00:00Dahil pa rin sa malakas na ulan sa ilang lungsod po sa Metro Manila,
00:04nagkaroon po ng landslide sa may Barangay Bagong Silangan sa Quezon City.
00:08Ang detalye, hatid ni Bien Manalo.
00:12Basag ang windshield.
00:14Iyan ang nangyari sa nakaparadang taxi
00:16matapos madaganan ng gumuhong lupa sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City.
00:22Isang SUV din ang nadaganan ng lupa.
00:25Bumigay ang lupa dahil sa walang tigil na pagkulana.
00:27Nagtumbahan din ang mga kawayan.
00:30Nagdulot ito ng matinding trapiko sa lugar.
00:33Naalis din ang mga sasakyan matapos ang halos 12 oras.
00:37Sabi pa ng Barangay, matagal na nilang hinihikayat ang mga nakatira sa lugar
00:41na umalis na dahil sa posibleng pagguho ng lupa.
00:45Delikado raw kasi ito dahil dump site o tambakan ng basura ang lugar.
00:49Ito na ang ikalawang beses na nagka-landslide sa lugar.
00:53Nagkaroon na rin noong nakarang taon dahil din sa masamang panahon.
00:56Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.
01:01Tatlong pamilya ang naapektuhan na kasalukuyang tumutuloy sa isang chapel.
01:05Sa ganyang sitwasyon, hindi naman kami tumitigil na hindi hinihikayat yung mga pamilya na nakatira dyan.
01:11Balino, obserbahan din nila kung talagang critical na yung lagay.
01:14May pasabilit na lumipat na sila sa evacuation center.
01:17Sa ngayon po, patuloy pa rin po yung clearing operation namin.
01:20Mula ngayon hanggang bukas po yan.
01:21Hindi naman po nagpapabaya ang mga tawa ng punong barangay.
01:24Kinurdo na na ang pinangyarihan ng insidente.
01:27Nagpapatuloy din ang clearing operation.
01:29Para sa Integrated State Media, BN Manalo ng PTV.