00:00Pagpapalakas pa ng mga inisyatiba laban sa human trafficking naman ang ating pag-uusapan
00:05kasama sa Department of Justice Undersecretary Nicholas Felix T.
00:09USEC in charge ng Interagency Council Against Trafficking.
00:12Magandang tanghali po, USEC T.
00:15Magandang tanghali, Asik Dale. Magandang tanghali, Asik Weng.
00:18Salamat sa pag-imbitas sa inyong programa.
00:21Apo.
00:21USEC, kamakailan po ay may naaresto na dalawang Taiwanese at na-rescue
00:26na limang OFW sa Naiya kaugnay ng trafficking scheme.
00:30Nasaan na po ang limang OFW na nailigtas?
00:33Yung limang OFW na naligtas ay na-endorse na namin sa DSWD
00:38at kasalukuyan ay sila ay nasa isang shelter natin na binibigay ang kanilang mga pangailangan.
00:46Sir, nasaan naman po yung dalawang Taiwanese na inaresto at ano po yung kakaharapin nilang mga kaso?
00:52Yung dalawang Taiwanese ay nasa custodial facility ng PNP
00:56at sila ay haharap ng mga kaso ng qualified trafficking persons at large-scale illegal recruitment.
01:02USEC, batay po doon sa report, nirecruit daw ang limang Filipino para magtrabaho sa online scam hubs sa ibang bansa.
01:09Paano po tinutugunan ng IACAT ang emerging trend na ito sa human trafficking?
01:15Yung nakatoka dito sa trend natin ay yung mga iba-ibang task force natin ang IACAT.
01:21O isang halimbawa dyan yung NAIA Task Force Against Trafficking
01:24kung saan yung mga iba-ibang agencies na relevant dito sa laban natin contra-human trafficking
01:29tulad ng DOJ, DFA, DSWD, PNP, NBI, BI at DMW ay naging pag-uknayan.
01:37Halimbawa kukuha sila ng intelligence at kagmating yung intelligence na lang
01:41upang ipag-ithalpa ang mga kababayan natin na maaaring mabiktima
01:45at arrestuin ang mga trafficker.
01:49USEC, ano rin po yung mga hakbang ng pamahalaan sa mga hamon tulad nito
01:53ng iba't-ibang umuusbong na criminal networks at kahirapan sa pag-identify ng mga biktima?
02:01Dapat palakasin natin ang ating mga referral mechanism sa iba-ibang mga level.
02:05Mahirap na kung aasalan talaga tayo sa intelligence sa mga law enforcers
02:10or sa Bureau of Immigration.
02:12So, importante dyan sa level ng mga komunidad ay may mga tao noong mag-report.
02:17Yung mahalaga din na yung mga biktima mismo no, sila ay mahimok na mag-report ka agad.
02:23Kung halimbawa, umpisa pa lang ay bine-recruit na sila at may doon na sila sa recruitment,
02:27sana mag-report sila agad.
02:30USEC, paano naman po pinapalakas ng ayakat ang information campaign
02:34para hindi maingganyong ating mga kababayan at ma-recruit sa mga scam hub?
02:38Yung IACAT, mayroon itong communications plan na na-aproba noong 2023
02:44at na i-calet na ito sa maiba-ibang member agencies.
02:48Yung mga member agencies may kanya-kanyang mga comms plans
02:51o mga comms material upang maipalabas kung balitan ito.
02:55So, titignan natin, halimbawa sa Bureau of Immigration, sa DMW,
02:59dalawa ito sa mga ahensya na sobrang aktibo
03:01magbigay ng mga babala sa ating mga kababayan
03:04upang maligtas sa mga ganitong mga peligro.
03:07At syempre, ang IACAT din naman, di nakukulang dyan.
03:10Kung may hitong mga website sa IACAT ay napaka masigasig
03:14sa pagpaglabas ng mga public service announcements
03:16tungkol sa mga ganitong peligro.
03:18At kasama na din yung pag-report ng mga successful operation
03:22tulad ng pinag-usapan natin kanina.
03:24Kaya, na sana magsilbing itong parang deterrent
03:28sa mga trafficker at sa mga kababayan natin
03:30na malagay sa ganitong mga sitwasyon.
03:34Sir, saan naman po nakatutok yung IACAT
03:36sa pagpapatupad ng mga estrategia
03:38sa ilalim ng National Action Plan?
03:41May four-pronged Strategic Action Plan yung IACAT.
03:45Apat na aspeto ang dapat tutukaw natin dito.
03:48Nandiyan yung prevention, protection, prosecution at partnership.
03:53So, sa usapin ng prevention,
03:55yung pinag-usapan na natin kanina,
03:56isang aspeto doon ay yung advocacy and communications.
03:59Dapat talaga mas mabuti pa namin maipakalat
04:02ang mga informasyon tungkol sa trafficking
04:05at yung mga paraan ng mga kababayan natin
04:07na mag-report kung sakaling sila yung na-biktima.
04:10Sa halang naman ng protection,
04:12nandiyan ang aming partner, yung DSWD,
04:14na talagang inaalagaan yung mga biktima ng human trafficking.
04:18Sa prosecution na doon kami at yung mga law enforcers
04:20na masigasig talaga namin,
04:23na inimbestiga at pinananagot ang mga trafficker.
04:28At sa partnership naman, talagang di tayo nakukulang doon.
04:31Talagang lahat ng mga maaamin natin maging katuwang dito,
04:35tulad ng mga LGU, ng mga pribatong kumpanya,
04:38ng mga NGO,
04:41ay talagang nakikipagunahin tayo sa kanila ng madalas.
04:44Yusek, para po sa mga biktima,
04:47paano po pinapabuti ng pamahalaan ang mga programa
04:50para po suportahan at tulungan ng mga biktima ng human trafficking?
04:54Maraming paraan yan na tumutulong yung pamahalaan sa mga biktima.
04:58Ang nakatoka dyan ay ang aming co-chairperson sa IACAT,
05:01ang DSWD.
05:02Halimbawa, pag may mga biktima ng human trafficking,
05:05ay asas sila ng mga,
05:06may makuha silang mga ayuda,
05:08tsaka mga livelihood assistance at psychosocial support
05:11mula sa DSWD.
05:13Tapos, pagtapos nun,
05:14ay binapantayan din ang kanilang pag-reintegrate sa lipunan
05:18para di sila ma-traffic ulit.
05:20Nandiyan yung RRTPT,
05:22na division ng DSWD na nakatoka dyan.
05:27Para naman doon sa mga biktima na naglakas loob
05:30at magkaso dito sa DOJ
05:33at na umabot sa korte,
05:34nandiyan ang witness protection program.
05:37Pwede namin sila tulungan,
05:38may makukuha silang konti doon.
05:39At meron din tayong tinatawag na ano,
05:42parang supported and supportive claims.
05:45Okay.
05:46Maraming salamat po sa inyong oras,
05:48DOJ Undersecretary Nicholas Felix T.