Skip to playerSkip to main content
Bago pa abutin na naman ng Pasko, inanunsyo ng pangulo na maaari nang kunin ang mga balikbayan box na ilang taon nang nakabinbin sa Customs. Sa NAIA naman, kabilang sa ipinagmalaking bagong pasilidad ang e-gates na magpapabilis sa proseso ng immigration.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago pa, abutin na naman ng Pasko.
00:03Inanunso ng mga ngulon na maaari ng kunin ang mga balikbayan box na ilang taon nang nakabimbin sa customs.
00:11Sana iyan naman, kabilang sa ipinagmalaking bagong pasilidad,
00:16ang E-Gates na magpapabilis sa proseso ng immigration.
00:20Nakatutok si Chino Gaston.
00:22Mahigpit na yakap ang sinalubong ni Carmelita Ladrillo sa anak na si Amor
00:31nang makita sa arrivals area ng Naiya Terminal 3.
00:35Dalawang taon nang nagtatrabaho sa Dubai ang anak
00:38at swerteng pinayagang magbakasyon ng employer ngayong Kapaskuhan.
00:42Nagpala po sa omo ko na uwi ako sa nanay ka.
00:44Hindi na ito ang plot, nag-alala ako masyado eh.
00:47Wala rin pagsidlan ang saya ng OFW na si Harleen Mapoy
00:54nang makita ang anim na buwan niyang anak.
00:56Iniwan ko po siya ng 3 months.
00:58Sa saan mo kayo nagtrabaho, ma'am?
01:00Sa Dubai.
01:01Anong pakiramdam?
01:03Excited!
01:04Hindi nakakatulog!
01:10Sakto, lalo't kanina,
01:12ay pinasinayaan ang ilang bago at pinagandang pasilidad sa Naiya
01:16na pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:24Kabilang dyan ang Filipino Food Hall sa Terminal 3
01:27kung saan mabibili ang iba't ibang pagkain mula sa mga rehyo ng bansa.
01:32Ang Mezzanine Food Hall at ang bagong Dignitarist Lounge.
01:36Hindi lamang ito usapin tungkol sa imprastruktura.
01:40Ito ay usapin ng malasakit ang pagunawa sa pagod,
01:44pangamba at pananabik ng bawat Pilipino at bisitang dumadating dito sa ating bansa.
01:51Ipinakita rin sa Pangulo ang mga immigration e-gates
01:54na kung gumagana ay nagpapabilis sa proseso ng pagpasok sa bansa ng mga Pilipino.
02:00Sa ngayon mga Pilipino passport holders lamang ang pwedeng gumamit nito mga bagong lagay
02:05na immigration e-gates ng NNIC.
02:08Kung saan lalagay lamang ang iyong passport dito sa receptacle
02:11at pagkatapos ng inyong facial scanning at wala ka namang derogatory records
02:16ay higit kumulang 20 segundo lamang ang aabutin bago matapos ang iyong immigration processing.
02:23Mabilis naman. Bago lang ata as eh.
02:25Dapat may instruction kung paano ilagay yung passport.
02:28Yung passport. Kasi dapat idein mo pa yan.
02:30At saka kung paano yung placement niya.
02:33Malaking tulong dahil ayon sa new na IA Infra Corp o NNIC
02:36umabot sa 51 million passengers ang gumamit sa Terminal 1 at 3 sa loob ng isang taon.
02:43Nasa 4.9 million naman ang international tourists
02:46base sa huling datos ng Department of Tourism.
02:49The Philippine experience begins at our gateways.
02:52How we welcome the world reflects the care, comfort, and hospitality that define all of us as a nation.
03:00Inanunsyo rin ang Pangulo na simula ngayong araw,
03:04pwede nang iklaim sa Bureau of Customs ang mahigit 130,000 na balikbayan boxes
03:09na hindi na iparating sa mga dapat makatanggap na mga ito.
03:14Inabot na ng taon na pagkakabimbin sa customs ang ilang balikbayan boxes
03:18dahil hindi nabayaran ng kanilang foreign partners ang local forwarding companies.
03:23Para sa GMA Integrated News,
03:26Chino Gaston Nakatutok, 24 Oras.
Comments

Recommended