00:00Nagbitiyaw si Nadia Montenegro bilang political officer ni Sen. Robin Padilla
00:06sa gitna ng issue ng umano'y paggamit ng marihuana.
00:10Pero ay giniit niyang hindi ito pag-amin sa kasalanan.
00:14Sabay palag sa pagkalat ng incident report ng Office of the Senate Sergeant at Arms
00:20na nagpangalan sa kanya, nakatutok si Maav Gonzalez.
00:23Nag-resign na si Nadia Montenegro bilang political officer ni Sen. Robin Padilla
00:32isang araw bago ang deadline para magpaliwanag siya sa investigasyon ng Office of the Senate,
00:38Sergeant at Arms o OSAA sa kung gumamit ba siya ng marihuana sa Senado.
00:42Pero pumalag siya sa anya'y malisyosong pagkalat online ng incident report ng OSAA
00:47kaya anya siya hinatulan ng publiko kahit walang due process.
00:50Ang pinangalanan kasi siya sa OSAA incident report.
00:54Bago nito, kumalat muna sa isang online article
00:57ang paggamit-umanon ng isang Senate staff ng marihuana sa banyo ng Senado
01:01pero walang pinangalanan.
01:03Nag-hain ng paliwanag si Montenegro at itinangging siya ang pinatutungkulan sa article.
01:08Wala anyang insidente na may tauha ng OSAA na pumunta sa opisina nila
01:12na nagtanong sa kanya ukol sa amoy ng marihuana galing sa banyo.
01:16Wala rin anyang incident report kukol dito na isinumite ang OSAA personnel.
01:21Napakasakit anya na dinungisan at sinira ang kanyang reputasyon
01:25ng isang istoryang ayon sa kanya ay hindi naman totoo.
01:28Baga manag-resign, hindi anya ito pag-amin ng kasalanan.
01:32Pagpapakita lang anya ito ng respeto sa Senado at sa opisina ni Senador Padilla
01:36para hindi na lumaki pa ang issue at makapagfokus ang Senado sa mahalagang trabaho nito.
01:42Tinanggap na ni Padilla ang kanyang pagbibitiyo.
01:44Hiniling na ni Senate Minority Leader Tito Soto kay Senate President Cheese Escudero
01:49ang random drug testing sa mga opisyal at empleyado ng Senado.
01:53Sabi ni Escudero, may ganitong intensyon na at may kasunduan sa East Avenue Medical Center kukol dito.
01:59Dagdag niya, ginawa na rin ito noong 2018 hanggang 2020
02:03pero may naghain ng administrative at iba pang kaso
02:06dahil panghihimasok o mano sa karapatan ng ilang empleyado.
02:10Ngayon, isinasapinal na ang bagong polisiya sa mandatory random drug testing.
02:15May mga voluntaryo na rin nagpa-drug test o magpa-drug test.
02:18Pag wala naman kayong tinatago, bakit matatakot?
02:21In-encourage ko po ang lahat ng mga Senador at kanila mga opisina na magpa-drug test na.
02:26Para sa ganun ay talagang mawawala ng duda na may nagdudurog dito sa ating Senado.
02:35No ifs, no buts. Kahit na sino pa yun, pag nag-positive, tanggal.
02:40Panukala naman ni Senador Padilla, obligahin lahat ng inihalal at in-appoint sa gobyerno na magpa-drug test.
02:46Sa ilalim ng panukala, sasa ilalim sa hair follicle at urine drug testing lahat ng opisyal ng gobyerno,
02:52mapalukal o nasyonal, kabilang ang mga GOCC.
02:55Kung mag-positibo sila, pwede silang matanggal sa pwesto o di kaya naman ay masuspinde alinsunod sa umiiran na batas.
03:02Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments