Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ipinagutos ni Pangulong Bombong Marcos sa Department of Public Works and Highways na i-blacklist na ang mga palpak na kontratista sa mga flood control project.
00:08Samantala, inilahad naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang napag-alaman niyang hatian o mano sa pondo ng mga proyekto.
00:16May unang balita si Maki Pulido.
00:22Nagvavolunteer si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na imbesigahan ang flood control projects.
00:27Hindi naman daw pwedeng kongreso ang mag-imbestiga dahil parang i-imbestigahan nila ang sarili nila.
00:48Ayon kay Magalong, kalimitang moro-moro lang ang mga bidding.
00:52Ang paboritong construction companies daw ng mga politiko ay ang mga mabilis umano magbigay ng kickback sa kanila.
00:59Sabi raw ng mga nakausap niyang kontratista sa 100% na project cost, 25% umano ang ibibigay sa committee on appropriations ng kongreso,
01:075 to 10% para sa kongresista na kung tawagin ay parking fee o pass-through,
01:123% sa bids and awards committee ng DPWH,
01:16at may 3% din ang mga lumahok sa moro-moro na bidding.
01:19Kung 12% ang kita ng construction company, 30% na lang daw ang matitira para sa mismong flood control project.
01:26Ang kwento nga dyan, naman ang de-contractor, sabi niya, kung sino pa ang di pumipirma sa dokumento,
01:34siya pa ang may pinakamalaking porsyento.
01:37Sipin mo, pag nagkakaso, sinong kakasuhan?
01:42Yung mga nakapirma sa dokumento, sa kontrata, DPWH, at yung kontraktor.
01:48Pero yung pinakamalaking mga porsyento, ito yung mga politiko.
01:52Anong sabi, paano sila masasabi?
01:54Ang Malacanang hinimok si Magalong na ilahad sa Pangulo kung anong may tutulong nito.
01:59May naiset na raw ng mekanismo ang Pangulo kung paano iimbestigahan ang mga proyektong ito.
02:04Walang timeline na ibinigay si Pangulong Bongbong Marcos,
02:06bagamat naisumanon niyang mabilisan ang pag-iimbestiga.
02:10Pag diin pa ng palasyo, dapat may mapanagot sa palpak na flood control projects
02:14o kaya ay ghost projects.
02:15Ayon kay Pangulong Marcos Jr., dapat na may managot sa ganitong uri ng kapabayaan,
02:23katiwalian, at panluloko at tiyakin na mananagot sa batas ang lahat ng may sala.
02:30Nakakadismaya at nakapagtataka kung bakit napupunta sa mga pabayang contractors
02:35ang mga ganitong proyekto.
02:37Ang COMELEC, posible rin daw mag-imbestiga kaugnay ng campaign donations
02:41ng mga kontratista ng gobyerno, lalo't pinagbabawal ito ng Omnibus Election Code,
02:46kasama sa titignan ng Statement of Contributions and Expenditures o SOSE
02:50na mga tumakbo noong 2022 at ngayong taon.
02:54Tanggat hindi tapos ito yung prescriptive period,
02:57ay pwede po po kami gumawa ng lahat ng hakbang
03:00dahil nasa aming pong jurisdiction pa yan.
03:03Sa gitna ng mga issues sa flood control projects,
03:05mahigit P270 billion ang ipinapanukalang budget ng DPWH para sa taong 2026.
03:11Mas mababa ito ng mahigit P75 billion kumpara ngayong taon.
03:16Dapat ang implementing agencies po natin,
03:20marunong mag-monitor ng mga proyekto
03:24to make sure na yung mga proyekto po ma-implement ang tama at sa tamang oras po.
03:30Sa ipinapanukalang budget, sabi ng DPWH,
03:33may mga bagong flood control project at bagong pondo para sa pagpapatuloy ng mga nasimulan na.
03:39Giyit ni DPWH Secretary Manny Bonoan, mahigpit ang kanilang bidding process.
03:44Yung bidding process is a very structured process.
03:47It's an open competitive bidding po.
03:49Scrutinized naman sa legal, technical, and financial status of every bidder.
03:56DPWH ang pangunahing implementing agency ng mga flood control project.
04:00Direktiba sa kanila ni Pangulong Bongbong Marcos,
04:03i-blacklist ang mga palpak na kontratista sa mga flood control project.
04:07Sa labing limang contractors na inilista ng Pangulo na nakacorner ng 20%
04:12ng kabuang pondo para sa proyekto,
04:15nakita ng GMA Integrated News Research na anim ang binigyan ng PUR
04:19o kaya'y unsatisfactory rating sa Contractors Performance Evaluation System o CPES
04:25base sa siyam na government projects na kanilang ginawa.
04:29Ginawang pagsusuri ng Construction Industry Authority of the Philippines
04:32para sa mga proyekto mula July 2015 hanggang June 2025.
04:37Base sa CPES Implementing Guidelines,
04:40ang contractor na nagkaroon ng PUR o Unsatisfactory Rating
04:43ay magiging blacklisted sa paglahok sa alinmang proyekto ng gobyerno
04:48alinsunod sa Government Procurement Policy Board.
04:51Ito ang unang balita, Mackie Pulido para sa GMA Integrated News.
04:56Gusto mo bang mauna sa mga balita?
04:58Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
05:01at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended