00:00Naglatag po ng plano ang Commission on Elections o Comelec kung sakasakaling ipagpaliban ang barangay at sangguniang kabataan elections ngayong taon.
00:08Yan ang ulit ni Louisa Erispe.
00:12Handang tumalima ang Commission on Elections sakaling hindi matuloy ang barangay at SK elections ngayong taon.
00:18Ito'y makaraang banggiti ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang forum sa India na pipirmahan niya ang panukalang batas na magpapaliban sa halalan upang bigyang prioridad ang unang bang sa moro parliamentary elections.
00:32Dahil kakatapos lang naman ang voter registration kung saan umabot sa 2.8 milyon ang nagparehistro, gate ng Comelec, hindi sayang ang kanilang ipinila dahil mananatili pa rin naman silang butante.
00:45Lahat po na nagparehistro na more or less 2.8 milyon sa sampung araw mula August 1 to August 10, kung wala silang objection o position sa kanilang registration, sila ay registered voters na.
00:57Hindi po ito magbabago at hindi po mababaliwala ang kanilang registration.
01:01Umaasa po tayo na tama po, nagbigay ng pronouncement ng ating Pangulo na kanyang lalagdaan ang nasabing panukalang batas any moment from now.
01:10Sakali namang ipospon talaga ang eleksyon, muli naman anyang magbubukas ng registration sa Oktubre hanggang sa July 2026.
01:18Kung sakali pong hindi kayo nakapagparehistro, pinalad, nagkaroon ng panahon o talagang kinapo sa oras, itong nakaraang August 1 to 10,
01:27bumuksan po muli natin ang ating registration ngayon para third week na Oktubre.
01:31Makatapos lang po kami sa Bangsamoro parliamentary elections.
01:34May mga na-procure na naman ang COMELEC na kakailanganin sa BSKE, pero kahit ipagpaliban, hindi masasayang ang pondo ng gobyerno
01:42dahil hindi pa na-deliver ang mga binili nilang election paraphernalia.
01:46Sa ngayon, buo pa rin ang 17 billion na pondo.
01:50Yan pong procurement, sinimulan na namin ang proseso pero wala pang delivery.
01:55Hindi pa po nag-deliver.
01:56So wala pa po kami technically nagagastos doon po sa ating pag-procure ng mga kagamitan.
02:03In-tact po ang buong pondo.
02:04Plano namang humingi ng dagdag na 4 na bilyong pisong pondo ng COMELEC sa Kongreso.
02:09Muli kami mangingi ng dagdag na budget.
02:12Hindi po namin naisama yan o hindi nakasama yan sa proposal ng budget para sa 2026.
02:18Ga-a, wala po. Kasi siyempre, wala pa po kasing announcement at wala pa rin pong batas.
02:24Kung sakali po na mariset, nang hihingi kami ng dagdag na budget,
02:27kasi dumagdag ang 2.8 milyon na botante.
02:31Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.