24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Arrestado ang isang rider sa Quezon City matapos niyang habulin ng patalim ang kapwa niya rider.
00:07Ayon sa mga polis, nakainom ang suspect na inakalang binubuntutan daw siya.
00:12Nakatutok si Bea Penlac.
00:18Sa kuhang ito ng CCTV, kitang magkasunod sa kalsada ang dalawang motorsiklong ito
00:24mula pook malinis papuntang pook libil sa barangay UP Campus, Quezon City nitong gabi ng Martes.
00:31Maya-maya, ang rider na naka-green t-shirt tumigil sa gita ng kalsada at bumaba ng motorsiklo.
00:38Hinarangan niya ang isa pang rider na naka-black t-shirt hanggang ang dalawa nagtalo at nagkapisikalan.
00:46Hindi na gaano na hagip sa CCTV ang away ng dalawa hanggang sa nakita ng tumatakbo ang rider na naka-black.
00:52Hinabol siya ng naka-green na rider na may hawak na palang patalim.
00:57Pati ang ilang nakasalubong nilang residente, nagtakbuhan.
01:01Nakahingi ng tulong ang biktima sa barangay.
01:04Agad rumispondi ang mga otoridad at kalaunay nahuli ang 50-anyos na suspect na napag-alamang nakainom pala.
01:11Ayon sa polisya, inakala umano ng suspect na binubuntutan siya ng biktima.
01:16According kay suspect, sinusundan daw siya.
01:24According sa victim, kinak siya nitong suspect at sinita na bakit na sinusundan.
01:33Nung nagkaroon sila ng palitan ng salitaan, ay siguro napikon siya.
01:39Inunahan niya, sinuntok niya si victim.
01:42At hindi pa siya nakontento, binunutan pa niya ng kutsilyo.
01:46Hindi na-recover sa suspect ang patalim, pero aminado siyang bit-bit ito habang hinahabol ang biktima.
01:53Yung sinasabing niyang patalim, ano yun, yung maliit na ano, maliit lang na ano yun, pang ano sa mangga.
02:01Ay, naano yun sa ano, sa spark plug nga pag naglilinis ako.
02:06Nakalagay lang sa susiyan yun.
02:08Wala naman po akong intention sa kanya nun.
02:10Kasi ang akala ko po, kinokrosonado po ako.
02:13Naginit ang ulo ko doon.
02:14Reklamong attempted homicide ang isinampalaban sa suspect na nakapiit sa Anonas Police Station.
02:20Para sa GMA Integrated News, Beya Pinlak, nakatutok 24 oras.
02:27Arestado sa Pampanga ang isang driver na suspect sa pagnanakaw ng minamaneho niyang truck.
02:32Nakatutok si John Consulta, exclusive.
02:34Nang mapasok ng mga tauan ng Highway Patrol Group, ang staff house na ito sa Bakulor, Pampanga, nitong lunes, agad nilang tinungo ang kiniruroonan ng kanilang pakain na target.
02:47Ayon sa HPG, naglabas ng warat ang korte laban sa suspect nang ireklamo siya.
03:17Nang dati nitong pinagkatrabawuhan.
03:20The subject of this operation ay isa pong nagnakaw po ng truck na kanila pong pinagmamaneho.
03:26Siya nga po ay naharap po sa kaso po ng RA-10883 or yung tinatawag po natin new anti-car na pinlo.
03:34Taong 2022 pa rao nagganap ang krimen.
03:36Pero nagpalipat-lipat daw ang suspect para makaiwas sa huli.
03:40Una, ibigay po yung hostesya po sa ating mga kabahayan na pinagagawan na ito pong mga suspect po or ito pong mga wanted person na mga hinahagila po ng PNP-HPG.
03:53Sinisika pa namin makuha ang panig ng suspect na nakakulong na sa detention facility ng HPG.
03:58Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
04:05Patuloy na bumababa mga kaso ng leptospirosis sa bansa ayon sa huling tala ng Health Department.
04:11Bumaba na sa 18 ang tinamaan ng leptospirosis nitong August 17 to 21,
04:16kumpara sa lagpas isang libong kaso noong August 3 to 9,
04:21isang linggo matapos ang hagupit ng mga bagyo at habagat.
04:24Gayun man, di pa rin inaalis ang posibilidad na magbago ang bilang dahil patuloy pa ang pagkalap ng datos
04:30at nakaalerto pa rin ang mga DOH hospital lalo't tagulan pa rin.
04:35Sa kabuuan, mahigit apat na libong kaso na ng leptospirosis ang naitala mula June 8 hanggang August 21.
04:42Samantala, bukas ngayon ang mga health centers sa lungsod ng Maynila para sa libreng doxycycline contra leptospirosis.
04:50Pero mga kapuso, paalala mo rin ang DOH, kinakailangan ng reseta ng doktor bago uminom nito.
04:56Kaya magpakonsulta muna kung lumusong sa baha, may sugat man o wala.
05:03Mga kapuso, laong weekend tayo dahil holiday sa lunes, magiging maulan pa rin kaya.
05:08Alamin natin ang latest sa panahon mula kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
05:14Amor.
05:14Salamat Ivan, mga kapuso, nakalabas na nga sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong isang.
05:21Pero pumasok naman ang panibagong low pressure area na ngayon tumaas na rin ang chance ang maging bagyo ayon po sa pag-asa.
05:29Huling namataan ang pag-asa ang low pressure area sa layong 930 kilometers silangan po yan ng southern Mindanao.
05:35Nasa high o mataas na po yung posibilidad nito na maging bagyo sa susunod na 24 oras at kung matuloy ay papangalanan po na bagyong hasinto.
05:44Ayon po sa pag-asa, posibleng kumilos po ito papalapit dito po yan sa may northeastern Mindanao sa mga susunod na oras o bukas.
05:52Saka po lalapit yan dito sa may eastern Visayas o kaya naman po dito sa bahagi po ng Bicol Region sa mga susunod na araw.
05:59Pwede pang magbago ang galaw nito kaya patuloy po kayong tumutok sa updates.
06:03Sa ngayon, naramdam na rin po yung epekto ng trough o yung extension o bahagi po ng mga kaulapan nitong nasabing LPA dito yan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao
06:12kasabay rin po ng patuloy na pag-iral ng southwest monsoon o yung hanging habagat at makaka-apekto po yan sa ilang bahagi pa rin ng Pilipinas.
06:20May natitira rin pong epekto yung trough o extension naman ito pong dating bagyong isang kahit po nasa labas na po yan ng Philippine Area of Responsibility
06:29pero dito na lang po yan sa ilang bahagi ng northern Luzon.
06:32Base po sa datos ng Metro Weather umaga po bukas, wala pa naman gaano mga pag-ulan sa halos buong bansa
06:38maliban po dito sa western sections po ng Luzon, gano'n din dito sa may eastern Visayas, pati na rin po sa northern Mindanao, Caraga at Davao Region.
06:47Pagsapit po ng hapon, mas marami ng uulanin kasama po dyan ng halos buong Luzon mula po yan northern, central and southern Luzon
06:54at meron pong posibleng mga malalakas sa pag-ulan dito po yan sa may central Luzon, Calabar Zon, Mimaropa, Bicol Region,
07:00gano'n din dito sa malaking bahagi po ng Visayas at ng Mindanao.
07:04Kaya doble ingat pa rin sa posibilidad po ng mga pagbaha o pagguho ng lupa.
07:09May chance pa rin po ng ulan sa ilang lungso dito po yan sa Metro Manila, lalo na po yan bandantanghali at gano'n din sa hapon.
07:16Sa atin namang extended outlook, posibleng pa rin po makaranas sa mga pag-ulan,
07:20lalong-lalo na dito po yan sa may southern Luzon, pati rin po dito sa may Visayas at Mindanao
07:25dahil nga po sa inaasahan natin na paglapit ng bagong sama ng panahon.
07:30May chance rin po ng mga kalat-kalat na ulan sa iba pang bahagi ng ating bansa.
07:35Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
07:37Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
07:50Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment