00:00Pinangalanan si Nadia Montenegro bilang staff ni Sen. Robin Padilla na gumamit umano ng marihuana sa loob ng gusali ng Senado.
00:08Itinanggi na ito ng dating aktres sa isang legislative staff officer ng Senado.
00:13Sinusubukan pa rin namin siyang punan ng pahayag hanggang sa mga oras na ito.
00:17May unang balita si Mark Salazar.
00:23Simoy ng tila marihuana sa loob mismo ng gusali ng Senado?
00:27Yan ang nireport sa Senate Sergeant at Arms, hindi lamang isa kundi sa dalawa ng pagkakataon.
00:34Batay sa incident report ni LSO1 Victor Patelo, itinawag sa kanya noong Hulyo ang tungkol sa malakas na amoy sa 5th floor.
00:43Nang inspeksyonin, wala rin siyang nakitang naninigarilyo.
00:46Nito namang August 12, isa ulit staff ng isang Senador ang nagsumbong na may kakaibang amoy na nanggagaling sa ladies' room ng extension offices ng mga Senador.
00:56Inahilin tulad nito ang amoy sa marihuana.
00:59At sabi niya, ang tangi umanong na sa area ay si Nadia Montenegro,
01:03ang dating aktres na si Nadia Montenegro ay staff ngayon ni Senador Robin Padilla.
01:09Nang tanongin ni Patelo si Montenegro, itinanggin niyang nanigarilyo siya sa loob ng ladies' room o gumamit ng marihuana.
01:16Pero sinabi nitong meron siyang vape sa kanyang bag, kaya baka ito raw ang pinanggalingan ng kakaibang amoy.
01:21Sinusubukan naming makakuha ng pahayag mula kay Montenegro.
01:25Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Secretary Attorney Renato Bantug Jr. na inatasan niya ang Sen. Sergeant at Arms na agad magsagawa ng imbestigasyon.
01:34Sa utos din ni Sen. President Chief Escudero, ipinadala ng Sen. Secretary of the Sen. ang incident report tungkol sa umanoy paggamit ng marihuana sa opisina ni Sen. Padilla
01:45para sa kanyang kaalaman at naakmang aksyon.
01:48Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Sen. Padilla, pero ayon sa kanyang Chief of Staff na si Attorney Rudolf Philipp Jurado,
01:56iniimbestigahan na nila ito at pinagpapaliwanag na rin ang nasasangkot nilang lady staff.
02:01Ito ang unang balita, Mark Salazar para sa GMA Integrated News.
02:06Gusto mo bang mauna sa mga balita? Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
02:15Sampai jumpa.
Comments