00:00Nilino ng palasyo na hindi sasangayon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05na isakripisyo ang batas para lamang bigyang daan ang pakikipagkasundo,
00:09lalo na sa mga kaalyado ng nakaraang administrasyon.
00:13Yan ang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:17Hindi sasalungatin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas para lamang bigyang daan
00:22ang reconciliation o pagkakasundo sa ilang hindi kaalyado ng pamahalaan.
00:27Yan ang iginiit ng palasyo.
00:29Kasunod nang naging pahayag ng Pangulo na bukas siya sa pakikipagkasundo sa pamilya Duterte.
00:34Pero punto nito, hindi papayag ang punong ehekutibo na maabsuelto ang sino mang may sala o nakabimbing kaso
00:41para lang bigyang daan ang pakikipagkasundo.
00:44Nabanggit kasi ng ilang kaalyado ng pamilya Duterte na kung seryoso raw ang Pangulo
00:48ay dapat daw mapauwi sa bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:52na kasalukuyang nakaditine ngayon sa International Criminal Court sa The Hague, the Netherlands
00:57dahil sa kasong crime against humanity.
00:59Hindi po magpapahawak sa lieg at hindi po magpapadikta ang Pangulo sa mali.
01:05Hindi po tatalikuran at babalikta rin ang Pangulo ang batas para lamang pagsilibihan
01:09ang personal na interes ng iilan.
01:12So tandaan po natin, lagi pong sa batas ang Pangulo.
01:15Kaibigan o batas?
01:16Batas pa rin po ang pipiliin ang Pangulo.
01:17Git pa ng Malacanang, hindi lamang patungkol sa mga Duterte ang nabanggit na reconciliation
01:23dahil para ito sa lahat ng taliwas sa mga pulisiya ng kasalukuyang administrasyon.
01:28Lalo't ayaw raw ng Pangulo ng gulo o away para hindi madiskaril ang mga programa ng gobyerno para sa taong bayan.
01:35Ang pakikipagkasundo po ay para sa taong bayan, hindi para sa personal na interes ng iba.
01:40Alalahan niyo po natin, maliwanag, uulit-ulitin ko ang sinabi ng Pangulo,
01:46sa lahat ng tao, gusto niya pong makipagkasundo para magkaroon na stability,
01:53magampanan ang dapat magampanan at hindi madiskaril ang trabaho ng gobyerno.
01:57Ayaw po niya ng away.
01:59So ang awayan na ito, ang siya nagpapagal sa trabaho ng gobyerno dahil puro paninira.
02:07Puro fake news na natatanggap ng Pangulo.
02:10Sinagot din ang palasyo ang pahayag ng kilalang kaalyado ng mga Duterte
02:13na si dating presidential spokesperson, attorney Harry Roque,
02:17na nag-aaksaya lamang daw ang gobyerno ng pondo sa pagbuo ng tracker team para siya ay mahuli.
02:23Giit ng palasyo.
02:24Ang paghahanap na isang fugitive ay hindi pag-aaksayaan ng oras.
02:28Kung siya ay concerned sa pondo ng bayan, dapat noong pan-2016.
02:33At kung sinasabi nga niya na siya ay concerned sa pondo ng bayan,
02:36hindi ba mas maganda kung mag-voluntaryo na siyang umuwi rito
02:40para hindi na siya pag-aaksaya ng oras at ng pera ng gobyerno.
02:44Kenneth Pasyente
02:46Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.