00:00Nagsisimula na rin dumagsa ang mga deboto sa imahe ng poong Jesus Nazareno sa Talibon, Bohol.
00:06Ang imahe na matatagpuan sa Bargay San Agustin, tinawag na White Nazarene at may suot na bughaw na sinturon.
00:13Iba ang kulay niyan sa nakasanayan na imahe ng poong Jesus Nazareno.
00:17Ayon sa mga deboto, mahimala rin ang White Nazarene at wala itong pinagkaiba sa poong Jesus Nazareno na nasa Maynila.
00:26Traslasyo naman ang Senyor Santo Niño ang pinaghahandaan sa Mandawe, Cebu.
00:31Nagsagawa na ng walkthrough ang mga otoridad sa magiging ruta niyan.
00:35Matapos ang walkthrough, nagsagawa rin ang briefing sa sports complex na dinaluhan ng iba't ibang law enforcement units.
00:42Mahigit sanlibong personel ang idedeploy sa Mandawe para matiyak ang siguridad sa pagdiriwa.
Comments