Skip to playerSkip to main content
-3-anyos na batang kinidnap ng kanilang kasambahay, nasagip; arestadong suspek, aminado sa krimen

-Pag-fillout ng forms para sa discount sa MRT at LRT, inalis na; kailangan na lang magpakita ng student, senior at PWD ID sa teller

-PAGASA: Bagyong Gorio, magla-landfall sa southern Taiwan sa mga susunod na oras

-3 dust devil sa Barangay Bagacay, nahuli-cam

-5, patay nang sumadsad sa CLLEX ang isang van; 9, sugatan

-2 lalaking nagnakaw umano sa resort inn sa Brgy. De Ocampo at nanggahasa umano sa kahera nito, arestado

-PCG: Lubhang delikado kung napuruhan ang BRP Suluan ng mga Chinese vessel

-Babae, sinampal at sinuntok ang 14-anyos na lalaki na nanakit umano sa kanyang anak

-Motorsiklo, ninakaw; isa sa mga suspek ang dating boyfriend ng may-ari nito/Dating boyfriend ng may-ari ng motorsiklo, itinanggi ang alegasyong pagnanakaw

-Rhian Ramos, nag-renew ng kontrata sa GMA Network


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Cascade
00:01Suryin pong maigi ang mga taong pagkakatiwalaan natin sa ating mga anak.
00:11Sa Quezon City nga po, isang batang tatlong taong gulang ang nakidnap ng mismong kasambahay nila.
00:17Nangingi pa ng ransom ang suspect na halos dalawang taon nang namamasukan sa biniktima niyang pamilya.
00:22Kung paano nasa Sigpang Bata tutukan sa Balitang Hatid ni James Agustin.
00:27Niyanам.
00:28Napayakap na mahigpit sa kanyang ate habang umiiyak ang tatlong taong gulang na batang babae.
00:33Matapos siyang mailigtas mula sa kasambahay nilang kumidnap sa kanya sa Quezon City.
00:38Sa imisigasyon ng polisya, linggo ng gabi nang isaman ng kasambahay ang bata para daw pumunta sa kabilang bahay.
00:43Itong kasambahay na almost two years na naninilbihan doon sa ating complainant,
00:52nagpaalam na kukuha siya ng gamot sa adjacent house nila.
01:00So pumayag naman itong complainant kasi siyempre kasambahay nila kasama yung three years old na bata.
01:13Lumipas daw ang halos atlong oras pero hindi na bumalik ang dalawa.
01:17Doon na nagreport ang mga magulong ng bata sa masambong polis station.
01:20Ang kasambahay nagpadala ng mensahe sa kapatid ng biktima at humihingi ng ransom na 150,000 pesos.
01:27Sa palitan ng mensahe sa messaging app, nagpadala pa ang kasambahay ng larawan ng bata.
01:32Humiling din siya na ipakita ang perang napagkasundoan at dalhin ang kanya mga gamit.
01:36Yung kasambahay kasama yung bata, nagpunta ng PITX actually sa may paranyake.
01:43Pagdating ng paranyake, parang nakapag-isip, sumakay ng taxi, nagpahatid doon sa may kuba o sa isang terminal doon.
01:53So nung makita na sarado yung terminal, nagpahatid naman itong suspect natin kasama yung bata dito sa may Edsa Munoz.
02:04Sa follow-up operation, inareso ng polis siyang 24 anyo sa babaeng kasambahay sa Fernando Poo Jr. Avenue kung saan nangyari ang transaksyon.
02:12Nabawi sa sospek ang bug na naglalaman ng perang ginamit sa operasyon.
02:16Pagdating sa polis station, positibo siyang kinilala ng mga magulang ng bata.
02:20Nakakulong na ang sospek na sinampahan ang reklamong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code para sa kidnapping for ransom.
02:27Aminado siya sa nagawang krimen dahil sinisigil na raw siya ng kanyang mga pinagkakautangan.
02:32Ginawa ko po. Kailangan ko po kasi ng pera. Pambayad po sa yung naoperanto ako.
02:41Paalala naman ang mga otoridad sa publiko.
02:44Dapat suriin nilang maigi. As much as possible, maghinga nila yung kasambahay ng NBI clearance o PNP clearance.
02:57Tapos sa barangay clearance. Para as much as possible, mayroon ka yung pangahawakan na records.
03:04James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:09Para sa mga sumasakay po ng LRT at MRT, magkakaroon na raw ng dagdag na supply ng mga beep card ayon sa Department of Transportation.
03:18Mas pinadaling na rin ang pag-avail ng discount ng mga estudyante at vulnerable sectors.
03:24Detali tayo sa ulot on the spot ni Joseph Moro.
03:26Joseph!
03:27Yes, Connie. Good news sa mga estudyante, mga person with disability at mga senior citizen natin na mga sumasakay ng LRT at MR3.
03:40Magkakaroon na kayo ng unique at dedicated na discount cards para mas madali nyo na na maklaim yung inyong mga discount.
03:48Kung dati, Connie, ay kailangan pang pumila ng mga estudyante sa mga teller para magpalista o magfill out ng mga form para makakuha ng 50% nilang discount.
03:59Simula ngayong araw ay kailangan nyo na lamang ipakita yung inyong mga ID sa mga teller para sila na yung magre-record na nag-avail kayo ng discount.
04:08Pero sa September, next month, ay mas padadaliin pa yan.
04:12Ipinakita kanina na na-DOTR Secretary Vince Disson ang mga ilalabas na discount cards para sa mga estudyante, PWD at mga senior citizen.
04:21Isang beses lamang kayong mag-a-apply sa kahit anong stasyon ng LRT1, LRT2 at MRT3 station.
04:30At doon din ay agad-agad na ipiprint ang inyong discount card na may pangalan pa ninyo.
04:36Isang taong magiging valid yung discount card para sa mga estudyante at i-renew lamang ito sa panibagong school year.
04:43Ganun din naman yung magiging sistema sa mga PWD at senior citizen pero hindi na kailangan na i-renew ito.
04:49Ininunsyo rin ang DOTR at itong kumpanyang AF Payments Incorporated na magkakaroon na ng 300,000 na bagong mga BIP cards hanggang sa susunod na linggo.
04:59Ito ay sagot sa mga inireklamong kakulangan ng mga BIP cards.
05:03Nagbabala ang DOTR sa mga nungho-hoard at ilegal na nagbebenta ng mga ito.
05:08Makikipagtulongan na raw ang ahensya sa mga online selling platforms para ipasara ang mga ito.
05:14Samantala, Connie, inanunsyo din ang DOTR na panghabang buhay na na-revoke yung lisensya, yung driver's license,
05:21nung driver na nag-counterflow sa Skyway.
05:24Ayon kay DOTR Secretary Vince Disson, ito ay matapos itong umamin na lasing siya nung mag-counterflow siya sa Skyway.
05:32Bukod dyan, ay sasampahan din ang reklamong paglabag sa Anti-Drunk Driving Act o Republic Act 10586,
05:39ang nasabing driver na sumikot kahapon ng hapon sa pagdinig ng Land Transportation Office, Connie.
05:45Marami salamat, Joseph Morong.
05:47Lalo pang lumakas ang bagyong goryo habang nalalapit na itong mag-landfall.
05:58Taglay na nito ang lakas ng hangin na aabot sa 155 kmph.
06:03Sa kabila niyan, sa Southern Taiwan pa rin ang inaasahang landfall ng bagyo ano bang oras mula ngayon.
06:09Base sa 5 a.m. bulitin na pag-asa, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Itbayat, Batanes,
06:15habang signal No. 1 naman sa nalalabing bahagi ng probinsya.
06:19Tumutok po dito sa Balitang Hali para sa 11 a.m. bulletin.
06:23Dahil sa bagyo, maalon ngayon at delikado sa maliliit na sasakyampan dagat ang pumalaot sa mga baybayin ng Batanes.
06:29Sa mga susunod na oras, magpapaulan na rin ang bagyong goryo sa Ilocos Norte, Apayaw at Cagayan.
06:36Hanging habagat naman ang nakaapekto sa Memoropa Region, Western Visayas, Negros Island Region,
06:42Zambuanga Peninsula, Barm, Soxargen, Camarinesur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.
06:51Dito naman sa Metro Manila, tinatpagpanig ng bansa inaasahang magiging maayos ang panahon
06:55pero posibli pa rin ang mga local thunderstorms lalo na mamayang hapon o gabi.
07:02Nahulikam ang pagtama ng mga dust devils sa Tacloban, Leyte.
07:06Sa cellphone video ng isang netizen, nakikita po ang tila puting usok na paikot-ikot sa gitna ng kalsada sa barangay Baggakay.
07:16Kwento po ng uploader tatlong dust devils ang nakuhanan niya sa parehong lugar.
07:22Ayon sa weather specialist ng pag-asa Visayas, kadalasang nabubuo ang dust devil tuwing mainit ang panahon at hindi pantay ang pag-init ng lupa.
07:31Maangat po ang anilay, nabubuo ang pockets of warm air at habang umiikot ito, inihigop nito ang mga alikabok.
07:38Dagdag pa ng pag-asa, maaring umabot ng 60 kilometers per hour ang intensity ng dust devil.
07:44Paalala ng ahensya sa publiko, mas mabuting lumayo kung may makitang dust devil para iwas disgrasya.
07:53Ito ang GMA Regional TV News.
07:57Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
08:03Nauwi po sa trahedya ang biyahe ng isang van sa bahagi ng Central Luzon Link Expressway sa Tarlac City.
08:10Chris, ano ang detali?
08:13Connie, limang patay at siyam ang sugatan matapos na bumanga ang sinasakyan nilang van sa metal fence ng expressway.
08:21Base sa investigasyon, galing ng Kalooka ng van at papuntang Kabanatuan, Nueva Ecija.
08:30Nawalan daw ng kontrol ang driver sa manibela sa bahagi ng barangay Balincanaway,
08:34kaya ito bumanga sa metal fence at sumadsad sa gilid ng kalsada.
08:38Wasak ang harapang bahagi ng van.
08:40Inaalam pa kung ano ang sanhinang aksidente.
08:43Sa paunang investigasyon, lumalabas na self-accident ito o walang sangkot na iba pang sasakyan.
08:49Aristado naman ang dalawang dalaking nagnakau-umano sa isang resort inn sa 13 Martires, Cavite.
08:56Batay sa beskoso ng pulisa, nagpanggap na customers ang mga sospek para makapasok sa resort inn sa barangay De Ocampo.
09:04Agad silang nanutok ng baril, pinatayang ilaw sa lobby at saka naghalughog sa resort inn.
09:09Nakuha ng mga kawatan ng halos 3,000 pisong pera sa kaha, dalawang cellphone at ilang construction equipment.
09:16Pagkatapos, dinala-umano ng mga sospek ang naka-duty na kahera sa kusina at doon nangyari-umano ang panggagahasa.
09:25Sa sinagwang backtracking ng pulisya, naaresto ang dalawa na positibong kinilala ng biktimang kahera.
09:31Walang pahayag ang mga sospek na maaharap sa reklamong robbery with rape at illegal possession of firearms.
09:37Wala rin pahayag ang may-ari ng resort inn.
09:40Nag-ahanda na ang Department of Foreign Affairs ng Panibagong Diplomatic Protest kasunod ng paghabol ng mga barko ng China sa barko ng PCG sa West Philippine Sea.
09:51Paniwala ng AFP may intensyon talagang mangbangga ang mga barko ng China.
09:56Balita ng atin ni Chino Gaston.
09:57Pinsir Move ang sinubukang gawin ng China Coast Guard at People's Liberation Army Navy ng China ayon sa Philippine Navy.
10:09Pero, imbis na maipit ang barko ng PCG, nagbangga ng dalawang barko ng China.
10:16Sabi ng PCG, lubhang delikado kung ang BRP Suluan ang napuruhan ng mga barko ng China.
10:2244 meters lang ang BRP Suluan kumpara sa 90 meters na haba ng CCG vessel at 135 meters na haba ng barko ng plan.
10:30You can just imagine the impact kung sakaling ang maliit na barko natin.
10:38I don't want to speculate that the real intention of the PLA Navy warship was to intentionally ram the Philippine Coast Guard vessel.
10:47I still stick with our initial assessment na there was only a miscalculation on the part of the PLA Navy warship kung kaya't nagkaroon ng collision.
11:00Si AFP Chief of Staff General Romeo Bronner Jr. kumbinsidong balak talaga ng mga barko ng China na banggain ang BRP Suluan.
11:09Kitang kita doon yung aggressive na tactics ng China.
11:13Ang assessment natin doon ay yung PLA Navy ship ay talagang ang pakay niya, ang objective niya ay i-ram yung ating Philippine Coast Guard.
11:26Pag-uusapan daw ng AFP kung ano ang susunod na hakbang ngayong warship-anila ng China ang gamit para mangaras sa West Philippine Sea.
11:35Kasalanan nila yun. Kasalanan nila yung nangyaring yun. Sinasabi nila na tayo daw ang nanggugulo doon sa West Philippine Sea pero kitang kita natin doon sa nangyari na sila mismo ang nanggugulo.
11:49Because they continue to claim Bajo de Masinloc or Scarborough Shoal as their own territory. Hindi naman tayo pwedeng pumayag dyan.
11:58Ang Department of Foreign Affairs ilihahanda ang proseso ng paghahain ng diplomatic protest dahil sa panibagong insidente ng panghaharas.
12:07We are of the view that there should be, this is a situation whereby we have to be more careful that we still go back to the process of whereby diplomatic dialogue and discussions will be best for the situation.
12:25Are we going to summon the Chinese ambassador in Medela?
12:27I think there has been a process but we're still rethinking the whole issue. We have not yet.
12:34Nababahala raw ang DFA sa delikadong pagmamaniobra ng mga barko ng China at pangaharang umano nila sa pagbibigay ng tulong sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.
12:45Pinuri rin ang DFA ang pag-aalok ng PCG ng tulong sa barko ng China.
12:50Ang crew ng BRP Suluan kinilala rin ang PCG, partikular ang kapitang si Joe Mark Angge.
12:57Ilang diplomat din ang kumundi na sa anilang delikadong mga hakbang ng Chinese ships gaya ni U.S. Ambassador Mary Kay Carlson.
13:05Ang Foreign Ministry ng China isinisisi sa Pilipinas ang insidente at hinimok na tigilan na raw ang paggawa ng mga aksyong nag-uudyok ng gulo.
13:14Tugod dito ni Defense Secretary Gilberto Tudoro.
13:17I'm already tired of contradicting, you know, and I don't want to answer a blatant lie and, you know, and glorify it.
13:31And everybody knows the truth, really.
13:34Why will we pick a fight?
13:36That's what the president said.
13:37Who in his or her right mind will initiate a conflict when you are a smaller country?
13:44Common sense, unless they don't have any.
13:47Ayon sa PCG, umuwi muna sa Maynila ang BRP Suluan dahil limitado ang fuel at supplies nito.
13:53Sa ngayon, BRP Teresa Magbanwa ang nakaposisyon malapit sa Baho di Masinlok.
13:58Kinumpirma ng Philippine Navy, may Navy warship ang Pilipinas malapit sa lugar noong nangyari ang gulo sa Baho di Masinlok.
14:05Natanong ang Navy kung hindi pa ba sapat ang pagsali ng Chinese warship para makialam at mamagitan ang Navy warships ng Pilipinas?
14:14Sagot ng Philippine Navy, may rules of engagement na sinusunod.
14:18Ang pwersa, pwede lang gamitin for self-defense at depende sa judgment ng ground commander.
14:23All the rules of engagement are bound by international law, within the bounds of international law and domestic law.
14:28Chino Gaston nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:31Sinampal at sinuntok ng babaeng iyan ang 14-anyos na lalaki naglalaro sa isang computer shop sa barangay Tumaga sa Zamboanga City.
14:45Bago ang insidente, kinumpronta na raw ng babae ang binatilyo.
14:48Nagtamu ng bukol sa ulo ang bata.
14:51Batay sa investigasyon, gumanti ang babae dahil sinaktan o mano ng binatilyo ang kanyang anak.
14:55Ayon sa barangay, under probation ang babae dahil sa mga kaso ng pananakit at pagbabanta bago pa mangyari ang insidente.
15:03Disididong magsampan ng reklamo ang magunang ng binatilyo laban sa babae na kanila ring kapitbahay.
15:10Hawak na ng pulisya ang babae na nagsabi raw na hindi niya nakontrol ang kanyang emosyon kaya nakapanakit.
15:16Disididong ang pamilya ng biktima na magsampan ng reklamong child abuse.
15:20Ninakaw ang motorsiklo ng isang babae sa San Mateo Rizal.
15:26Ang isa po sa mga sospek ay ang dating boyfriend ng biktima.
15:31Balitang hatid ni EJ Gomez.
15:37Sa kuha ng CCTV sa barangay Silangan sa San Mateo Rizal, pasado alauna ng madaling araw nitong lunes,
15:45kita ang dalawang lalaking naglalakad.
15:47Kasunod nila ang isang van na pumarada.
15:51Kita rin ang isang babaeng naglalakad.
15:54Maya-maya, bumaba ang driver ng van at binuksan ang pintuan ng sasakyan.
16:00Hindi na nahagip sa video pero isinakay na umano nila ang motorsiklong nakaparada sa labas ng isang bahay.
16:07Ayon sa 22 anyos na babaeng may-ari ng motorsiklo,
16:11alas 7 ng gabi nang mapansin nilang nawawala na ang motor.
16:14Nung ni-review po yung CCTV, nakita namin na there is two guys na tinuturo yung motor namin.
16:21Pati naglalakad, may isang babae din na naglalakad.
16:24Then ilang minutes eh, matagal nilang sinakay.
16:27Ang motorsiklong nasa loob ng van,
16:29kumpirmadong pagmamay-ari ng biktima,
16:32base sa plaka nito.
16:34Nakumpirma rin niya ng isang residente na nakakita raw sa pangyayari.
16:38Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya,
16:40lumabas na isa sa mga sospek ay dating kasintakan ng biktima.
16:45Hinala niya, may kinalaman ng pagnanakaw
16:48sa hindi raw niya pagpapahiram ng motorsiklo sa dating nobyo.
16:52Last Friday po kasi, nagtetect siya sa akin na hihiramin niya daw yung motor.
16:56Pero ako, I highly disagree kasi wala naman na kami and bakit pa niya hihiramin?
17:01Noong nag-brake na kami, may utang siya.
17:04Originally, it's 100 plus.
17:06I'm 140.
17:08Tapos, noong nag-brake na kami,
17:09half nun is paid na while noon kami.
17:12Tapos, yung half nun, hindi pa.
17:13Sabi ko yung motor ownership natin,
17:15akin na fully own para fully paid ka na.
17:18Kasi break naman na tayo para wala tayong connection at all.
17:22Pinagharap ang biktima at kanyang ex-boyfriend sa San Mateo Police Station.
17:26Aminado, ang lalaki na sinubukan niyang hiramin ng motorsiklo.
17:29Pero di raw niya ito ninakaw.
17:32Nag-try lang po ako hiramin kasi wala po kong mahanapan noon.
17:36Noong hindi naman po siya pumayag, okay lang sa akin.
17:39Noong minahiraman naman na po ako,
17:41hindi naman na po ako nag-chat ulit.
17:43Ayon sa biktima, kasama ng sospek ang kanyang kuya
17:47at live-in partner nito sa pagnanakaw
17:49base sa kuha ng CCTV.
17:51Itinanggi ito ng sospek.
17:54Hindi ko po talaga alam kung sino.
17:55Kasi matatawa ko kung ako ba talaga yun, kung kamukha ako.
18:01Wala rin po, hindi rin po talaga kamukha ni kuya eh.
18:04Eh wala rin naman kaming ganung oras na makahanap kami ng ganung sasakyan.
18:11Eh may trabaho kami.
18:12Yung senti po ako.
18:14Patuloy ang investigasyon ng pulisya
18:16at ang pagtuntun sa tatlo pang sospek sa krimen.
18:20Nakaditay ng ex-boyfriend ng biktima sa San Mateo Police Station.
18:23Posible siyang maharap sa reklamong paglabag sa new anti-karnaping law.
18:28EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:37Mga mare, kapuso pa rin si Rian Ramos.
18:41Bago ang kanyang 20th year sa Kapuso Network,
18:46all smiles na pumirman ng kontrata si Rian.
18:50Pinangunahan niya ni GMA Network President and CEO Gilberto R. Duavit Jr.,
18:56Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong,
19:01Officer in Charge for the Entertainment Group and Vice President for Drama,
19:05Cheryl Ching C.
19:06at Manager ni Rian na si Michael Uycoco.
19:09Dumating din si GMA Senior Vice President,
19:12Attorney Annette Gozon Valdez,
19:13to witness the contract signing.
19:16Ilan sa mga tumatak na shows ni Rian ang
19:18Lalola, Illumina,
19:20Stairway to Heaven,
19:21The Rich Man's Daughter,
19:23Royal Blood,
19:24Pulang Araw,
19:26at ang ongoing ng
19:27Encantadia Chronicle Sangre,
19:29kung saan gumaganap siyang si Metena.
19:32All of the officers of the network are my family and this network has even seen me at my worst.
19:43So, for me, it's such an honor to be able to promise the network that I'm going to give them nothing but my best from now on.
19:53Ang nagpapasalamat tayo, you know, the loyalty is so deeply appreciated, yung kanyang walang patid na pagtitiwala sa GMA, and well, how she's evolved into very fine, one of the finest actresses of her time.
20:12I'm so happy for Rian and hope she continues to flourish yung karira with GMA and we're behind her.
20:20I've seen her growth as an actress. In fact, she's one of our best actresses now, diba?
20:26Napakagaling niya, napakatalented.
20:28And I'm very, very happy na she has stayed with us all these years.
Comments

Recommended