00:00Siniguro ng Malacanang na walang banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05Samantala, pumalag ang palasyo sa bagong tirada ni Vice President Sara Duterte.
00:10Yan ang ulat ni Clay Solpardilla.
00:15Sa kabila ng pagputok ng karahasan sa mapayapasan ng protesta laban sa katiwalian,
00:21tiniyak ng Malacanang na walang banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:26Wala pong nararamdaman sa kasalukuyan na threat.
00:31Of course, maliban lang, sabi nga natin, sa mga nakaraang threat ng Vice Presidente sa kanyang buhay.
00:37Sa ngayon po ay wala pong direct threat na nakikita at nararamdaman ng Pangulo at ang gobyerno.
00:43Pinalaga ng palasyo ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na inabando na at kinalimutan na umano ng gobyerno
00:51ang mga overseas Filipino workers o mga Pinoy na nagtatrabaho sa labas ng bansa.
00:57Giit ng Malacanang, prioridad ng administrasyon ang kapakanan at kaligtasan ng mga OFW.
01:04Patunay ang pagtatayo ng Migrant Workers' Office sa iba't ibang bansa na tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
01:12Ayon sa record po ng DMW, lahat ng humihingi ng tulong sa kanila, 100% nilang natutugunan at may records po sila.
01:23At meron din pong quick response team ang DMW at kung kinakailangan ng rescue at hindi sila agad nakakapasok,
01:31humihingi agad sila ng tulong sa mga autoridad, mga police authorities sa nasabing bansa.
01:37Kaya ito pong binabanggit ng vice-presidente na walang naitutulong sa mga OFWs.
01:45It is another fake news.
01:48Inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Public Works and Highways na ayusin ang higit isanlibong silid-aralan
01:56na nai-turnover na sa Education Department pero hindi pa rin magamit bahil hindi kumpleto ang konstruksyon.
02:03Kung ano po ang dapat mapakinabangan at kailangan maayos, dapat pong ayusin sa pinakamabilis na panahon.
02:10Para po mapakinabangan ito dahil sayang po mga pera na nagamit dito, kung kinakailangan kumpuniin, dapat makumpuni ng agaran.