Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At sa puntong ito, talakayin natin ang usapin ng National Budget kasama si Senate Committee on Finance Chairman Sen. Winn Gatchalian.
00:07Sen. Winn, good morning, sir.
00:09Good morning, Ivan. Magandang magas sa ating mga tagapakanid.
00:12Sen, unahin lang po natin itong mahigit 6 billion pesos na tinapya sa budget ng TUPAD program ng Dole para sa 2026
00:18at nasa 1 million beneficiaries daw ang sinasabing maapektuhan. Bakit kaya ito binawasan, Sen.
00:25Ang explanation sa amin, at nakita rin namin ito, ay noong 2025, dinagdagan ng Kongreso ng halos ganyan,
00:37mga 4 to 5 billion ang TUPAD para dumami yung bilang ng beneficiaries.
00:45Pero dahil ito ay dinagdag ng Kongreso, ngayon for the 2026 budget, tinanggal naman ng DBM.
00:53So, ibinalik niya sa dating level itong TUPAD.
00:57Pero nakikita rin namin na meron rin mahalagang papel ang TUPAD.
01:03Lalo na pagdating sa mga tinamaan o sinalanta ng bagyo.
01:08Dahil kibamihan ng mga sinalanta sa bagyo, wala muna silang trabaho.
01:11So, dito pumapasok yung TUPAD para bigyan sila ng temporary employment.
01:16Pero nausisa ho ba kung talagang na-achieve ng TUPAD yung kanyang objective?
01:21Actually, magandang tanong yan. Yan ang request namin.
01:25Dahil, in principle, maganda yung kanyang objective dahil temporary employment.
01:29Pero, na pag-aralan ba mabuti kung ito ay sustainable?
01:34Or ano ba ang dapat na kaakibat na programa ito, kasama nito?
01:39Dahil nga temporary lang ito, ang gusto natin, kahit na pagtapos ng temporary employment,
01:45meron pa siyang mga susunod na pwedeng pagkakitaan tulad ng livelihood, tulad ng self-employment.
01:53So, importante rin, tignan natin yung kabuuan.
01:56Hindi lang yung period na nawalan siya ng trabaho, kundi kabuuan.
01:59Dito naman po, Senator, sa budget ng DPWH,
02:03ang sabi nyo, posibleng pa itong mabawasan.
02:06350 billion pesos yung nabanggitin yung figure, Senator?
02:10Correct. Kasi, Iwan, marami kami nakitang doble-doble at tawag namin repeated projects.
02:15Still? Di ko pa binalik na yan sa DBM at sa DPWH?
02:20Bago na ka-dyan. Nag-ulat rin kami. Akala namin, lininis na mabuti.
02:24Pero, aminado rin si Secretary Hezon na ang dami pang reappearing projects.
02:29Bigyan kita ng halimbawa, may nakita kami mga projects na tapos na, ginawa na noong 2025,
02:35nag-reappear siya for 2026.
02:38Marami rin kami nakita ang mga projects na doble-doble.
02:41Halimbawa, 2026, construction ng isang multipurpose building.
02:44Biglang, rehabilitation ng multipurpose building in the same year.
02:48Hindi naman pwede na-construct ka tapos magre-rehabilitate ka in the same year.
02:53So, maraming mga ganyan kaming nakita, worth about 300, mga ganyan, 350 billion.
02:58So, yan ho, susuyurin natin. Halimbawa, yan, naka-review na ng DPWH at DBM.
03:06Nireview rin ang Senado. Meron pa ho kaya posibleng makalusot ng mga ganyan, mga klaseng proyektong, mga tinatag na red flag?
03:12Well, binigyan namin ng pagkakataon ang DPWH, linisin ulit ang listahan at bibigyan kami ng mga detalya nitong mga proyektong ito at i-upload namin.
03:25Isasama namin sa budget at i-upload namin ito.
03:28Isa pang mga red flag na napakalaki ay yung walang station number.
03:32So, ibig sabihin may proyekto pero hindi natin alam kung saan o gano kahaba.
03:37So, walang transparency siya.
03:38Kaya kung ikaw ay taga doon at gusto mo malaman kung nasaan yung proyekto, hindi mo mo talaga mahahanap.
03:44Ito'y isang posibilidad na magkaroon ng ghost projects.
03:49Or, Senator, ito ho ba, sa kabila ho ng mainit na usapin ngayon, pinag-uusapan natin, galit na galit na nga ang tao sa corruption.
03:56Pero, nakikita nyo ho ba ito na posibleng nagtatangka pa rin, may nagtatangka pa rin na magsingit ng mga ganyan?
04:03Well, si Secretary Hezon kasi one month pa lang sa trabaho. Halos wala pang one month.
04:08So, nung nangyari ito at binalik yung budget sa kanya, lininis nila, at least in mga tao niya, kung hindi siya personally, mga tao niya,
04:17at ibinalik sa kongreso after one week.
04:19Pero, yung paglilinis naman nila, hindi rin gano'ng kapulido.
04:23Kaya, nung tinignan namin ulit dito sa Senado, at aminado siya,
04:27sabi niya, talagang problematic yan,
04:30ay nakita namin may mga problema pa.
04:33Kaya, hindi natin maalis.
04:35Ako, hindi ko maalis sa isip ko na yung mga taong nasa loob,
04:38eh, baka nagpapalusot pa rin.
04:41Para, kasi hindi naman nila akala...
04:43Dati kasi hindi rinireview ganito kaditali.
04:44Yes, yes.
04:45O, ngayon, rinireview na ganito kaditali,
04:49at kaya akala nila na makakalusot pa rin.
04:51And of course, hindi lang ho kayong nagdududa.
04:53Of course, yung sambayanan, tamang duda rin po pagdating sa mga ganyan.
04:57Dito naman po sa, ano, Senator,
04:59dito sa Statement of Assets, Liabilities,
05:01and the network.
05:03Ilan na ho kayong mga senador na naglabas ng SALEN?
05:06Sa pagkaalam ko, mga apat na.
05:09Sa pagkaalam ko, no?
05:11Every day kasi may mga bagong senador na naglalabas.
05:14May procedures kasi kami na dapat mag-request
05:18at itatangin yung mga personal information.
05:23Pero ako naman, basta legitimate yung mga nagre-request
05:26at halos lahat naman,
05:27legitimate yung nagre-request sa akin for the last nine years,
05:30wala naman tayong dini-deny.
05:31Or siguro po, just a show of goodwill and transparency,
05:36hihimokin niyo ho ba ang inyong mga kapwa senador
05:39na ilabas ng SALEN kahit walang humihingi?
05:41Para lang ipakita sa taong bayan na walang tinatagaw ang mga senador.
05:45Basay naman sa aming pag-uusap,
05:47lahat naman ay nag-a-agree na ilalabas yung kanilang SALEN.
05:51Basta sumunod lang doon sa procedures ng Senado.
05:56Wala akong nakausap ng senador na hindi sumasang-ayon.
06:01Dito naman po tayo, Senators,
06:03sa usapin ng chairmanship ng Blue Ribbon Committee.
06:06Babalik daw po sa Sen. Ping.
06:08May informasyon na po ba kayo dito kung confirm na?
06:10And would you have any comments on this?
06:13Base sa akin, mga pag-uusap sa mga kasamahan natin,
06:16parang ganun na ang takbo.
06:18Of course, di ko pa nakakausap personally si Sen. Lacso
06:20na mas maganda marinig natin sa kanya.
06:23Pero dahil si Sen. Lacso
06:25ang nagsiwalat nitong mga corruption issues,
06:29lalo na yung mga pangalan.
06:31Kung pinakinggan ko mabuti yung kanyang privilege pitch,
06:35siya ay yung naglabas tungkol sa Bulacan,
06:39First District, doon sa mga personalities,
06:41even ni Modus.
06:43Kaya mas maganda siya na magpatuloy
06:44kasi naniniwala ako na malalim na yung kanyang nalalaman tungkol dito.
06:49Sen. Winn, thank you very much, sir,
06:51for joining us this morning.
06:53Nakakausap ko natin, Sen. Winn Gatchalian.
06:56Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
06:59Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel
07:02ng GMA Integrated News.
Comments

Recommended