00:00Bumaba ang mga kaso ng involuntary hunger sa bansa nitong ikalawang quarter ng taon,
00:05batay sa datos ng social weather stations.
00:08Yan ang ulit ni Bel Custodio.
00:11Sa kadiwan ng Pangulo sa ADC Building ng Department of Agriculture na bumibili ng bigas at gulay si Vicente.
00:18Pukot kasi sa mura, walking distance rin daw ito mula sa bahay niya.
00:23Murang-mura sa amin, kasi malaking bagay yun sa amin, 20.
00:26Kasi sa buibili namin na 40, 42.
00:32Dito na kami, umpisa ngayon, kasi ngayon lang namin alam na may nagsabi sa amin na dito pala daw bili yan.
00:40Sa palengke naman namimili ng bigas si Tambo.
00:43Mahalaga daw ang kanin sa kanilang hapag, kaya masaya siya na bumababa na ang presyo ng bigas.
00:48Malaki, malaking importante kahit araw-araw kang magsaing, araw-araw kang kumakain.
00:55Tatlong beses sa isang araw.
00:58Okay naman, bumaba naman siya.
01:00Hindi katulad noon, umabot ng 60, 65, ganun.
01:04Medyo ano rin yung budget namin, tumas ng kunti.
01:09Stable na presyo ng bigas, maayos sa supply chain sa pagkain, at madaling akses sa pagkain kagaya ng patuloy na lumalawak ng 20 bigas meron na program.
01:20Yan ang posibleng dahilan ng pagbaba by 4% ng hunger rates sa Pilipinas sa ikalawang kwarter ng taon, batay sa datos na inilabas ang social weather stations.
01:30Bumaba ng 16.1% ang naitalang involuntary hunger nitong Hulyo mula sa 20% itong unang kwarter ng 2025.
01:39Dumami na rin ang food assistance program kagaya ng kadiwa ng Pangulo kung saan ipinatutupad din ang 20 bigas meron na program at mas abot kayang presyo ng gulay at prutas.
01:49Patuloy din ang walang gutong program ng DSWD na target din ng mga nasa vulnerable sectors upang matiyak ang food security na layunin ang administrasyon ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr.
02:01Tinitingnang epekto din ang pagbaba ng involuntary hunger ang pagbangon mula sa epekto na El Nino noong nakaraang taon, pagtaas sa employment rate, at pagkupa ng krisis sa Middle East.
02:12Dahil dito, malaki ang ibinaba ng involuntary hunger sa Mindanao by 16.6% na malaking ambag sa national involuntary hunger rate drop sa bansa.
02:221.7% naman ang ibinaba sa Balanced Luzon o mga probinsya sa daba sa Metro Manila, habang bahagyang tumaas ang involuntary hunger rate sa Metro Manila ng 1.4% at Visayas ng 2%.
02:35Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bakong Pilipinas.