00:00Kinansela na ng Commission on Elections Unbanked ang registration ng Duterte Youth Portilist.
00:06Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:10Pinapakansela na ng Commission on Elections Unbanked ang registration ng Duterte Youth Portilist.
00:16Sa inilabas na dokumento ng Paul Buddy, ngayong araw, sa Botong 5-1-1,
00:22kinatigan ng Unbanked ang desisyon ng 2nd Division noong June 18, 2025,
00:27na makansela ang registration ng Duterte Youth, ibinasura din nila ang apela ng Portilist.
00:33Ang dahilan naman ng Unbanked, lack of merit, o wala umano silang nakitang sapat na dahilan
00:39para baliktarin ang naging desisyon ng debisyon.
00:42Ibinasura din ang motion for reconsideration ng Duterte Youth dahil wala naman umanong maipakitang dahilan
00:48bakit kailangan mabaliktad ang desisyon.
00:52Malinaw na responsibilidad ng Portilist at nakasaad sa batas
00:56na dapat maipublish ang mga dokumento para sa kanika nilang registration.
01:01Hindi umano ito isa lamang formality, kundi legal na responsibilidad na kailangan nilang sundin.
01:08Di rin excuse na walang direktiba sa kanila na magpublish ng requirements
01:12para hindi nila ito sundin.
01:14Ang pagtuturo ay hindi sila malinigta sa kanilang kapabayaan.
01:18Naniniwala din ang Unbanked na walang prescriptive period sa pagkansilan ng registration
01:24ng isang Portilist organization.
01:27Kaya't kahit ang issue na ito ay noon pang 2019 elections,
01:31may otoridad pa rin umano ang COMELEC sa registration ng mga organisasyon.
01:36At higit sa lahat, sinabi ng Paul Buddy na ang papalit-palit umanong pangalan
01:41na mga nominees ng Portilist noong 2019 elections ay labag sa batas, rules at regulasyon
01:48na ipinatutupad sa election process.
01:51Matatandaan, nagugat ang kaso ng cancellation sa registration ng Duterte Youth
01:56dahil nga hindi ito nagpublish umano ng kanilang requirements bago mairehistro sa COMELEC.
02:02Gayunpaman, nagkaroon sila ng tigi isang seat sa Kamara noong 2019 at 2022
02:09at ngayong 2025 elections, nakakuha ng botong 2,338,564 na makapag-uupo ng tatlong representatives sa pwesto.
02:19Wala pa naman tugon ngayon ang Duterte Youth Party List hinggil sa desisyon.
02:24Pero nilino naman ang COMELEC, hindi pa pinal at agarang ipatutupad ang desisyon ng Unbanked.
02:30Maaari pa rin umapila sa Cortes Suprema ang party list.
02:34Handa naman umano itong harapin ng COMELEC.
02:37Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.