Skip to playerSkip to main content
Inusisa sa kauna-unahang ini-livestream na pagdinig ng ICI ang koneksyon umano ni Rep. Benjamin Agarao Jr. sa mag-asawang Discaya. Itinanggi ng kongresista ang paghingi umano ng advanced kickback sa mga Discaya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inusisa sa kaunaunahang inilivestream na pagdinig ng ICI
00:06ang koleksyon umano ni Rep. Benjamin Agaraw Jr. sa mag-asawang Diskaya.
00:13Itinanggi ng kongresista ang paghingi umano ng advanced kickback sa mga Diskaya.
00:18Nakatutok si Joseph Moro.
00:23Lampas isang buwan mula ng sabihin,
00:25In-Independent Commission for Infrastructure o ICI Chairman Justice Andres Reyes Jr.
00:30sa Senado na maglalivestream sila sa gitna ng kaliwatka ng panawagan para rito,
00:35isinapubliko na nito sa pamamagitan ng kanilang social media ang kanilang pagdinig.
00:41Unang sumalang si Laguna 4th District Representative Benjamin Agaraw Jr.
00:45Isa si Agaraw sa mga mababatas na binanggit na mag-asawang Pasifiko at Sara Deskaya
00:50na nanghihingi umano ng komisyon o kickback.
00:53Pero hindi daw kilala ni Agaraw ang mag-asawa
00:55at itinanggi yung umunipag-advance sa kanya ng 9 million pesos
01:00sa pamamagitan ng isang Alvin Mariano.
01:03Kinumpirma naman ni Agaraw na isang kontraktor si Mariano.
01:06Ano ko kaya ang motibo naman ng mga Diskaya?
01:10Why are they implicating you?
01:12Hindi ko po alam kung ano po ang motibo ng mag-asawang Diskaya.
01:16Wala po akong masabi.
01:18Kasi nga po, hindi po ako nakaupo sa sinasabi nilang panahon.
01:24Natural lang po, sa sarili ko po,
01:26ayaw ko pong palampasin ang kalapastanga nang ginawa ni Diskaya sa aking pagkataon.
01:31You are denying na nakatanggap kayo na 9 million sa pamilya na Diskaya.
01:38Opo, Your Honor.
01:40Hindi kayo humingi ng pera sa kanya.
01:42Hindi po ako nangingi, Your Honor.
01:44Malaking kwestyon din sa ICI kung bakit umabot ng bilyon
01:48ang mga flood control projects sa distrito ni Agaraw
01:50na ayon sa kongresista ay hindi niya na pinapakilaman
01:54dahil proyekto na umunoy ito ng DPWH.
01:57Ibinigay na halimbawa ni Reyes ang umunoy 150 million pesos
02:01na mga proyektong isinimitin ni Agaraw sa DPWH
02:04pero umabot sa lampas 1 bilyon
02:07pagdating sa General Appropriations Act o GAA.
02:11Hindi na po sa kongres man yun.
02:13Yun na po ay sa executive na po.
02:15Hindi kayo nagreklamo sa gobyerno o sa kongres
02:19na ba't tamaas yung hiriklasyo to 1.2 billion
02:23tapos hindi niyo alam?
02:24Your Honor, nagreklamo po ako
02:26pero hindi po dahil sa nadagdagan kundi kulang po.
02:30So kulang pa yung 1.2 billion sa inyo?
02:32Ay sa lalaki po ng aming distrito.
02:34Bagay na sa tingin ni Simpson,
02:35ugat ng anomalya sa mga flood control project.
02:39Maraming mga ipinalusot na mga projects sa distrito
02:43na yung district, sitting congressional district
02:47e halos sabihin ko ng hindi pinakialaman,
02:51tinanggap na lang at kung ano man yung ginawa ng DPWH
02:56whether district office yan, original office yan,
03:00hindi na pinintindi.
03:02Sa pagharap naman ng mga tagalang Bank of the Philippines
03:05kung saan nakalagak ang pera ng mga ahensya ng pamahalaan
03:08tulad ng DPWH,
03:10tinanong sila ng proseso ng paglalabas ng pera
03:12para sa mga kontraktor mula sa mga district engineer.
03:16Ayon kay ICI Special Advisor General Rodolfo Azurin Jr.,
03:20nahihirapan raw silang humingi ng mga ebidensya
03:23tulad ng mga cheque,
03:24kaya hiningi ng ICI sa land bank
03:26ang kopya ng mga ito.
03:28Would you also have the record
03:30who received the cheque?
03:35Once it's a cheque,
03:36chair,
03:38we will have,
03:39because in the cheque po,
03:41you will see where it was deposited,
03:43where it went,
03:45the front and the back of the cheque po.
03:47So there's a lot of information in a cheque.
03:50Like maybe a politician.
03:51Ngayong buong linggo,
03:53tuloy-tuloy ang gagawin pagla-livestream ng ICI
03:56sa pagtestigo ng mga kongresista
03:58katulad na lamang ni House Majority Leader
04:00at Presidential San Congressman Sandro Marcos.
04:03Ipinapatawag din ng ICI
04:04si Davao First District Representative Paulo Duterte.
04:08Si Pasig Lone District Representative Roman Romulo
04:11na nabanggit rin ng mga diskaya
04:12nagpasabi na sa ICI
04:14na voluntaryong tetestigo sa komisyon.
04:17Pinaimbestigahan naman ni Act Teacher Spartanist
04:19Representative Antonio Tinio sa ICI
04:22ang listahan ng 80 mga proyekto
04:24sa distrito ni Duterte
04:26na nagkakahalaga ng 4.4 billion pesos
04:29mula 2016 hanggang 2022.
04:32Along the Davao and Matina Rivers,
04:35dun sa 80,
04:37mahigit kumulang kalahati
04:39ay mga congressional insertions.
04:41Ibig sabihin wala sanep
04:42pero naipasok sa GAA.
04:46Para sa GMA Integrated News,
04:48Joseph Morong,
04:48nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended