00:00Pulli cam sa Maynila, lima ang sugatan matapos araruhin ng isang SUV ang ilang sasakyan.
00:06Balitang hati ni Jomer Apresto.
00:10Kuha yan sa Rizal Avenue sa Blooming Treat sa Maynila pasado alas 9 kagabi.
00:15Malayo pa lang, matatanaw na ang isang puting SUV na mabilis ang takbo.
00:19Ilang saglit lang, limang tao ang nasugatan sa aksidente, kabilang ang lalaking tatawid lang sana.
00:27Ayon sa driver ng pampasaherong jeep na nabanggan ng SUV, nasa dalawampu ang kanyang pasahero nang maganap ang aksidente.
00:35Maswerte raw at walang nasugatan sa kanila.
00:37Pero makikita na sa lakas ng impact, wasak ang harapan ng SUV at nayupi naman ang likuran ng jeep.
00:44Tinulungan ko pa sila pagbaba kasi dito halos dumaan lahat eh. Kasama ko pa yung misis ko.
00:49Ayon sabi ko, huwag kayong umalis kasi kung may nasaktan sa inyo, magpamedical tayo, ma-charge doon sa bumanga sa atin.
00:57Ayon naman sa barangay, dumating ang rescue team na nagbigay ng atensyong medikal sa mga biktima.
01:03Minamaneho raw ng isang foreign national ang SUV.
01:06Hindi siya bumaba ng sasakyan.
01:08Ng pagdating ng polis, binuksan. Nag-iisa lang naman siya.
01:11Napagalaman din ang barangay na bago ang aksidente,
01:14una nang bumanga ang SUV sa Center Island na sakop ng katabing barangay.
01:18Ilang segundo pagkatapos niyan, nakuha na na ang nagmamadaling SUV sa bahagi ng Rizal Avenue, corner Cavite Street,
01:25na muntik pang bumanga sa isang lalaking naglalakad.
01:28Siguro nung pagkabangga niya sa kabilang barangay, siguro naratel na siya.
01:34Gusto niya ng takasan.
01:37Lalo niya tinuloy na niyang takbo.
01:39Dinala na sa Manila District Traffic Enforcement Unit ang driver ng SUV para sa investigasyon.
01:45Sinusubukan pa namin siyang makuhanan ng pahayag.
01:48Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments