Sakaling may umatake sa Pilipinas, gusto ng pangulo na kayanin ng AFP na solong dumepensa ng hanggang isang buwan... bago magpatulong sa mga kaalyado. Kabilang 'yan sa pinagsanayan sa military exercise ng sandatahang lakas.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sakaling may omatake sa Pilipinas, gusto ng Pangulo na kayanin ang AFP na solong dumepensa ng hanggang isang buwan bago magpatulong sa mga kaalyado.
00:10Kabilang yan sa pinagsanaan sa military exercise ng sandatahang lakas.
00:15Nakatutok si Chino Gaston.
00:17Sakaling sumiklab ang gulo at atakihin ang Pilipinas ng mga dayuhan, maaning lilipas muna ang panahon bago makarating ang mga kaalyado ng bansa para sumaklolo.
00:31Kaya ang direktiba ng Pangulo sa Armed Forces of the Philippines kapag nangyari yun, maghanda para makapagdepensa muna mag-isa ang AFP ng hanggang isang buwan.
00:41Ang utos ng ating Pangulo, si President Ferdinand Marcos Jr., is that we should be able to fight and preserve our forces for at least 20 days, hanggang 30 days.
00:57We are expecting that pag nagkagulo, siyempre tayo muna ang may ikipaggera.
01:03But we are expecting also reinforcements or help from our ally.
01:08And this is under the Mutual Defense Treaty.
01:10Ang posibilidad ng isang pag-atake, pangunahing pinaghahandaan sa taon ng AFP Joint Military Exercise, Dagit Pa,
01:19kung saan nagsasanib puwersa ang buong AFP, PNP, Coast Guard at Uniformed Services sa pagdepensa ng bansa.
01:27Sa ilalim ng AFP Modernization Program, napatibay na rin ang kakayahan ng AFP sa pagbili ng mga FA-50 fighter jets,
01:35mga frigates mula South Korea, air defense system mula Japan at mga missile systems mula India.
01:42May iba pang paparating na military assets.
01:45Pero ayon kay AFP Chief of Staff, General Romeo Bronner, hindi pa ito sapat.
01:50Kaya natin i-depensahan ang ating bansa, pero ang sinasabi ko po, kulang pa.
01:56Because if we consider the entire archipelago, ay hindi kaya nung current na kagamitan natin na i-cover yung entire archipelago.
02:06Isa sa solusyon ang pagpasok sa mga defense agreement sa iba pang mga bansa.
02:11Kaya nagsasagawa na ng mga joint military exercise ang Pilipinas sa US, Canada, Australia, New Zealand at Japan.
02:19At kaisa ng Pilipinas, inihayag ng Amerika, Japan at Australia ang kanilang pagsuporta sa pagbuo ng isang Indo-Pacific Chief of Defense Cooperation Council na kabibilangan ng apat na bansa.
02:32Sa kanilang pulong nitong nakaraang ASEAN Defense Minister Summit, muling iginiit na mga defense ministers ng Pilipinas, Amerika, Japan at Australia ang kanilang pagkabahala sa disabilisasyon ng China sa South China Sea.
02:48Hinihintay na rin na mga defense leaders ang balikatan 2026 kung saan bahagi ang apat na bansa upang mapaigting ang joint preparedness sa rehyon.
02:58Para sa GMA Integrated News, sino gasto ng katuto? 24 oras.
Be the first to comment