kami po ang nakakaalam kung ilan ang dapat na transport at anong klaseng sasakyan ang tatakbo sa aming mga ruta.
06:39Hindi po mahirap, napakabilis po, napakadali lang po yung problema. Sangguni lang sa amin. Mag-usap kami anong klaseng kakalsadaan, ilan ang siservisyuhan.
06:52Ayon sa Manibela, sana unahin ang mga lugar na marami ang pasahero tulad ng NCR.
06:57Sa loob sana ng walong taon, nauna na po sana itong NCR at neighboring provinces nito o mga cities para nang sa ganon ay may nasimulan na. Ni isa po wala pa po sir eh.
07:10Hinihingan pa namin ang pahayag dito ang DOTR at LTFRB.
07:14Para sa GMA Integrated News, daan natin kung ko nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended