Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Itinanggi ni Nadia Montenegro na siya ang empleyado ng Senado na sinasabing gumamit umano ng marijuana sa isang silid doon.
00:08Kasabay nito, nag-resign na si Montenegro bilang miyembro ng staff ni Sen. Robin Padilla.
00:13May unang balita si Mav Gonzalez.
00:19Nag-resign na si Nadia Montenegro bilang political officer ni Sen. Robin Padilla
00:24isang araw bago ang deadline para magpaliwanag siya sa investigasyon ng Office of the Senate, Sergeant at Arms o OSAA
00:31sa kung gumamit ba siya ng marijuana sa Senado.
00:34Pero pumalag siya sa anya'y malisyosong pagkalat online ng incident report ng OSAA
00:39kaya anya siya hinatulan ng publiko kahit walang due process.
00:43Pinangalanan kasi siya sa OSAA incident report.
00:46Bago nito, kumalat muna sa isang online article
00:49ang paggamit umano ng isang Senate staff ng marijuana sa banyo ng Senado
00:53pero walang pinangalanan.
00:55Naghain ng paliwanag si Montenegro
00:57at itinangging siya ang pinatutungkolan sa article.
01:00Wala anyang insidente na may tauha ng OSAA na pumunta sa opisina nila
01:04na nagtanong sa kanya ukol sa amoy ng marijuana galing sa banyo.
01:09Wala rin anyang incident report ukol dito na isinumite ang OSAA personnel.
01:13Napakasakit anya na dinungisan at sinira ang kanyang reputasyon
01:17ng isang istoryang ayon sa kanya ay hindi naman totoo.
01:20Baga man nag-resign, hindi anya ito pag-amin ng kasalanan.
01:24Pagpapakita lang anya ito ng respeto sa Senado at sa opisina ni Senador Padilla
01:28para hindi na lumaki pa ang issue at makapagfokus ang Senado sa mahalagang trabaho nito.
01:34Tinanggap na ni Padilla ang kanyang pagbibitiyo.
01:37Hiniling na ni Senate Minority Leader Tito Soto
01:39kay Senate President Cheese Escudero
01:41ang random drug testing sa mga opisyal at empleyado ng Senado.
01:45Sabi ni Escudero, may ganitong intensyon na at may kasunduan sa East Avenue Medical Center ukol dito.
01:52Dagdag niya, ginawa na rin ito noong 2018 hanggang 2020
01:55pero may naghain ng administrative at iba pang kaso
01:58dahil panghihibasok o mano sa karapatan ng ilang empleyado.
02:02Ngayon, isinasapinal na ang bagong polisiya sa mandatory random drug testing.
02:07May mga voluntary na rin nagpa-drug test o magpapa-drug test.
02:10Pag wala naman kayong tinatago, bakit matatakot?
02:13In-encourage ko po ang lahat ng mga Senador at kanila mga opisina na magpa-drug test na.
02:19Para sa ganun ay talagang mawawala ng duda na mag-nagdudurog dito sa ating Senado.
02:28No ifs, no buts. Kahit na sino pa yung pag nag-positive, tanggal.
02:32Panukala naman ni Senador Padilla, obligahin lahat ng inihalal at inappoint sa gobyerno na magpa-drug test.
02:38Sa ilalim ng panukala, sasa ilalim sa hair follicle at urine drug testing lahat ng opisyal ng gobyerno,
02:44mapalukal o nasyonal, kabilang ang mga GOCC.
02:47Kung magpositibo sila, pwede silang matanggal sa pwesto o di kaya naman ay masuspinde alinsunod sa umiiran na batas.
02:54Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended