00:00At ngayong panahon po ng tag-ulan, ang lungsod ng Quezon ay naglatag po ng kanina mga paghahanda para maiwasan ang pagbaha sa mga kalsada.
00:08Ang mga residente hinikayat na makisa sa tamang pagtatapo ng mga basura.
00:13Ang detali sa report ni Denise Osorio, live. Denise.
00:18Yes, Diane, naghahanda na ang Quezon City para sa panahon ng tag-ulan.
00:22Ang anim na distrito ng Quezon City ang sabay-sabay na kumikinos para tiyakin na hindi basta-basta lunubog sa tubig-baha ang mga kalsada.
00:35Dito sa District 1, nililinis ang mga kanal at estero sa mga kalsada ng kanlaon.
00:40Lapitan, halkon at matutong. May mga drainage repairs din sa Santa Teresita at Bahay Toro.
00:47Lalo na at madaling bumaha sa mga lugar na ito kapag bumubuhos ang ulan.
00:51Sa District 2, sinuyod ang mga lansangan ng Commonwealth at Batasan Hills.
00:56Bukod sa paglilinis ng kanal, isinagawa rin ang pagkukumpuni sa palengke ng litex at pag-aasfalto ng VB Sullivan Road at Holy Spirit Drive para mas maging ligtas ang biyahe.
01:07Sa District 3, nililinis ang mga drainage sa Camarillo Street, 19th Avenue at Obrero Street.
01:13Isinama rin sa clearing operations ang katipunan at ilang lugar sa matandang Balara at Socorro.
01:18May drainage repair rin sa barangay East Camias para maiwasan ang pag-apaw ng tubig sa mga bahay at kalsada.
01:25Sa District 4, makikita ang mga repair at beautification works.
01:29Habang inaayos ang drainage sa Kamuning at Galas, naglagay naman ang asfalto sa krus na ligas.
01:34Nagkaroon din ng beautification sa Tomas Borato.
01:37Dahil kahit emergency response ang prioridad, syempre hindi nakakalimutan ang aesthetic ng lustod.
01:43Sa District 5, masinsin ang drainage repair sa loob mismo ng mga residential areas tulad ng Santa Lucia at Santa Monica.
01:51Dito rin isinagawa ang asfalting at concrete work sa mga kalsadang matagal ng kailangan ng improvement,
01:57gaya ng Teresa Heights sa Pasong Putik.
02:00At sa District 6, muling hinigpitan ang de-clogging sa General Avenue.
02:04Kasabay nito ang pagpapatuloy ng malawakang drainage installation sa kabaan ng Commonwealth Avenue at Don Antonio na isang pangunahing ruta sa lungsod.
02:16Diane, ayon sa QC-LGU, hindi ito basta-bastang simple yung pag-aayos ng mga kalsada,
02:23kundi investment rin ito para sa seguridad at kaligtasan ng komunidad, lalo na pagdating ng bagyo.
02:31Paalala ng LGU sa mga residente, magtulungan tayo at magkaisa.
02:36Huwag tayong basta-bastang nagtatapon ng basura kung saan-saan, lalo na't sa mga estero at kanal.
02:43Yan ang pinakuling balita mula rito sa Commonwealth Avenue, Kelson City. Balik sa'yo, Diane.