00:00Hindi pa natatapos ang palitan ng salita ng Chinese Embassy at Senado.
00:04Ang Chinese Ambassador kinwestiyon kung sino ba talaga ang bastos at hindi marunong rumespeto.
00:10Mungkahi ng ilang senador, palitan na lang ang Chinese Ambassador sa Pilipinas.
00:14May unang balita si Mark Gonzalez.
00:19Matapos ang palitan ng maaanghang na salita ng mga opisyal ng Chinese Embassy at gobyerno ng Pilipinas,
00:26mungkahi ng mga senador, palitan na ang kinatawan ng China sa Pilipinas.
00:56They should not be hostile. Nandito sila sa host country.
01:00They've been very hostile against the officials of our government.
01:06Bago nito, naglabas ang mga senador ng resolusyong kumukondena sa mga sinabi ng Embahada ng China
01:13laban sa mga opisyal ng Pilipinas na nagtatanggol sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
01:19Sabi ni Senador Rafi Tulfo, hindi naman binabantaan ng Senado ang Chinese Embassy,
01:24kaya hindi niya anya naiintindihan kung bakit agresibo sila.
01:28O baka katang-isip lang nila, the resolution is no way a threat to any members of the Chinese Embassy.
01:37Silang agresor dito, and yet nakuha pa nilang maging sensitive?
01:42Come on, we're just expressing our voice, the sentiments of the fisher folks na matagalang naharas, nabubuli.
01:49Totoo naman yung mga pinanggagawa nila.
01:51Kasama na yung mga Philippine Coast Guard na kanilang hinaharas, kinakano, water kanon.
01:55Hindi ba haras may dyan, hindi pa pang bubuli yan.
01:57Sabi ni Tulfo, dapat mag-usap ngayon ambassador to ambassador para maayos ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.
02:05Sabi ni Senador Kiko Pangilinan, punot dulo nito ay ang iligal na ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
02:12Nagkaroon na ng arbitral ruling noong 2016, ayaw nilang kilalanin.
02:18Ayaw natin silang awayin, pero ayaw din natin at hindi tayo papayad na aagawin nila
02:24at manatiling nararian sila iligal sa usapin ng ating exclusive economic zone.
02:32So, yung bitiw nilang salita after our resolution, ay patunay talaga na isa silang bully.
02:38Bagaman hindi pumirma sa resolusyon ng Senado kontra sa mga pahayad ng Chinese Embassy,
02:44sabi ni Senador Robin Padilla na dapat maging diplomatiko.
02:49Dapat, sumunod tayo kung ano yung sinasabi ng Pangulo, firm daw pero diplomatic, hindi bastos.
02:56Kung ano man ang gawin ng Senado, amin yun, kasi hindi naman yun,
03:01hindi namin sinasama ang executive doon, hindi namin sinasama ang judiciary doon,
03:06decision lang ng Senado yun.
03:09Kaya kung ano man yung position namin, walang sino man ang pwede magsabi na mali yun.
03:13E, decision yun ng mga Senador eh. Pero ako, personal ako, hindi ako kasama doon sa resolusyon na yun.
03:21Kasi nga, ang gusto ko tanggalin yung sinasabi na sinusuportahan si Tariela.
03:27Ang mungkahin ng mga Senador, nagmula sa bagong banat ni Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingping
03:32kay Senate President Tito Soto.
03:35Sabi ni Ji sa isang pahayag, kung tingin sa kanila ay bastos,
03:38ano na lang aniya ang mga Senador na nagsabi sa kanila sa plenaryo na umalis na.
03:44Sinasabihan aniya silang hindi marunong rumespeto,
03:46gayong may mga Senador na tumawag sa China bilang bully,
03:50at sinabihan ang Chinese Embassy, the bad guest at troll farm.
03:54Hindi anila sila mape-pressure sa mga pahayag o resolusyon,
03:58at sasalagin ng anumang kasinungalingang sabihin laban sa kanila.
04:01Sagot ni Senate President Tito Soto sa huling tirada ng Chinese Embassy,
04:06nakakainis pag kinakanti ka at hindi ka kumikibo.
04:09Mas gusto raw niyang manginis na lang.
04:11Ito ang unang balita.
04:13Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
04:17Sinagot naman ang Chinese Embassy ang mungkahin ng ilang Senador
04:20na palitan na ang kanilang Ambassador.
04:22Pag-question ni Spokesperson Ji Lingping,
04:25ano ba ang tingin ng mga Senador sa sarili nila?
04:28Sabi ni Ji, alam naman daw ng mga Senador na wala silang kakayahang palitan
04:32ang Ambassador pero patuloy pa rin sila saan niya'y pagpapanggap.
04:37Ito raw ba ang tinatawag nilang pagrespeto
04:39at sino raw ba ang sinusubukang takuti ng Senado?
04:43Dagdag na yung bahada,
04:44may mga politikong nag-aastang batang naglalaro
04:46pagdating sa usapin ng diplomatic affairs.
04:49Sana raw ay matuto silang intindihin ang diplomasya.
04:56Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
05:00Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel
05:02ng GMA Integrated News.
Comments