Skip to playerSkip to main content
  • 10 months ago
Panayam kay Philippine Chamber of Cooperatives Inc., Board of Trustee member Lilian Silubrico ukol sa kontribusyon ng mga cooperative sa ekonomiya ng bansa

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Contribution ng mga kooperativa sa ekonomiya ng bansa, ating alamin kasama si Ms. Lillian Silubrico,
00:07trustee ng Philippine Chamber of Cooperatives Incorporated.
00:11Magandang tanghali po, Ma'am.
00:14Magandang tanghali po, asik Joey and Yusek March at sa lahat po ng televiewers ng Bagong Pilipinas ngayon.
00:25Magandang hapon po.
00:26Good afternoon po.
00:28Ma'am, ano po ang papel na ginagampana ng Philippine Chamber of Cooperatives Incorporated sa kaunlaran at pagpapalago po ng mga kooperativa?
00:38Una po, ang Coop Chamber po ay itinayo upang magsama-sama ang mga leaders po sa buong Pilipinas, leaders ng mga kooperativa.
00:49Ang layunin po nito ay magkaroon ng isang platform para po maibigay at mailabas or yung mga issue at mga concern po patungkol sa kooperativa.
01:07At syempre po, ang Chamber po ay bahagi ng ating plano o ng ating adikain ay makatulong sa gobyerno para sa pag-angat ng antas ng buhay ng mga tao,
01:21lalong-lalong na po yung mga nasa marginalized sector, yung ating mga kasapi sa kooperativa.
01:26Ma'am, ano ang mga kontribusyon ng mga kooperativa sa pambansang ekonomiya?
01:32Ang mga kooperativa po sa Pilipinas ay actually 1 in every 10 people sa ating pong bansa ay membro ng kooperativa
01:46at tayo po ay nagbibigay o nagko-contribute ng around 2% po sa ating gross domestic products.
01:56And then, ang ating pong total loan, lahat ng mga 700 billion sa buong Pilipinas.
02:08So, malaki po ang naitutulong kasi po tayong mga kooperativa ay nagbibigay ng mga pautang sa ating mga kasapi
02:16na kung saan sila ay nakapagbibigay ng trabaho, nakapagbibigay o nakakagawa ng mga negosyo.
02:23So, maliit man po ito or malaki, pero ito po ay malaking kontribusyon para sa ating ekonomiya.
02:30So, yun po.
02:31Ngayon, Ma'am Lilian, ano po yung mga pangunahing issue o problema na kinahaharap ng mga kooperativa sa bansa?
02:40Alam nyo po, nakakatuwa po yan.
02:41Ang co-op chamber po kasi ay patuloy na umiikot kasi meron po tayong mga regional officers
02:50at may mga congress na ginagawa.
02:54At doon po namin nakukuha yung mga suliranin or mga issue ng bawat kooperativa.
03:03Alam nyo po, bawat region may iba-ibang concern.
03:07Pero, ang pinaka-common po na issue ngayon ay unang-una po ay yung issue sa taxation.
03:15Alam po natin na ang kooperativa ay tax exempt siya.
03:21Kasi ang ating purpose ay for development and social justice.
03:27Kaya po, ang kooperativa ay binigyan ng magandang beneficyo na kung saan tayo po ay tax exempt.
03:36Kaya lang, despite po na tayo ay tax exempt,
03:40nagiging isang problema dahil karamihan din po sa mga kooperativa
03:48ay pinagbabayad ng tax, nagkakaroon ng mga penalties.
03:53So, medyo mabigat po kasi alam nyo po kung bakit,
03:58despite the fact na tayo nga ay tax exempt,
04:01kasi po nire-require tayo na mag-submit ng individual team ng bawat kasapi.
04:07Na medyo ito ay hindi ganun kadali para sa mga kooperativa.
04:13Kasi mga kooperativa po ay nagmula sa mga rural areas,
04:17marginalized areas, no, na kung saan hindi sila nakaka-access, no, makakuha ng team.
04:27And plus the fact na ang mga kooperativa po natin ay matagal na,
04:31may 50 years old, 35 years old, 40 years old,
04:35na hindi naman po yan hinahanap noon yung ating team.
04:38So, balit ngayon po, ito ay isa sa mga requirement na binibigay ng BIR
04:45para ma-enjoy mo yung iyong pagiging tax exempt na kooperativa.
04:50So, yan po yung mga nagiging problema natin.
04:55So, ano yung magiging resulta, no, kung hihinga ng team tapos hindi natin maibigay?
05:01So, sinasabi po nila na dapat kaming magbayad ng tax, no, itong mga kooperativa na ito.
05:09At pag nagbayad po ng tax ang kooperativa, alam nyo po,
05:12ito ay tagos at ramdam ng mga kasapi, no,
05:17na alam po nila at alam po ng lahat na ang kooperativa ay hindi dapat magbayad ng tax.
05:23So, yan po yung isa sa mga sinusulong natin, no,
05:27lagi nating tinitingnan kung paano ang pwedeng gawin.
05:32Kasi po, alam po naman natin na hindi po tayo kalaban ng gobyerno,
05:37pero tayo po ay magkatulong para sa pag-ahon.
05:41Kasi ang intensyon po ng COOP ay ma-ahon, no, ang pamumuhay, no,
05:47makatulong sa ating gobyerno upang ma-ahon ang pamumuhay ng mga tao.
05:54So, isa pa po ay masasabi natin na issue po sa kooperativa
06:00ay yung mga, sabihin na natin yung over-regulations na nagiging experience po natin.
06:08Kasi noong araw, noon po, alam nyo, ako po ay almost 30 years na, no,
06:15in the COOP movement.
06:17Noong araw po, ay lahat po ng mga regulations and requirements ay natutugulan po natin
06:25kasi ito ay naniniwala po tayo na ito ay magpapalakas at kapagpapatatag sa isang kooperativa
06:32para patuloy na makapaglingkod, no, doon sa mga miyembro nito.
06:37So, balit sa panahon po ngayon, sa dami po ng regulasyon,
06:42nagiging over-regulated or over-requirements na po tayo.
06:47Kaya parang hindi na siya nagiging, ano yan, hindi na siya mag-aang,
06:52kundi bagkos ito ay nakakapagpahina, no,
06:56dahil imbis na ito ay ating magawa,
07:00kaya lang may mga bagay na dahil sa regulasyon,
07:03ay nalilimit po tayo sa ating mga dapat gawin.
07:06So, yun po at doon po sa mga katulad po sa ibang requirements, no,
07:10ng mga CIC, meron din pong isang grupo or mga kasama natin,
07:15meron mga nagsusulong na ang kooperativa po ay,
07:19ano po kasi tayo, no, one co-op, democratic control,
07:26one member, one vote.
07:29Pero may mga nagsusulong po na ito ay gawin na
07:32ang boto ay galing, ay base doon sa laki ng kanyang contribution or share capital,
07:39which is, hindi po iyon ang tamang values and principles
07:43ng kooperativa.
07:44Kaya po, isa rin po ito, no,
07:46kasi kailangan ang bawat isa ay,
07:48ang bawat isang kasapi ng kooperativa
07:51ay merong pantay-pantay na karapatan at pantay-pantay na boto.
07:55So, iyon po yung mga challenges na ating mga na-encounter.
07:59At marami pa po, saglating sa agrikultura,
08:02meron pa rin po.
08:03Pero the biggest burden po ngayon sa atin
08:07ay ang tax issue po sa ating koop.
08:11Maraming salamat po sa inyong oras,
08:15Ms. Lillian, si Lubrico, trustee
08:17ng Philippine Chamber of Cooperatives Incorporated.
08:22Thank you very much po.

Recommended