00:00Sa ibang balita, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pinag-aaralang mabuti ang usapin sa online gambling.
00:08Ayon sa Presidente, nais niyang malaman ng salubi ng iba't-ibang stakeholders para ma-regulate ang online na pagsusugal.
00:17Si Harley Balbuena sa Sentro ng Balita.
00:21Binubuo pa ang polisiya hinggil sa online gambling.
00:25Ito ang paliwanag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay sa hindi niya pagbanggit sa kanyang ikaapat na State of the Nation address ng paghihigpit o tuluyang pagban sa online na sugal.
00:38Sa Part 3 ng BBM Podcast, inihayag ng Pangulo na maaaring wala sa mismong online gambling ang problema, kundi nasa maling pagkakalulong dito.
00:49We're trying to solve is that na hindi, yun na nga, hindi malubog sa utang ang mga, yung mga, hindi naman, wala namang kaya, pero napapasubo dahil sa sugal.
01:01Mga bata na natututo magsugal. Let's focus on that. Paano natin patitigilin yan?
01:08These are the things that we're going to examine and we will come up with a plan to make sure that we address the problem.
01:16Hinggil dito, sinabi ng Pangulo na ipatatawag na ang pagtitipon kasama ang lahat ng stakeholders upang marinig ang iba't ibang pananaw hinggil sa online gambling.
01:27Marami tayong naririnig from the CBCP. So, saman natin sila, mga pare, mga obispo.
01:33The parents, of course, are stakeholders here kasi victimized demographic ang mga kabataan.
01:40Tapos, we have to talk to the people who will, if mag-re-regulate tayo, who will be doing the regulation.
01:46Matatandaang sa kanyang sona noong nakarang taon, inanunsyo ng Pangulo ang pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators o Pogo.
01:55Kanya namang nilinaw ang pagkakaiba ng Pogo sa online gambling.
01:59This is not a criminal enterprise. The Pogo, sinabayan ba naman ng human trafficking, credit card scam, kung ano-ano na nangyayari?
02:10Yun ang naging problema, the illegal part of it.
02:12Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.