Skip to playerSkip to main content
Ipasisilip na rin ng Department of Health sa Independent Commission for Infrastructure o ICI ang halos tatlondaang super health centers, na pinondohan ng milyong-milyong piso pero hindi pa natatapos kaya hindi mapakinabangan. Ang mag-asawang Discaya naman, nagsabing hindi na makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICI. May report si Joseph Morong.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito na, nakhanap na namin.
00:30Super Health Center dapat ang nakatayo sa loting ito sa Barangay Conception 2 sa Marikina City.
00:35Pero tila gubat ang nadatnan ni Health Secretary Ted Erbosa.
00:39May mga pundasyon nakatayo pero wala ang mismong gusali.
00:43Di ba yung manananggal, hati? Yung itaas wala, yung iba ba na iiwan?
00:47So, ewan ko lumilipad siguro yung manananggal dito. Ito yung paanan.
00:52Ang pagtatayo ng pundasyon ay bahagi ng Phase 1 ng construction na pinondohan ng 21.5 milyon pesos.
01:00Noon pang unang bahagi ng 2024 ito natapos ng lokal na pamahalaan ng Marikina.
01:06DPWH ang nakatoka sa Phase 2 o pagtatayo ng apat na palapag na gusali.
01:11Pero hindi ito maumpisahan dahil di pa umunan na ibibigay ng unang contractor ang ilang dokumento.
01:17Ayaw ibigay ng previous Phase 1 contractor as-built plans kasi yung ano yung na-build niya sa foundation.
01:22Kasi importante yan para alam mo kung ano yung itatayo mo on top.
01:26Isa ito sa halos 300 super health centers na hindi natapos at di mapakinabangan.
01:3212 to 20 milyon pesos daw ang budget sa bawat isa.
01:36Sabi ni Herbo sa insertion ito sa 2022 General Appropriations Act kaya hindi dumaan sa planning ng DOH at nakita na lamang nila sa national budget.
01:46This is a waste of money ah. 21 milyon. Does it serve a single patient? No.
01:53Sayang yun di ba? That's your tax money. Kayo nagbayad nito.
01:56Prioridad daw ng DOH na tapusin ang mga ito.
01:59Ang Marikina LGU naman humiling ng 180 milyon pesos sa DOH para sila na ang tumapos sa gusali.
02:08Pero wala pa raw ibinibigay na pondo ang ahensya.
02:11Ang Department of Health, tingin ko malaki ang pagkukulang dito kasi hindi nila napondohan ng tama.
02:16Ang gagawin po ng city, naglaan po kami ng 200 milyon para po makomplete lang ang proyektong ito.
02:23Tumanggi si Herbosa na magturo kung sino may kasalanan sa di mapakinabangang Super Health Center.
02:29Pero sa biyernes magsusumite siya sa Independent Commission for Infrastructure o ICI ng kanilang natuklasan.
02:36Ma'am, comment lang po ma'am. Abang sa BIR ma'am.
02:39Comment lang po ma'am. Inasuan po kayo ng 7.1 milyon.
02:42Hello ma'am. Comment lang po.
02:46Ang mag-asawang diskaya naman hindi na raw makikipagtulungan sa ICI.
02:50Sabi ng kanilang abogado, inakala na mag-asawa na mas malaki ang tsansa nila maging state witness kung makikipagtulungan.
02:58Pero kumambyo sila ng sabihin ni ICI Commissioner Rogelio Singson sa isang panayam na walang qualified na maging state witness sa ngayon.
03:06Ayon sa Independent Commission for Infrastructure o ICI, hindi ra makakaapekto sa embestigasyon na kanilang ginagawa
03:12ang hindi pakikipagtulungan ng mga diskaya.
03:15Nasa labing-anim na mga resource persons ang naipatatawag ng ICI at nakapag-submitin na rin naman daw ng kanilang mga affidavit ang dalawa.
03:24Para sa ombudsman, misguided ang mga diskaya, lalo tanging option lamang daw nila sa ngayon, ay makipagtulungan sa gobyerno.
03:32Pinagbigyan naman ang Justice Department ang hiling ng ICI na idagdag sa Immigration Lookout Bulletin
03:37ang labing-anim pang-indibidwal na idinadawid sa anomalya sa flood control projects.
03:42Kabilang dito, sinadating Congresswoman Mary Michika Hayon Uy, ang ama ni Queson City 1st District Representative Arjo Atayde
03:49na ayon sa mga diskaya ay personal nilang inabutan ng komisyon.
03:54At si Romeo Bogs Magalong na umunitauhan ni Queson City 4th District Representative Marvin Rillio.
03:59Sinisika pa namin silang hinga ng pahayag.
04:01Ang paggulong ng imbestigasyon sa katiwalian sa mga flood control projects, marami ng pangalang na dawit
04:08kabilang ilang kaalyado ni Pangulong Bongbong Marcos.
04:11Tanong ngayon sa Pangulo, aabot ba ang mga aligasyon sa Malacanang?
04:15The opposition would love to bring me into this.
04:20That is not to do about corruption, that is to do about politics.
04:24Gusti nila akong tanggalin.
04:26Pagtitiyak ng Pangulo, iimbestigahan ang lahat ng naaayon sa ebidensya.
04:31Ang panawagan ng taong bayan na panagutin ang mga sangkot sa katiwalian
04:41di na lamang sa mga protesta dumadagundong,
04:48kundi pati sa mga concerts,
04:57sports event,
04:58maging sa mga prestigyosong pagtitipon tulad ng Sinemalaya.
05:10Artista ng bayan!
05:12Ngayon ay lumalaban!
05:14Ngayon ay lumalaban!
05:16Artista ng bayan!
05:18Kulong yung mga kurakot!
05:19Gaya ng September 21, may malakihan ding marcha sa November 30.
05:23Kulong tayo mga kurakot!
05:27Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended