00:00Ginugulita ngayong araw ang 42nd death anniversary ni dating Sen. Ninoy Aquino.
00:06Nag-alay po ng bulaklak ang National Historical Commission of the Philippines at August 21 Movement o Atom sa marker ni Ninoy sa Naiya Terminal 1 sa Pasay, kung saan siya pinatay noong 1983.
00:19Sinundan po yan ang motorcade patungong Paranaque kanina. Nakikiisa rin si Pangulong Bongbong Marcos sa pagunita sa dating Senador.
00:27Sa isang pahayag sinabi ng Pangulo na inaanyayahan tayo ng kasaysayan na magnilay kaysa mag-react.
00:35Dahil ang tunay na pagninilay raw ang magbibigay ng tunay na pag-unawa sa ating tungkulin.
00:41Isa rin daw itong imbitasyon na mamahala ng may kahinahunan, konsensya at pag-intindi sa hinaharap.
00:51Dapat din daw piliin ang kapayapaan kaysa kaguluhan at dignidad kaysa pagkakaiba-iba.
00:58Si Ninoy ay isa sa mga naging kritiko ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at nakilala sa pagsusulong niya ng demokrasya.
Comments